Chapter 6

284 6 0
                                    

Mula sa ilang araw ay umabot na ng anim na buwan ang paghintay ni Almira sa pagbabalik ng kaibigan..

Minsan tumatawag ito sa kanya upang kamustahin lamang sya..
pero nangako ito sa kanya na babalik na ang kaibigan sa katapusan ng buwan..

Napansin ni Almira na paiba iba ang numero na ginagamit ni Claire upang matawagan sya..
pero ng balikan nya ng tawag ang numero na ginagamet ni Claire ay unreachable na ito..

Nagtataka man ay di naman nya ito maitanung sa kaibigan dahil lage itong nagmamadali pagtumatawag sa kanya..

Katapusan na nang buwan kaya inaasahan na ni Almira ang pagbabalik ni Clair  sa kanulang inuupahang bahay..
at talaga naman na miss nya ang kaibigan...

Napangiti si Almira nang maalala si Claire..

"tiyak walang humpay na naman ang kwento nito saken.."
pananabik nya sa kaibigan...

Naisipan nyang mag general cleaning ulet kahit kontodo linis na sya kahapon..
upang naman kahit paano ay maipabatid naman nya sa kaibigan na di sya nagbaya sa kanilang tirahan..

Sa gitna ng kanyang paglilinis ay may nahimigan syang katok!

"s-si Claire!"
bulaslas nya sa sarili at naeexcite na binuksan ang pinto..

"Clai...!"
napatigil sya sa pagsambit ng pangalan ng kaibigan..
ngunit isang babae na nakabelong puti,nakasout ng bestidang mahaba na kulay puti din na mahaba ang manggas hanggang pulsuhan ng kamay at may suot na kwentas na may pendant na krus..

"m-madre?!"
bulaslas niya sa sarili habang nakatitig sya sa babaeng alagad ng Dios..

"magandang araw ineng..
ito ba ang bahay ni Claire?"
magalang tanung na madre..

"o-opo..pero wala po sya dito.."

Tumingin sa kanya ng derecho ang madre..

"ikaw ba si Almira?"

"o-opo ako nga po..baket po?"
nagtatakang tanung ng dalaga..

"pinasusundo ka ni Claire..
may mahalaga syang sasabihin sayo"
ani ng madre..

"po!?san po si Claire?"
naguguluhang tanung ni Almira..

"ineng kung iyong mamarapatin ay pwede bang sumama ka muna sakin..
para makita at makausap mo si Claire.."

Nagdadalawang isip man si Almira na sumama sa madre ngunit nanaig ang labis na pag aalala nya sa kaibigan kaya sumama sya sa madre upang makita si Claire..

May isang oras din ang ibiniyahe nila Almira bago marating ang isang kumbento sa isang tahimik na baryo..

Pumasok sila sa loob ng kumbento at sa loob ng kumbento ay pumasok sila sa isang maliit na kwarto at doon nakita ni Almira ang maputla at nakaratay na kaibigan..

"Claire...anung nangyare sayo?..
baket ka nagkaganyan?baket di mo sinabi saken na may saket ka!?"
lumuluhang sunod sunod na tanung ni Almirasa kaibigan..

Gumilid ang luha ni Claire ng makita ang kaibigan..

"ayoko kasing mag alala kapa saken..
maliit pa lang ako alam ko nang may saket na ako sa puso..
kaya nagpaalam ako kay mother superior para naman maenjoy ko ang lalabi kung buhay.."
paanas na sabi ni Claire kay Almira..

"Claire wag ka nang magsalita makakasama sayo.."
lumuluha parin si Almira..

"Almira sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa labas ng kumbento ikaw ang naging totoong nagmahal at nagmalasaket saken..
gusto ko pa sanang makasama ka nang matagal.pero alam ko na di ako magtatagal.."

Almira's 18th GiftWhere stories live. Discover now