#1 THE UNTOLD STORY OF MR.BEAN

96 20 0
                                    


"Mga bata gusto niyo ba makarinig ng kwento?" Tanong ng isang guro sa kanyang estudyante.

"Opo!" Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"Pero ano pong kwento, teacher?" Tanong ng batang si Jezel.

"Kilala niyo ba si Mr.Bean?" Tanong ng guro at sabay-sabay na naghiyawan ang mga bata.

"Opo teacher! Palagi ko pong pinapanuod yun!" Tuwang-tuwa na sabi ng batang si Noemi.

"Nakakatuwa po ang palabas na yun!" Nakangiting sabi naman ng batang si Jessica.

"Ano ang napapansin niyo pagpinapanuod niyo ang palabas ni Mr.Bean?" Tanong ng guro, natahimik at napa-isip naman ang kanyang estudyante.

"Ikaw Chai-chai may napapansin kaba?"

"Wala po teacher" iling-iling na sabi ng batang si Chai-chai.

"Ikaw Ara?"

"Wala din po teacher" malungkot na sabi ng batang si Ara.

Magsasalita na sana ang guro ng biglang sumagot ang batang si Niefan.

"Palagi po siyang may dalang Teddy, teacher"

"Tama ang kaklase niyong si Niefan, palaging may dalang Teddy si Mr.Bean" nakangiting sabi ng Guro. "Hindi niyo ba napansin yun?"

"Oo nga po noh teacher, palagi niyang dala-dala yun" sabi ng batang si Ara.

"Gusto niyo ba marinig ang kwento niya?"

"Opo teacher!" Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante niya.

"Sige, maupo kayo ng maayos at makinig ng mabuti sa akin."

"Si Mr.Bean ay nakapag-asawa ng sikat na artista, maganda, mabait at matulungin sa kapwa kaya kinaiinggitan ng mga kalalakihan si Mr.Bean. Naging maganda ang kanilang relasyon dahil palagi silang nagkakaunawaan.

Umaga ng ibalita ng kanyang asawa na buntis ito, tuwang-tuwa si Mr.Bean dahil natupad na ang matagal nilang hinihiling. Ngunit ng magpitong buwan na ang pagbubuntis ng kanyang asawa, nalaman nilang maselan ang pagbubuntis nito.

Siyam na buwan na at tanda na kabuwanan na ng asawa niya, takot at tuwa ang nararamdaman ni Mr.Bean ng mga panahon nayun. Takot na baka may mangyaring hindi maganda sa kanyang asawa at Tuwa dahil masisilayan na niya ang kanyang anak."

Tumigil sandali ang guro at tinignan niya ng mabuti ang kanyang estudyante, natuwa siya at lahat ay nakikinig ng mabuti.

"Ano na po kasunod nun, teacher?" Tanong ng batang si Chai-chai

"Malusog na naisilang ang kanilang anak ngunit imbes na maging masaya si Mr.Bean, pighati ang naramdaman niya ng mga oras nayun dahil namatay ang kanyang asawa."

"Hala! Pano na po yun? Wala ng mommy si Baby" malugkot na saad ng batang si Jezel.

"Nalungkot ng sobra si Mr.Bean ng mga panahon na yun dahil akala niya magigig masaya na ang pamilya niya. Biniyayaan sila ng anak na matagal na nilang hinihiling ngunit kapalit nun ang pagkawala ng kanyang asawa."

"Nasan na po si Baby?" Tanong ng batang si Jessica.

"Pagkatapos ng burol ng asawa niya, nakalabas nasa hospital ang anak nila. Malusog at Maganda ang anak nila, sa likod ng kalungkutan ni Mr.Bean. masaya din siya at dahil Nakikita niya sa anak niya ang kaniyang namayapang asawa."

"Teacher, ano pong pangalan ni Baby?" Tanong ng batang si Noemi.

"Gerlie, Gerlie ang naisipang ipangalan ni Mr.Bean sa kanyang anak, nagmana talaga ito sa kanyang Inang namayapa na. Ang kanyang Labi, mata, ilong kuhang-kuha nya sa kanyang Ina.

Naging payapa ang pamumuhay nila, lumaking masayahin si Gerlie. Sa edad na apat na taon gulang makikita mo na talaga an pagkahawing ni Gerlie sa kanyang Ina at natutuwa din si Mr.Bean dun dahil kahit papaano hindi siya nangungulila sa kanyang asawa.

