Chapter 26: Earl's loyalty

Start from the beginning
                                    

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. "Masyado kang maraming nalalaman." Sabi ko at pumunta sa kitchen.

"Kami na magluluto. Asikasuhin mo muna si Earl." Bulong nya ulit. Agad naman akong inakbayan ni Viena at pinabalik sa sala.

Hindi ko magawang tumitig kay Earl. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko yung kagabi. Hindi ko alam na magagawa nya yun.

Tinawag naman ako nila Viena para kumain. Tinatanong nila ako about dun pero nagkikibit balikat lang ako. Ayokong mag overthink dahil baka hindi naman talaga ganun ang nangyari. Nang matapos akong kumain ay nagligpit lang sila habang si Earl ay binabantayan ko pa rin.

Umuwi na rin sila Viena at saktong nagtext si mader na mamayang 12 pa sila makakauwi.

Around 8 nang gumising si Earl. Kasalukuyan na akong nagwawalis nun. Nakapikit pa ang mata nya pero gising na ang diwa nya. "Good morning, love!" Sabi nya pero di ako sumagot.

Kinuha nya ang cellphone sa lamesa at mas lalo akong nainis nang makitang todo tawa sya habang nakatingin sa cellphone. "Kumain ka na dun." Sabi ko at pumunta sya sa kitchen.

"Anong oras uuwi sila tita?" Tanong nya. "12."

Hindi naman siguro sya magtataka kung bat tahimik ako. Tahimik si Earl at di rin ako dumadaldal hanggat di sya nag-uumpisa.

Natapos ako sa pagwawalis at naglalampaso na ako ngayon. Sya ay naupo sa sofa habang nagcecellphone. Napatingin sya sa manggas nya at dali-daling pumasok sa banyo. So itatago pa talaga nya sa akin?

"Love, bilisan mo, naiihi ako." Sabi ko. Gusto ko nang itanong sa kanya pero kailangan magmukha akong walang alam hindi dapat ako magpahalata.

Hindi naman nakalock ang pinto kaya pumasok na ako. Naabutan ko syang nagtatanggal ng lipstick sa manggas nya.

"Iihi lang ako." Sabi ko at nag-aalangan pa syang umalis. Nang maiwan ako sa loob ay bumuntong hininga ako.

"Love." Kumakatok dahil inabot na yata ako nang 5 minuto rito. "Teka." Sagot ko. Pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Sorry." Sabi nya at agad akong niyakap. "H-ha? Bakit?" Tanong ko. Hindi sya kumikibo ay naaamoy ko pa rin ang amoy na ganun sa kagabi.

"Alam kong may problema." Sabi nya. "Wala." Sagot ko. "Meron." Pagpupumilit nya.

"May babae ka ba?" Tanong ko. Napabitaw naman sya sa yakap pumunta sa sofa. "Ano?" Tanong ko ulit.

"San naman galing yan?" Pagbabalik nya ng tanong sa akin. "Wag mong ibalik sa akin yung tanong, Earl." Sagot ko.

"Pero bakit mo nga naisip yun?" Tanong nya ulit. "San galing yung tanong ko? Dun sa amoy mo kagabi. Amoy babae. Tsaka yung marka ng lipstick. Siguro kaya ka nagpunta dun para makipagkita noh?" Sabi ko.

"Love naman---"

"Siguro kaya mo sinabing walang babae dun para pagtakpan yung babae mo noh?"

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang baba ko at inangat para magtama ang tingin namin. Agad naman akong umiwas ng tingin.

"Mukha ba akong babaero? Sa aming magkakaibigan, si Grey lang ang babaero pero tumino. Ako dati nang matino." Sabi nya. Napairap naman ako dahil sa pagiging mahangin nya. "Ngayon hindi na." Sagot ko.

Kinuha ko ang cellphone nya at pilit na binubuksan yun pero ayaw. "Iniba mo yung password?" Tanong ko pero di sya sumagot at nakatitig lang sa akin.

