Kapitulo 27: Dungeon of Hades

199 12 9
                                    

Chapter 27 | The Dungeon Of Hades

Halos humangos ako habang nakahawak sa aking leeg na kanina'y halos mapatid na dahil sa makakapal na kadenang nakapulupol dito. Sunud-sunod ang malalim na pagtaas-baba ng aking paghinga. Nanginginig ako sa labis na kaba at walang tigil sa pagtagatak ng butil-butil kong mga pawis. Nanatili akong nakaluhod sa malamig na sahig. Hindi lang dahil sa mga taong nasa itaas ko ngayon ang dahilan ng aking pagkatakot at labis na kaba, kung 'di dahil na rin sa nakapanggigilalas na anyo ng halimaw na nasa aking tabi. Ramdam ko ang mga mata nitong nagmamasid sa aking bawat galaw.

"Vanesco!" I heard a man cast a spell and the monster together with those damn chains beside me immediately dissolve into thin air. Good god! I thankfully screamed in my head.

Maya-maya'y, naramdaman ko ang init ng kamay na lumapat sa aking braso at marahan akong itinayo. Mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon sa gawi nito dulot na rin nang pagkabigla.

They almost killed me. These people...

-they have the audacity to eliminate anyone if they would like to.

"Paumanhin, Binibini, subalit ito ang iniiuutos ng Dux Bellorum," anito na may bahid ng kaba sa kaniyang boses. Marco Apollo. Hindi ko man lamang naulinagan ang kaniyang paggalaw. Banayad lang nitong inilagay ang aking mga kamay sa aking likod at ipinosas.

Lumunok muna ako nang mariin dahil ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan sa kabila ng samu't saring emosyon sa mga oras na ito. Naikuyom ko ang aking kamao at matalim na tumitig sa aking itaas kung nasaan nakaluklok ang taong nagbigay ng hindi makatarungang paratang.

"Gawin niyo kung anong gusto niyo sa akin. Totoo ang sinasabi ko, wala akong kinalaman sa mga akusasyon ninyo patungkol sa insidenteng nangyari sa South Wing. You're punishing the wrong person," paghihimagsik ko. "You're calling yourselves 'Councils' yet you failed to be one. How ironic," I added with disgust.

Agad namang tumalima si Marco at iginiya na ako nito sa pintuan palabas. Sinabayan lamang ako nito sa aking mabagal na hakbang dahil ako'y iika-ika. Nahirapan akong lumakad sa kabila ng mga pinagdaanan ngayong araw. Tila mas pagod na pagod ako sa mga oras na gayon. Hindi ko na ito inalintana at sumunod na lamang sa paglakad ng huli.

Marahang binuksan ni Ginoong Marco ang pintuan, subalit bago pa namin tuluyang lisanin ang lugar na iyon, binigyan ko muna nang isang matigas na tingin ang gawi kung nasaan ang lalaking iyon.

"While you're penalizing me, the person behind the infiltrating incident is still walking freely. Quit putting the blames on others when in fact, your impetuous behaviors are the reasons why," I grumbled. After that, we left them without getting any more responses.

I hate that tyrant man. Tsk. How can he be so cold when he wasn't even sure if I was one of the culprits.

Nakababa lamang ang aking paningin sa aming dinadaanan, nakatulala dahil hindi ko lubusang maisiksik sa aking isipan kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Naramdaman ko na lamang na huminto bigla ang kasama kong ginoo kaya't ako'y napaangat ng tingin dito. Wala na itong suot na maskara. Nahalata ko ang mukha nito na tila nagdadalawang-isip ito at nag-aalala. Alam kong isa siya sa mga councils ngunit kung sa tutuusin ay mas malumanay lang ang presensya nito, hindi katulad ni Levinth na mukha palaging pasan-pasan ang problema ng mundo.

Nilinga ko ang direksyon kung saan nakadako ang mga mata ni Marco. Sinundan ko iyon, laking gulat ko nang biglang may liwanag na lumabas sa simbolo ng seiman sa pader na nasa aming harapan. Inilibot ko ang aking paningin, kung sa gayo'y mahinuha ko kung nasaang parte ako dinala ng ginoo.

Chosen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon