Kapitulo 16: Official Hunters And Soldiers

1.1K 46 3
                                    

Sa pagbukas pa lamang ng Gate of Zeus' Tavern: ang gate na pinakakakaiba sa mga binuksan na gates, ang itsura nito'y paarko at napakataas, triple sa taas ng mga gates na binuksan. Gawa rin ito sa bakal, subalit may mga rehas itong nakapalibot sa pinakapinto ng gate, may mga matutulis itong mga bakal sa pinakailalim sa ibaba ng dulo, pataas ang pagkakabukas nito at maririnig mo ang mga rehas na nagsisilbing kontrol sa pagsara-bukas ng gate.

Tinangay na ng hangin ang aming mga diwa dahil sa paghanga sa bumungad sa aming mga manunubok. Hindi namin inakala na ganito pala ang nag-aabang sa amin sa kahuli-hulihang gate ng Artemirgo. Ngayon lang namin nalaman na ang Artemirgo ay nasa parte ng kastilyo. Sinadya talaga nila, upang kami ay masurpresa. The place was breathtaking!

Nakahilera ang mga Royal Armies sa aming harapan habang nakataas ang kanilang mga espada. Dalawang hanay ang kanilang pila at sa gitna kung saan ang espasyo na humahati sa kanila, ay mayroong sinadyang daanan para sa amin, a red carpet only for the shoes of royal bloods but now, we are here to set foot on the place that I only dreamt before.

"Mga manunubok!" paanyaya ng boses sa aming mga dumating.

Lahat kami ay napatingin sa dako kung saan nanggaling ito. Nanlaki ang aking mga mata, alam ko, maging ang aking mga kasamahan ay gayon din.

"We are in palace?! That's the king's guru," dinig kong sambit ni Cybele. Bahid sa boses nito ang pagkagulat at 'di makapaniwala. Hindi lang siya, pati ako.

I can't believe we are facing the king's adviser. What if the king was the one standing in front of us? I think, it would be nerve-racking. The feeling was surreal.

Sa dulo pala ng mga nakahilerang mga Royal Armies, naroon ang tingin ko'y ang kompletong hanay ng IV Military Corps Brigades; Royal Armies, Voltiguer Troops, Elite Squad, at ang Merchant Guards. This is too much for me to swallow. Everything seems unrealistic but factual.

"Maligayang pagdating sa kaharian. Nagagalak ang hari sa inyong pagpanhik sa palasyo, nakaabot kayo hanggang dito na ang ibig sabihin, ay kayo'y nakapasa," muli nitong deklara.Mas nagulantang ang lahat. Wala akong masambit.

"Hindi talaga ako makapaniwala, ate," si Cyrus na nakatulala sa harapan, parang nagniningning ang mata nito at hindi ko siya masisisi.

"Nakapasa tayo," bahid ang katuwaang pigil sa boses nito. I, too.

"Sumunod ng maayos, tutungo na tayo sa Artemirgo; ang Imperial Court, kung saan idedeklara na kung saan kayo nakahanay. Ang hari ay naghihintay sa inyo, aming mga panauhin," ani nito at tumalikod. Mas lalo akong kinabahan, totoo ngang haharap na kami sa pinuno ng buong Luthinburg. Nauna na itong lumakad. Kaya't lumakad na kami sa red carpet.

Bawat hakbang ay pawang napakagaan, ngayong tuluyan ng nag-iba ang buhay ko, ano naman kaya ang nakalatag sa mga darating na bukas?

Nagkaroon ako ng pagkakataon upang pagmasdang mabuti ang kabuuan ng kaharian.

Napakaluwang ng lugar, parang isang buong village na ito, subalit matatanaw pa rin ang sobrang taas na pader na nagsisilbing boundary at harang sa anumang panganib sa labas. May mga puno na halatang matatanda na at napakaberde ng mga dahon nito. Maya't maya ang mga malalaking bato na nakasandal sa puno at nadaanan din namin ang isang maliit na bridge, na sa ilalim nito ay isang ilog na sobrang linis. Makikita ang mga-- naputol ang aking pagmumuni-muni, nang makita ko ang kakaibang nilalang na nasa katubigan.