"Privacy." Sagot nya. "Privacy?" Tanong ko at itinaas ang cellphone agad kong hinampas yun sa mukha nya. "Hindi ko na nanaising makita pa yang laman ng cellphone mo." Agad akong pumunta sa pinto. "At please lang, lumabas ka na."

Nanatili syang nakatayo pero nakayuko. "Lumabas ka." Sabi ko ulit. Tumingin sya sa akin na parang nagmamakaawa. "Labas!" Nag-iwan sya ng mapait na ngiti.

Maya-maya ay dumating na rin sila mader. Magpapahinga lang daw saglit kaya nagluto muna ako. Nauna na rin akong kumain at natulog saglit. Puyat ako tsaka hyper kaya ramdam kong kulang ako sa tulog.

"Love.."

"Ano?"

Hindi ko minumulat ang mata ko pero naririnig ko sya. Abala sya sa tulog ko. "Natulog ka nang 12 at 2 na ngayon." Hindi ako sumagot.

"Uhm... Do you hear me?" Nanatili akong walang kibo. Naramdaman kong tumayo sya at maya maya ay...

"Ano ba?! Siraulo ka ba?!" Mapait na ngiti ang nakita ko. In-spray nya sa akin ang pabango at kaamoy yun ng damit nya kagabi. "Ano yan?" Tanong ko. Nakatayo ako ngayon sa harap nya.

"May babae ba ako? Syempre wala. Yung pabango? Eto yun. Diba nga kako mas gusto ko yung amoy ng pabango ng babae." Sabi nya. "Oh tapos?"

Tumitig sya sa akin. "Y-yung lipstick... Nabali kasi yung lipstick na gamit ni mama nahulog dun bago ako umalis. Naalala ko lang tanggalin nung umaga." Pagpapaliwanag pa nya.

"Oh?"

"Y-yung password ko naman..." Nakatingin lang ako sa kanya at agad naman syang umiling.

"S-sige, uuwi na ako." Nakayuko sya habang papalabas. Agad naman akong humarang sa pinto para harapin sya.

"Love?"

"Hm?"

"Did I hurt you?" Tanong ko pero umiling sya. Sinilip ko ang mukha nya at binigyan nanaman nya ako ng mapait na ngiti. "Don't cry." Sabi ko.

Tumango lang sya at akmang bubuksan na ang pinto nang niyakap ko sya agad. "Sorry." I said.

"Natatakot lang akong mambabae ka. Mahal kita, Earl. Sorry po kung nasungitan kita kanina." Sabi ko ulit.

"Yung password ko pala---"

"No. Privacy nga diba? Alam kong may limitations ako pagdating sa buhay mo. Ang sa akin lang wag kang mambabae." Agad ko syang hinalikan sa pisngi.

"Uuwi na ako." Sabi nya. "Wait." Hinawakan ko sya sa mukha. "Kahit nasampal pala kita ng cellphone kanina, gwapo ka pa rin." Sabi ko at nag-iwas sya ng tingin.

Nang makalabas si Earl ay kinuha ko ang cellphone ko. Saktong tumatawag si Tasha.

(Ano?)-ako

(Bati na kayo? Kapag di kayo bati sayang effort namin.)-sya

(Ha?)-ako

(Tingin ka sa bintana mo.)-sya

Nakita ko silang dalawa ni Viena, kumakaway. Si Earl ay paalis na.

(Anong effort?)-ako

(Magpilit kay Earl na mag-explain. Jusko nagpasundo kami kay Dave para puntahan ka.)-sya

(Oh tapos?)-ako

(Epal ka.)-sya

Natawa ako nang makita ko si Viena na hanggang ngayon ay kumakaway pa rin. Swerte ko sa dalawang yan.

•••••

So eto na yung update sana magustuhan nyo. Don't worry sa susunod eh balik kay Tasha and Dave.

Vomment
Support
Follow






10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now