Chapter 7

285 7 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga taon..
ang dating karga karga lang ni Almira na sanggol ay dalawang taon na bata na at masiglang nakikipaglaro na ito sa kanya..

Sinusulit na nya kasi ang kanyang nalalabing araw na makalaro ang anak dahil luliwas na sya ng lungsod at doon ay makikipagsapalaran upang maibigay sa anak ang magandang bukas at di naman sya nag aalala dahil makakasama naman nya ang kanyang ate Jonas..

Nang mapagod sa paglalaro ang mag ina ay nagpahinga ito sa malaking duyan sinadyang gawin ng ama ni Almira para sa kanilang mag ina..

"anak..aalis muna si mama ah.."
malambing nyang sabi sa anak...habang kalong kalong nya ito sa duyan..

ngunit kumilos ang bata at yumakap ito sa kanya..

"mama wag mo ko iwan.."
pagmamakaawa ng musmus..

Yumakap din sya sa bata ngunit sa pagkakataong ito ay hinigpitan pa nya saka ikinalong ule ang bata..

"anak kailangan magtrabaho ni mama..
para sa.kinabukasan mo ang gagawin ko..
at syempre para mabili ang mga gusto mong laruan.."

Napqngiti at kumislap ang mata ng bata ng marinig ang huling kataga na sinabi ni Almira..

"anak be a good boy habang wala si mommy..
wag kang masyadong maglilikot baka mapagod ang lolo.at lola mo..kakasaway sayo.."

Tumango ang bata kay Almira na tipong mauunawaan niya ang mga sinasabi neto..

Kinalong nya ang bata padapa sa kanyang dibdib at tipong hhinihele nya hanggang sa itoy nakatulog..

Pinagmasdan ni Almira ang nahihimbing na paslit..

blonde ang buhok neto..makinis at maputi ang balat ng bata..makakapal ang mahabang pilik mata neto at kapansin pansin ang kulay bughaw na bilog ng mata ng bata..na animoy naka contact lens ito..

"siguro dayuhan ang papa ni Clarence..
san kaya nakilala ni Clair ang ama nya.."
tanung na bulong ni Almira..

Inisip ni Almira at binalikan ang mga alaala nila ni Clair nung nabubuhay pa ito..
wala naman syang nabanggit na natipuhan ng kaibigan maliban sa isang bagong salta noon na enhenyero..

"s-si Kendrick?!"
bulaslas nyang bulong sa sarili..

Rumihistro sa kanyang diwa ang huli nyang kita sa binata at napangiti sya..

lulugu lugu at medyo magulo ang buhok na halatang bagong gising ang dating..
at nang titigan nya ito ng malapitan ay napansin nya na kulay bughaw din ang mga bilog ng mata ni Kendrick..

"hindi kaya si Kendrick ang ama ni Clarence?"

bumilis ang tibok ng puso ni Almira ng maisip na baka tama ang kanyang suspetsa..
pero iniling na lang nya ang kanyang ulo at pilit iniwaksi ang mga bumabagabag sa kanyang isip..
ang importante para sa kanya ngayun ay ang anak na isang mahalagang alaala na iniwan sa kanya ni Claire..

"Kendrick could you please tell me where the medallion is..?"
medyo matigas ang punto ng pagkabigkas neto dahil isang laki sa probinsya si Donya Carol vda.de Mullins ngunit ngayun ay naka base na isang state ng US...

"mom i told you a hundred times..i left it in my room in our house in the Philippines.."
alibi ni Kendrick sa ina ngunit sa tuwing tinatanung sya tungkol dito ay kinakabahan talaga sya dahil naiwala nya ito..

"hoy kindrick! siguraduhin mo lang na naitago mo nang husto yun! dahil alam mo naman siguro ang kwento ng kwentas na yun.."

ngunit di na pinatapos pa ni Kendrick ang sinasabi ng ina dahil narinig na nya ito ng marameng beses at naririndi na talaga sya dito sa tuwing inuulit ulet ito ng ina sa kanya..

Almira's 18th GiftWhere stories live. Discover now