"What are those creatures?" I asked curiously out of the blue while looking at the water below the surface. I saw Jean beside me watch the thing. "Those are naiads: the water nymphs. They are also shinigami because no one owns them, they look like harmless, but I'm telling you, looks can be deceiving," he answered implying to the water creatures. Their round eyes are blue and it looks like the eyes of Jaeger's Bakunawa, have glitters twinkling inside of it. It's hypnotizing. They illuminating under the water, they have clear smooth wing-like fins and their fish tail are radiating in blue, their heads are like a blue flame. They're all in blues.

Napa-wow na lamang ako at napatango-tango. Ang galing.

"Beautiful, aren't they?" tukoy nito sa naiads. I chuckled, "Indeed."

"I heard, there's a lot of naiads and other untold creatures like that in the Academy of the last hidden tribe," muli nitong wika habang naglalakad na kami. Katabi ko kasi siya sa pila. Napatingin ako rito, nakita kong nakatingin sa direksyon namin si Binibining Cybele.

"Huh?" takang tanong ko rito.

Ngumiti ito at tumingin sa harapan na para bang may sagot doon. He didn't answer, instead, he just shrugged.

Ang malayong silhouette ng palasyyo kanina ay nakatambad na sa aming harapan ngayon, mas lalo akong namangha. Sobrang ganda. Mas maganda kaysa sa aking iniisip dati.

May mga armies na nakabantay sa bawat sulok ng palasyo at mayroong nagroronda sa paligid. Makikita na napakabusy ng mga ito. Karamihan ay mga Royal Armies.

Bumukas ang napakalaking entrance door na gawa sa matibay na kahoy. Ipinakita nito sa amin ang loob ng lugar, kung maganda sa labas, doble ang kagandahan sa loob. Nakahilera ang mga malalaking golden chandeliers sa napakataas na kisame ng palasyo. Maliwanag at tila kumikinang ang mga ito, may mga malalaking figurines ang nasa mga matataas na mesang nasa malapit sa pader. Muwebles ang sahig at may mga malalaking paintings ang nakasabit sa bawat pader, karamihan ay mga larawan ng hari't reyna.

Paakyat na kami sa west wing, nang nakuha ng atensyon ko ang isang painting at nagpabilis sa tibok ng aking puso. Bago ko pa malagpasan ito'y tinitigan ko ito ng mabuti, it was a picture of a boy --boy with a warm charming smile. He looks familiar but I can't remember where I saw him.

Napakunot na lamang ang noo ko at pumilig na lamang. Hayaan na nga.

Naglakad pa kami ng naglakad sa napakahabang hallway na may mga nakadikit na nakasinding torches sa walls. 'Di naman nagtagal, ay nakarating na kami sa lugar ng pagdarausan.

"Welcome to Artemirgo," bati nito at malayang binuksan sa amin ang malaki at mataas na double door.

Sumilay sa amin ang malawak na korte, they bowed to us, no! to the people sitting on the dominating seats.

The king and queen!

Nakatingin sila sa harapan at 'di man lamang kami pinag-aksayahang bigyan ng pansin. Nakaramdam ako ng kaba. Intimidating, these people are the rulers of this kingdom.

Tinitigan ko ang mga ito, ang hari, kahit may edad na ito ay halata pa rin ang kakisigan nito noong panahon ng kan'yang kabataan. Napansin ko sa kan'yang kaliwa, nakaupo ang napakagandang babae --ang Reyna Diana Rudeinvelt. She looked pale and her raven black hair was in braid highlighted her beautiful features and the crown does fit her looks. Ang mga kasuotan nito na naghuhumiyaw sa kakinangan ng taas ng kanilang estado sa lipunan.

Iginiya kami sa aming uupuan. Katabi ko ngayon si Ginoong Jean sa kanan at sina Cybele at Cyrus naman sa aking kaliwa.

Tumayo ang hari at iginala ang mata sa amin, nakakunot ang noo nito at halata sa awra ang pagdisiplinado at pagkaistrikto. Napatigil ako ng hininga, nang iharap sa center table nito ang sobrang kapal na aklat.

"Ang aklat ng Chronos," bulong ni Binibining Cybele habang nakatingin sa taong may hawak ng nasabing bagay.

"Ang pagiging opisyal ninyo sa larangan ng Cavalry Tribes at IV Military Corps Brigades ay sisimulan ng ideklara."

**
Thank you for reading. Hope you enjoyed this chapter! Votes and comments are highly appreciated.
-Awtor

Chosen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon