"How can you do this me Ate? Tungkol nanaman ba ito kay Sandrei? Labas ang relasyon namin ni Sandrei sa shop na yun. So, Why would you do that?" sigaw ko.

"Because I hate you! Inagaw mo sakin si Sandrei! Inagaw mo yung lalaking magpapasaya sakin!"

"Wala akong inagaw sayo Ate. Bakit ba napaka-isip bata mo? Paano mo nagawang sirain yung importanteng event na yun!"

Hindi ko na napigilang sumabog sa galit dahil sa nalaman ko at ang dami naring nanunuod samin.

"Sinabihan na kita diba? Hindi ko hahayaang maging masaya ka Cassie! Sisirain kita! Gagawin kong miserable ang buhay mo at hindi ka magiging masa---PAK!

Bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay sinampal ko na siya pero bigla niya akong sinabunutan kaya napahiga ako sa sahig.

"Let me go!" sigaw ko habang gumaganti sa kanya.

Kahit pinipigilan kami ng mga tao sa paligid ay hindi parin kami tumitigil at wala rin akong paki kung ma-guidance kami. Tinulak ko siya saka siya dinaganan at sinabunutan at sinampal ng madaming beses.

"Cassie tama na!" Hila sakin ni Ina pero tinutulak ko lang siya. "Tiffany tawagin mo si Sandrei,"

Paikot-ikot na kami ni Ate sa sahig sa pag-aaway namin at siya na ang nasa ibabaw ko ngayon.

"Mang-aagaw ka! I hate you!" sigaw ni Ate.

"CASSANDRA!"

Nagulat nalang ako ng may humatak kay Ate Candice saka binalibag siya at tinulungan akong makatayo.

"Love okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Drei.

"Can you see that Sandrei kung gaano ka-warfreak yang girlfriend mo!" sigaw ni Ate habang dinuduro ako.

"Tumigil kana!" Tulak sa kanya ni Ina.

"Wag mo akong tinutulak bitch!" Sabay tulak niya sa kaibigan ko.

Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilan kumawala kay Sandrei at tinulak si Ate. "Wag mong sasaktan ang kaibigan ko!"

Susugod pa sana si Ate nang biglang nagsalita ang may pinaka-mataas na position sa school.

"Ms. Montemayor, What's happening here?" malamig na tanong samin pero walang gustong magsalita. "Sumama kayo sakin sa office,"

••••••••••••

Dahil sa nangyare ay kinailangang papuntahin ang magulang namin. Dumating si Daddy at Mommy Ria dahil tinawagan ko sila.

"Anong gulo nanaman ang pinasok mo Cassandra at pati ang ate mo ay dinamay mo?" malamig na wika ni Mommy sakin.

Ako? Ako nanaman ang mali sa panigin niya.

Hinawakan ni Drei ang balikat mo saka nagsalita. "With all due respect, Ms. Cortez pero alam naman sa buong university na palaging si Candice ang nagsisimula ng gulo at nang-aaway sa girlfriend ko,"

"At anong alam mo Sandrei? Eh, Huli na nung dumating ka. Bigla nalang nanampal yang girlfriend mong walang pinag-aralan,"

"Shut up!" sigaw ni Daddy kay Ate.

Natahimik nanaman ang lahat kaya biglang nagsalita si Mommy Ria.

"Excuse me, Maiwan mo muna kami para kami nalang mag-ayos nito," wika ni Mommy Ria at tumango nalang ang Dean saka naglakad palabas ng opisina.

"Oh, Anong pag-uusapan? Wag niyong sayangin ang oras namin ng anak ko dito," malamig na wika ni Mommy.

"M-mom, May alam kaba sa ginawa ni Ate Candice na pag-sabotahe sa shop ko?" mahinahon kong tanong.

Lumingon siya kay Ate Candice na naguguluhan bago nagsalita. "Masyado ka naman atang nagbibintang Cassandra. Ayan ba ang natutunan mo sa poder ng ama mo?"

"I'm saying the truth! Sinabotahe niya ang grand opening ng shop ko. Rinig na rinig namin nila Ina ang pinag-uusapan nilang mag-kakaibigan!"

"Wag ka ngang gumawa ng kwento Cassie! Wala akong ginawa sayo bigla ka nalang lumapit at sinampal ako." Sabay tayo ni Ate Candice sa kinauupuan niya.

"Hindi ko tinuruang gumawa ng kwento ang kapatid mo kaya naniniwala akong nagsasabi ng totoo si Cassie," panghihimasok ni Mommy Ria.

"Hoy kabet! Wag kang makisali dahil usapang pamilya ito!" sigaw ni Mommy.

"I'm the legal wife of Andrew Montemayor, Maybe that's enough proof that I am part of the family MS. Cortez," matapang na sagot ni Mommy Ria.

Susugurin sana ni Mommy pero hinarangan siya ni Daddy. "Stop Emilia! Don't you dare hurt my wife or even Cassandra! Kaya yang si Candice naging warfreak dahil namana sa ugali mo!"

"Ako nanaman Dad? Lagi nalang ako? Siya nanaman ang kakampihan mo ha?" singit ni Ate Candice.

"Kung ayaw mong napapagalitan edi bakit ka gumagawa ng mali? Bakit mo sinabotahe yung grand opening?" malamig na wika ni Daddy.

"Ilang beses ko bang sasabihin na gumagawa lang ng kwento ang babaeng yan! Wala nga kayong pruweba na ako ang may pakana eh! Why so easy for you to judge me Dad?" sigaw ni Ate Candice.

"Then why so easy for you to sabotage me Ate? I'm your sister!" paghagulgol ko.

"Bakit Cassie may pruweba kabang maipapakita na ako talaga ang nag-sabotahe sayo?"

Hindi ako makakibo dahil alam kong wala akong mapapakita. Hindi ko na-record yung pinag-usapan nila kanina.

"Paano kung sabihin kong may pruweba akong maipapakita sayo?" malamig na wika ni Drei.

Bigla naman kaming napalingon kay Drei dahil sa sinabi niya pero kay Ate lang siya nakatingin.

"Wala kayong mapapakita dahil inosente ako!" kabadong wika ni ate.

"Then let's see," ngisi ni Drei. "Ulysses papasukin mo!"

🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

Hindi ko alam kung pasok sa expectation yung way ng pag-aaway nila pero ginawa ko po yung best ko kaya nagpapasalamat ako sa nagbabasa at patuloy na sumusuporta ♥️ Lovelots!

Love Series 1: The Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon