chapter 45

212 8 1
                                    

"So anu na plano mo ngayun?ipapaalam mo ba ito kay Kendrick?"
usisa ni Jonas kay Almira habang nasa isang coffee shop sila..

Napatigil sa pagsimsim si Almira sa kape at tinitigan na lang ito..

"Ate..wala namang saysay kung sasabihin ko pa..ayoko naman na maging dahilan ulet sa naudlot na pagmamahalan nila Kendrick at Chantalle.."

"panu si Clarence?panu kana ngayun?"
pag aalalang tanung ni Jonas..

Bumuntong huminga si Almira bago sumagot..

"masasanay din sya na wala ako..alam ko naman na di sya pababayaan ng mga tunay nyang pamilya..at sanay din naman akong magpalaki ng anak mag isa"
ang matapang na sagot ni Almira..

Ngunit parang di sang ayun si Jonas sa desisyon ng kapatid..

"Almira..di pa dapat malaman ni Kendrick ang tungkol sa pagbubuntis mo?may karapatan din naman sya sa bata.."

Ngunit ng iba ang tono ni Almira..

"at anu ate!?dahil ba sa nabuntis ako ay dapat na lang nya akong pakasalan? at anung sasabihin saken ni Chantalle? nasinadya ko talagang magpabuntis para maagaw sa kanya si Kendrick?"

"hindi sa gan.."

ngunit di na pinatapos pa ni Almira ang sasabihin ng kapatid at desidedo na syang magpakalayo at ilihim ang pagbubuntis kay Kendrick!

"ate buo na ang pasya ko..lalayo na ako kay Kendrick at Clarence..masaket para saken iwan ang anak ko..pero tanggap ko na na kahit anung gawin ko ay di mapapasaken ang karapatan ni Clarence..kaya ipapaubaya ko na sya sa tunay nyang pamilya.."
ang garalgal sa boses ni Almira..

Di na lang nakipagtalo pa si Jonas.
Inisip nya kasi na baka makakasama pa ang labis na pag iisip sa kalagayan ng kapatid..

Nang hapon na yun ay nagpaalam na si Almira sa kanyang ate na doon na mamalage sa apartment na tinutuluyan neto..
may nalalabi pa naman syang dalawang buwan upang tuluyang lisanin ang nasabing apartment..

Habang nakaupo sa sala ay may narinig syang kumakatok sa pinto..
kanya itong tinanung kong sino at napag alaman nyangbang kanyang brother-in-law pala itong si James..
kaya agad nyanitong pinagbuksan..

"kuya..napasyal ka..halika tuloy ka.."
niluwagan nya ang pinto upang nakapasok ito sa kanyang apartment..

Pinaupo nya ito sa sofa at alam ni Almira ang pakay neto sa kanya..ang ipagtanggol ang kaibigang si Kendrick..

" Almira hindi na ako magpaliguy liguy pa..
nagpunta ako dito kasi ang akala ko ay nasa bahay kapa.meron lang sana akong ipaliwanag sa  tunay na nangyare sa nasaksihan mo sa proposal.."

Ngunit ayaw ng pakinggan pa ni Almira ang paliwanag ng bayaw..pakiramdam kasi nya na kinakampihan neto ang kaibigang si Kendrick..

"kuya James..mawalang galang napo..kung nagpunta po kayo dito para maging padreno ni Kendrick ay nagsasayang lang po kayo ng oras..hindi ko napo sya asawa...wala napo akong pakialam pa sa kanya.."
ang madiin na tono ni James..

Napabuntong hi inga na lang ang bayaw sa kanyang hipag...batid nya kasing masqktan ito kaya siguro naging matigas ang damdamin neto..

" I understand..pero atleast mag usap man lang kayo para kahit panu ay may closure parin sa inyo.."
ang payo ni James..

Hindi na kumibo si Almira sa bayaw..kaya nagpaalam na lang ito sa kanya..

"So nakausap mo si Almira?anung sabi nya?"
ang usisa ni Kendrick kinaumagahan sa kanilang opisina..

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon