chapter 11

282 8 1
                                    

Gabe na ng makalabas ng boutique si Almira..
kaya naman heto at nahihirapan syang mag abang ng taxi pauwe dahil maliban na sa rush hour na rin ng mga oras na yun at maulan pa ng gabing yun..

Halos mag iisang oras na rin syang nakatayo upang mag abang ng masasakyan ng may pumaradang kotse sa tapat nya..

Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakilala nya ang may ari ng kotse..

"Almira!"
tawag ng binata sa kanya..

"k-Kendrick?"

"pauwe kana ba?"
nakangiting tanung ng binata..

"o-oo.."
tipid nyang tugon sa binata..

"sumabay kana saken hatid kita sa inyo.."

"h-hindi na..salamat
mag aabang na lang ako ng taxi..
maya maya lang meron ng dadaan na bakante dyan.."
at lumihis ng lakad si Almira sa nakaparadang kotse ng binata..

Sa di maintindihan ay biglang nainis si Kendrick sa pagtanggi ng dalaga sa kanya..
kaya naman bumaba sya ng kotse at sinundan nya ang dalaga na papalayo sa kanyang sasakyan..

Kahit na nagmamadali si Almira na makauwe kasi alam nyang hinihintay sya ng kanyang anak ay tahasan nyang tinanggihan ang alok ng binata dahil nga ayaw nyang makipaglapit sa binata..
at isa pa ay ang di maintindihan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso pagnagkalapit sila ng binata..

"Almita wait!"
tawag ni Kendrick sa kanya..

Imbes na huminto ay mas lalong binilisan ni Almira ang kanyang paglakad ng biglang may humatak sa kanyang braso kaya sya natigilan..

"anu?!"
asik nya sa binata

"galet kaba saken?"
pigil na inis ni Kendrick

"baket naman ako magagalet sayo?"
balik na tanung ni Almira..

"kung di ka galet saken baket mo ko iniiwasan?natatakot ka ba saken?"
derechang tanung ng binata kay Almra..

Bumuga ng malalim ng paghinga si Almira bago nagsalita..

"for your information Kendrick..
hindi kita iniiwasan at wala akong galet sayo..
at lalong hindi ako natatakot sayo!
ayoko lang na makaabala ng tao..
siguro naman ay maliwanag na sayo!"
mataray itong tumalikod sa binata at nagpatuloy sa kanyang paglalakad..

Ngunit sa pagkakataon na ito ay mas lalong naging agresibo si Kendrick na maihatid ang dalaga..

"Almira listen!"
at pinigil na naman nya ang dalaga sa pamamagitan ng pagharang neto sa kanyang dinadaanan

"anu na naman ba? ayoko ngang magpahatid sayo!naiintindihan mo ba?"
asik ni Almira sa binata..

"yeah I understand.. I- it sounds crazy
but i really wanted you to take a ride..
j-just to know that your safe to get home..
and besides..heavy rain are getting to fall.."
sinserong tugon ni Kendrick sa dalaga..

hindi nga nagkamali si Kendrick at bumuhos nga ang malakas na ulan!

Agad naman na hinubad ni Kendrick ang kanyang coat at ipinandung ito kay Almira sabay kapit neto sa kamay ng dalaga na patakbong nilusob nila ang malakas na ulan patungo sa  kotse ng binata!

Pagkapasok sa kotse ay agad nagpagpag ng basa si Kendrick..
ngunit talagang nabasa ang binata dahil manipis ang polo na sout neto..

Nakonsensya naman si Almira dahil sa kanyang  ay nabasa tuloy ang binata..
kaya pinagpag nya ang coat na ipinandung sa kanya ni Kendrick at inabot ito sa binata..

"nag iinarte kapa kasi Almira!
kung sumakay kana agad di sana nakauwe kana  ngayun bago umulan!"
angil ng kanyang sarili sa dalaga

"k-Kendrick..hubarin mo yang polo mo kasi baka magkasaket ka pag natuyo ang basang damet sa katawan mo..
naka aircon din tong kotse mo baka lamigin ka din.."
nangingimeng inabot ni Almira ang coat dahil sa hiya..

Almira's 18th GiftΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα