Chapter 10

284 7 5
                                    

"Hayy...nakakainggit naman si ate..
pero happy ako para sa kanya.."
natutuwang bulong ni Almira habang tinatanaw ang nakakatandang kapatid na masayang masaya sa araw ng kasal neto habang binabati ito ng ibang bisita na nandodoon..

Nang mag umpisa na ulet ang emcee sa isang maliit na program neto sa venue ay pumagitna na ang newly-wed couple para sa traditional na paghagis ng garter at bouquet ng bride.

Una tinanggal ng groom ang garter na nakalagay sa hita ng bride ngunit ni na ito inihagis pa dahil iniabot na ito ng groom na si James sa bestfriend netong si Kendrick..
sa pakiware pa nga ay nag aalangan pa ang binata na tanggapin ang naturang garter ngunit pinagduldulan ito ng groom kay Kendrick kaya napilitan itong tanggapin..

Ang sumunod na tinawag ng emcee ay ang bride na pumuwesto na sa gitna upang ihagis ang hawak na bouquet..

Inanyayahan ng emcee ang lahat ng kadalagahan sa gitna ng venue upang sumalo sa naturang bouquet na ihahagis ng bride
at ang iilan na kadalagahan ay pumuwesto na  upang mag abang sa ihahagis na bouquet..

Hindi nakisali si Almira dahil sadyang mahiyain talaga ang dalaga...
pangalawa ay alam ng iilan na nandoon na may anak na sya kaya naman umupo na lang sya sa harapan malapit sa pwesto ng kanya ate para sana makuhaan nya  ng litrato habang hinahagis neto ang hawak na bouquet..

Humudyat na ang emcee saka ng bilang hanggang tatlo at hinagis na nga ng bride ang bouquet!

Todo handa pa si Almira sa kanyang cellphone para sana makuhaan ng picture ang kapatid habang hinahagis ang bouquet ng biglang my lumapag sa hita nya!

Natulala si Almira ng makita nya ang bouquet ay napunta sa mismong hita nya!

Napatingin ang lahat na nandodoon sa kanya at walng nagtangkang mga kadalagahan na kunin ito mula sa kanya..

"oh no! baket saken napunta!
natatarantang bulong ni Almira sa sarili..

Tatayo sana sya para ihagis ulet sa nagkumpulang mga dalaga sa gitna ng venue ngunit nagsalita na ang emcee at pinalalapit na sya sa harapan!

Walang magawa si Almira kundi sundin ang utos ng emcee upang papubtahun sya sa gitna kasama ang nakakuha ng garter na walang ibaa kundi si Kendrick..

Habang papalapit na sya sa gitna kung saan nakaabang na si Kendrick sa kanya  ay nagtatambol ng mabilis ang kanyang puso!
pakiramdam nya ay mistulang bumabagal ang lahat na nasa paligid at bukod tanging sila lang si Kendrick ang gumagalaw sa mga oras na yun!

Puna ni Almira ang ubod tamis na ngiti ni Kendrick habang magkasalubong ang kanilang mga mata!
pakiramdam ni Almira ay namamagnet sya sa mga asul netong mga mata na parang hinihigop neto ang kanyang lakas..

Bahagyang yumuko si Almira dahil di nya kayang tagalan ang titig ng binata sa kanya..

"haruuyyy..jusme! para.syang demi-God na bumaba sa lupa!"
bulong ni Almira sa sarili..

Nang makalapit na sya sa harap ng binata ay nangingime syang tumingala sa binata..

"h-hi"
tipid nyang ngiti at bati kay Kendrick..

ngunit nang maghinang ang kanilang mga mata ay halos matupok na naman sya sa mga titig sa asul na mata.neto!

"you're so beautiful babe.."
anas ni Kendrick sa kanya..

pakiramdam nya ay.yumukod si Kendrick upang halikan sya..
kaya naman pinikit nya ang kanyang mata at bahagyang itiningala ang mukha saka itinulis ang nguso upang sana salubungin ang labi ng binata nang biglang may malakas na boses na umuntag sa kanya!

"Almira!what are you doing?"

Agad na idinilat ni Almira ang kanyang mga mata at nakita nyang may pagtataka sa mukha ng binata!"

Almira's 18th GiftWhere stories live. Discover now