Page 18 / Jeremiah's POV

7 3 0
                                    

Jeremiah's POV

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Jeremiah's POV

A week later....

Nag uumpisa na kami mag classes. Marami akong modules kaya hindi ako nakapunta ngayong linggo kila Thea. Minsan lang din kami mag usap kasi marami din siyang ginagawa at pag naguusap kami ay saglit na lang.

Noong Linggo ay wala naman akong pasok kaya naisipan kong pumunta kay Thea. Nandoon din sila tita at tito kaya nag mano ako. Papunta na siya sa bahay nila kaya naisipan kong ihatid na siya. Nang nasa kotse na kami ay kinausap ko siya.

"Kakilala mo sila?" tanong ni Thea

"Oo." sabi ko

Mga ilang oras din ang biyahe namin at ngayon lang kami nakarating. May isang barangay na bawal ang sasakyan kaya napilitan kaming mag lakad. Medyo malayo iyon kaya init na init kami. Nasaktohan din na 1:00PM iyon.

Mga ilang minuto kaming naglalakad ni Thea nang bigla kong hinawakan yung kamay niya. Buti na lang at hindi niya binitawan.

"Grabe naman pawis ka na nga, pawis pa kamay mo." sabi ni Thea

"Sorry na baby girl." sabi ko

"Ano ba?!" sigaw niya sa akin

"Ano?!" sigaw ko naman sa kanya

"Ala lang." sabi niya habang tumatawa

* * *

Nang makapunta kami sa bahay nila ay dinala ko ang binili naming pagakain na kakainin namin. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa kwarto ni Thea.

"Uy may gitara ka pala." sabi ko sabay kuha nito

"Oo, pero hindi ko naman nagamit kasi hindi naman ako interesado diyan." sabi niya

"Kakantahan na lang kita." sabi ko pagkatapos ay kinantahan ko siya. Bakas sa muka niya ang tuwa at parang kinikilig din siya.

Mga ilang minuto din kaming nag kwentuhan at hindi ko na namalayan na nakatulog na kami. Nagising ako ng mga 3:30PM at ginising ko na si Thea dahil aalis pa kami.

"Gising na baby girl." sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Wag mo akong tinatawag na baby girl at hindi pa kita sinasagot." sabi niya habang nag uunat

Lumabas na kami dahil pa alis na kami. Nag cr si Thea at nagulat ako sa sinabi ng magulang niya sa akin. Pinakita nila sa akin ang litrato noong kami ay natutulog kanina.

"Tignan mo. Ang sweet niyo diba dito iho..." sabi ng mommy ni Thea

"Iho, wag mong sasaktan ang anak namin. Mahalin mo kagaya ng pagmamahal namin sa kanya." sabi ng daddy niya

"O-opo." sabi ko

Nawalan na ako ng sasabihin kaya umoo na lamang ako. Pagkatapos umalis na kami ni Thea. Mga bandang 5:00 na kami nakauwi. Umuwi na din ako samin dahil may pasok pa kami bukas.

* * *

Thea's Diary

Nagpunta kami sa bahay namin kasama si Jeremiah. Na enjoy ko ito at muka naman nasiyahan si Jeremiah. Mukang nagustuhan din naman nila si Jeremiah. Pagkatapos noon ay nakatulog kami at umuwi na kami dahil may pasok pa kami. Pero na realize ko na parang nagugustuhan unti unti dahil siya ay....

Please don't forget to vote and follow me :)

Try to read my story 'Love in the Hospital'

Diary of the Unlucky Person (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora