chapter 2

445 7 0
                                    

"Inay sige napo..pumayag na kayo ni tatay..
mabait naman po si Claire..at para naman po di nako babyahe pa ng malayo.."
pagmamakaawa ni Almira sa mga magulang para payagan syang pumisan sa bahay ni Claire habang nag aaral sya sa lungsod..

"anak naman kasi baket kailangan mo pang magtrabaho eh..nakakasapat naman ang kinikita ko sa paggugulay para matustusan ko ang pag aaral mo..
kung si Ate Jonas mo napatapos ko ng pag aaral sa paggugulay ko eh.."
paliwanag ng ama ni Almira..

"itay..hayaan nyo naman na tulungan ko kayo sa pagtustus ng pag aaral ko..
naaawa na rin ako sa inyo..gusto ko rin po na nakapagpahinga rin kayo ng kunti..at itay di naman sa lahat ng oras ay sagana ang benta sa gulay..
minsan kinakapos din tayo..
kaya itay payagan nyo na po ako na pansamantalang pumisan sa bahay ni Claire.."

Kung tutuusin ay may punto din naman si Almira nang maisip ito ng kanyang ama..
hindi talaga sa lahat ng oras ay sagana ang benta ng kanilang gulay..
tulad ngayun na maulan ang panahon ay mahirap para sa kanila ang transportasyon para mailuwas ang kanilang produkto gawa ng maputek at malalalim na lubak ng kanilang kalsada..

"o sya sige..pero paalala ko lang sayo Almira..
pag aaral ang atupagin mo doon hindi ang anumang uri ng gimik kung tawagin sa mfa kabataan ngayun.."

"opo itay..salamat.po.."
at napayakap si Almira sa ama..

" inay pumayag napo si itay..
ihahanda ko na po ang dadalhin kong gamet na dadalhin ko pagluwas bukas.."
masayang pahayag ni Almira sa ina..

"anak..mag ingat ka doon..tulad ng sabi ng ama mo na dapat pag aaral ang atupagin.."
may bahid na pag aalala ng ina para sa anak..

"opo inay..tatandaan ko po ang bilin nyo ni itay.."
at excited na na naghahanda ng mga gagametin ni Almira para sa pagpisan nya sa bahay ng bagong kakilala..

"Salamat naman at pinayagan ka ng mga magulang mo na dito ka muna titira.."
natutuwang salubong sa kanya ni Claire..

"Nung una ay ayaw nila tatay..ngunit nang ipaliwag ko sa kanila ang dahilan ko hayun..
pumayag na rin sila.."
nakangiting tugon si Almira kay Claire..

"ayan..may kasama na ako dito bahay..
may makakwentuhan na ako dito..
pakiramdam ko aalug alog ako dito kaya minsan naiisipan kung sumama sa mga kaibigan ko na gumimik eh.."

Napatingin si Almira sa kausap dahil sa sinabi neto..

"Ahm..Claire..san ba ang mga magulang mo..i mean yung pamilya mo?"
usisa ni Almira..

Biglang nalungkot ang mukha nang dalaga nang matanung ni Almira ang magulang neto..

"lumaki ako sa bahay ampunan..sabi ng mga madre doon na basta na lang daw ako iniwan sa pinto ng kanilang shelter..at nung nasa hustong edad na ako..ay nagpaalam na ako sa kanila..
kung anu anu ang trabaho ang pinasok ko para mabuhay..hangga't sa may kaibigan akong nagpasok saken sa cafe shop.."

"buti nagkakasya ang kinikita mo sa gastusin mo dito sa bahay..
ang alam ko di naman ganun kalaki ang sweldo dun. "

"may mga sideline naman akong iba...
may mga kaibigan ako na komokontak saken para sumayaw.."

"sayaw?san ka sumasayaw?dancer sa club ganun?"
pagkabigla ni Almira sa isiniwalat ni Claire..

"hindi! loka loka!"
natatawang tugon ni Claire..

"nagsasayaw ako sa mga stag party..
pero hanggang sayaw lang talaga ako..
hindi ako sumasama sa mga lalaki.."
pagpatuloy ni Claire..

Parang nabalisa si Almira ng malaman ang mga ibang impormasyon tungkol kay Claire at sa kabilang banda ng kanyang utak ay may pag alinlanfan tuloy sya kung tama ba na tumira sya sa bahay ni Claire..

"natahimik ka Almira?nagdadalawang isip ka na bang tumuloy dito?"
derechang tanung ni Claire..

"h-hindi..wala naman akong iniisip na ganun. "
alibi ni Almira..