Kaarawan ni Gerlie at tanda na limang taong gulang na ito, kaya naisipan ni Mr.Bean na regaluhan ang anak niya."

"Ano pong regalo, teacher" agad na tanong ng batang si Niefan.

"Isang Teddy ang binigay ni Mr.Bean sa kanyang anak nasi Gerlie. Limang araw ang nakalipas ng maganap ang kaarawan ni Gerlie, nangyare ang aksidente na hindi inaasahan ni Mr.Bean. pangyayareng nakapagpabago ng husto sa buhay niya.

Naglalaro sa kanilang bakuran si Gerlie ng makita niya ang isang munting paru-paru at dahil bata pa lang si Gerlie nabighani siya sa ganda ng paru-paru. Sinundan niya ito hanggang makarating siya sa gitna ng kalsada, saktong pagdating niya sa gitna ng kalsada ay siya namang pagdating ng nagmamadaling kotse. Nasagasaan si Gerlie ng kotseng yun"

"Hala! Buhay pa po ba si Gerlie?" Tanong ng batang si Jezel.

"Sino po yung nakasagasa kay Gerlie?" Tanong naman ng batang si Noemi.

"Huhuhu pano na po yung, teacher?" Lumuluhang tanong ng batang si Ara.

"Ano na pong kasunod nun, teacher?" Tanong ni Chai-chai.

"Hindi huminto ang may ari ng kotse bagkus ay nagmadali itong umalis at iniwan ang kasalanang ginawa. Nakahandusay sa malamig na kalsada ang batang si Gerlie hanggang sa malagutan na ito ng hininga.

Sa kabilang banda naman, hinahanap ni Mr.Bean ang anak niyang si Gerlie hanggang sa makarinig siya ng sigawan sa labas ng bahay niya. Lumabas siya at nakita niya ang anak niyang nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sariling dugo.

Wala ng nagawa si Mr.Bean kundi ang tanggapin ang nangyare. Wala na ang asawa niya pati narin ang anak niya, sa puntong yun nawala nasa sarili si Mr.Bean. Madaming naawa kay Mr.Bean dahil sa sinapit ng kanyang pamilya pero wala silang magawa, hindi nila malapitan si Mr.Bean.

Araw at gabi wala siyang ginawa kundi ang yakapin ang regalong binigay niya sa anak niya, tuwing kakain siya may sariling pagkain din ang Teddy na binigay niya. Kahit saan siya magpunta kasama niya ang Teddy na regalo niya dahil pakiramdam niya kasama niya din ang anak niya.

Malungkot na namuhay si Mr.Bean, simula ng araw na namatay ang kanyang minamahal na anak."
WAKAS

"Ang sama naman ng may-ari ng kotse nayun, hindi man lang niya tinulungan si Gerlie" galit na saad ng batang si Jessica.

"Tama ka, masamang tao siya" turan naman ng Guro.

"Dapat sa kanya kinukulong!" Galit na sigaw ng batang si Ara.

"Kung tinulungan niya si Gerlie, sana buhay pa ito at masaya si Mr.Bean"

Hindi nalang nagsalita ang guro sa komento ng kanyang estudyante.

"Teacher, bakit po kayo umiiyak?" Inosenteng tanong ng batang si Jezel.

Hinawakan ng guro ang kanyang pisngi at tama nga ang kayang estudyante umiyak siya, pinunasan niya ang kanyang luha at nakangiting tumingin sa kanyang estudyante.

"Kilala niyo po ba ang may ari ng kotse, teacher?" Biglang tanong ng batang si Chai-chai.

"Oo kilala ko siya, kilalang-kilala" sagot ng guro.

Malungkot na napatingin sa kawalan ang guro, pagkatapos niyang magkwento at sagutin ang mga tanong ng kanyang estudyante. Iniisip niya ang kwento ni Mr.Bean.

'Sana mapatawad mo ako Mr.Bean sa nagawa kong pagkakamali. Patawad dahil sa akin namatay ang anak mo, dahil sa akin kaya nagdudusa ka ngayon' sa isip ng Guro.

Tama kayo, ang guro at ang may-ari ng kotseng nakasagasa sa anak ni Mr.Bean nasi Gerlie ay--iisa. Siya ang dahilan kong bakit namatay ang walang muwang na batang si Gerlie.

-End-

Fb: Ashy Bell Writes
Ig: ashywrites_0404

WHISPER OF MY HEART (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon