Page 22 / Jeremiah's POV

10 2 0
                                    

Thea's Diary

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thea's Diary

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa aking pisngi. Tinanong ko kung para saan iyon pero nginitian niya lamang ako. Kumain ako kasabay ng aking pamilya. Nag zoom meeting na lamang kami dahil malayo kami at may pasok pa ako. Ang mga kapatid ko ay hindi na nakasama dahil kumain na daw sila at may ginagawa pa sila.

* * *

Jeremiah's POV

Makalipas ang isang araw ay napag desisyonan kong kausapin si mom dahil parang may problema talaga siya kay Thea. Medyo nakakainis dahil wala naman ginagawang masama si Thea.

"Mom, may problema ka ba kay Thea?" deresto kong tanong sa kaniya "Napapansin ko kasi na parang ayaw mo sa kanya." sabi ko

"Wala akong problema. Nag aalala lang ako na baka masama siyang tao." paliwanag niya

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko. May nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero parang hindi naman siya ganoon dati. Noong hapon ay nagpaalam ako kay tita Hannah na makitulog ako doon at agad naman niya akong pinayagan. Pagdating ko ay nagmano ako kay tita at nakapagtatakang wala si tito. Pumunta na ako sa kwarto dahil nandoon daw si Thea. Bumili din ako ng pagkain para sa aming dalawa. Mabuti na lang at hindi pa nakakain si Thea.

"Good evening baby girl." sabi ko sa kanya habang nakangiti ako

"Luh?! Bakit ka nandito?" nagulat niyang tanong habang nag sasagot pa siya ng modules

"Dito ako matutulog. Ayaw mo ba?" sabi ko

"Wala naman akong sinabi. Na miss kita baby boy." sweet niyang sinabi

"Eto dinalan kita pagkain dahil hindi ka pa daw kumakain." sabi ko sakanya habang nilapag ko ang pagkain na dala ko

"Thank you baby boy." pagpapasalamat niya "Tatapusin ko lang ito." sabi niya

"Kumain ka na. Mamaya magkasakit ka pa." sabi ko "Pag hindi ka kumain susubuan kita." pag aalok ko

"Sige." sabi niya habang tumatawa

Sinubuan ko siya at pinapahirapan ko ang pagsubo para kumain siya.

"Aray ko. Akin na nga kakain na ako." reklamo niya

"Sabi ko susubuan kita pero wala akong sinabi na maayos." biro ko

Kumain na kami at pagkatapos noon ay gumawa na siya ng kanyang modules. Tinapos ko na din ang aking modules. Mga ilang oras din kaming gumawa at natulog na kami ng bandang 11:00PM.

"Teka teka. Anong ginagawa mo?!" sabi ni Thea at halatang kinakabahan siya

"Nagtatangal damit. Ganito ako matulog." sabi niya

"Wag ka mag tangal. Kung gusto mo sa baba ka na lang matulog. Eto o may foam dito." sabi niya

"Tsk. Sige na nga." sabi niya

Natulog na kami.  Naramdaman ko na noong 1:00AM ay kinumutan ako ni Thea at noong mga 4:00 ay nakapagtatakang may naririnig akong nagbubukas ng pinto ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

Kinaumagahan ay kumain na kami. Umalis na din si tita kaya dalawa lang kami ni Thea na kumain. Inasar ko siya dahil kinumutan niya ako kagabi.

"Kinumutan mo pa ako kagabi. Mahal na mahal mo talaga ako." pagbibiro ko

"Hindi kaya." sabi niya sabay sampal sa akin

"Nakita ko. Madali akong magising." sabi ko habang tumatawa ako

"Oo na. Pero dahil nilalamig ka no!" sabi niya

"Ah ok." sabi ko habang tumatawa pa rin

"Ano ba!" sabi niya sabay sampal ulit sa akin

* * *

Third Person's POV

"Ano nagawa niyo ba?" tanong ni madam

"Hindi. Ang bilis naman kasi magising." reklamo ko

"Mukang kakailanganin natin ng mas marami pang tauhan para magawa natin ang plano." sabi ng kasama ko

"Siguraduhin nyong tama yan. Sige." pagpayag ni madam "Sa tingin ko ay kakailanganin natin ang dalawa niyang kapatid." sabi ni madam at ayon nya ang ginawa namin

Please don't forget to vote and follow me.

Diary of the Unlucky Person (Book 1)Where stories live. Discover now