"okay mabuti naman kung ganun..kasi gusto ko maging totoo sayo..
pakiramdam ko kasi ay mapagkakatiwalaan kita.."
ubod tamis na ngumiti ito sa dalaga..

"ako din naman magaan ang loob sayo.."
patotoong sabi ni Almira kay Claire..

"sa wakas may Bff nako..!"
sabay yakap ni Claire kay Almira at gumanti na rin ng yakap ang dalaga..

"ay teka maggagabe na pala..bibili tayo ng pagkain dyan sa may kanto..
di kasi ako nagluluto eh..panay lutong ulam lang ang binibili ko.."
bahagyang kumalas si Claire sa pagkayakap kay Almira..

"isama mo na itong pera ko para maibili mo na din ako.."
sabay abot ni Almira sa isang daan na pera..

"nako wag na..itabi mo na lang yan pera mo para may madudukot ka pagmay kailangan kang bayaran sa eskwelahan mo.."

"nakakahiya naman sayo..pero may pera naman na ibinigay sila itay dagdag sa allowance ko.."

"basta wag na muna sa ngayon..at dahil mag BFF na tayo sa araw na ito ay ililibre muna kita..tara samahan mo na ako sa kanto manili ka nang gusto mong pagkain.."
puno ng kagalakan ang mukha ni Claire..

"s-sige.."
tipid na tugon ni Almira..

masayang.lumabas ng bahay sina Almira at Claire sa bahay upang bumili ng kanilang makakain..
Dama ni Almira totoong pakikipag kaibigan ni Claire sa kanya..
Sa kabilang banda ay naaawa din sya sa dalaga dahil mag isa lang itong namumuhay at ramdam nya na may kulang sa pagkatao ng bagong kaibigan..

"Bff..ayan na yung crush ko..!!"
sabay ayos ng mukha at damet si Claire habang mas lalo pa ata nyang iniliyad ang nagmumura netong didib upang mas makita ang cleavage neto sa nakabukas na butones na suot na uniporme.

"saan?"
usisa ni Almira..

"ayun oh.."
sabay simpleng nguso ni Claire sa mestisong lalaki na may hawak na cellphone at tila may kung anung tinitignan neto..

Di maintindihan ni Almira kung baket biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ito ng lalaki..
maya maya ay tumingin ito sa kanilang dereksyon at nagtama ang kanilang mga mata..

Mas lalong nagrambulan ang tibok ng kanyang puso ng tumitig ang lalaki sa kanya!

"hoy!na star struck kaba sa kagwapuhan ni Kendrick!?
sabi ko sayo ang pogi nya at bagay kame diba?..!"
kinikilig na untag neto sa kanya..

"ha.!?.ah..eh..o-oo..bagay kayo.."
pagsang ayun nya sa kaibigan ngunit para tumututol ang kanyang utak..

"pero mas bagay kame!"
sigaw ng kanyang isip

"di nga!?hindi ito  fantaserye para mag ilusyon Almira!"
pagsuway ng kabila nyang diwa..

"bff tignan mo naman kung maganda ba ako sa ayos ko..gusto ko kasi maganda at sexy ako sa paningin nya.."

Sinipat ni Almira si Claire at sadyang maganda naman talaga at sexy pa ito..idagdag pa ang nagmumura netong dibdib..

"maganda ka friend..trust me..mapapansin ka nyan.."
todo support sya sa kaibigan..

"teka sandali at ititimpla ko sya ng cappuccino..yun kasi ang paborito nyang kape na inoorder saken.."
at kinikilig pang tumalikod anf kaibigan..

Habang nasa counter ay parang naiilang si Almira..
pakiramdam nya ay may kung sinung nakamasid sa kanya..
pinilit nyang pinakampante ang sarili dahil may ilang costumer pa kasing nakapila na dapat nyang atupagin at dapat ay nakafocus ang atensyon nya sa mga ito..

Mula sa mesa na pinuwestuhan ni Kendrick ay tanaw nya ang dalawang dalaga at sa may na makapal na salamin na tumitig sa kanya nahuli ang kanyang atensyon
hula nya ay pinag uusapan sya ng mga ito..
pero yung b
nakasalamin ay parang balewala lang ata sya dito na sa di sinasadya ay nainis sya sa pagbalewala neto sa kanya..

"she's kind of cute.."
bulong ni kendrick sa sarili..
habang patuloy na pinagmamasdan ang dalaga na nasa counter..

Almira's 18th GiftWhere stories live. Discover now