Kapitulo 10: Artemirgo; The Imperial Court part I

1.9K 89 7
                                    

"Fate.." a hushful voice echoed through my longing soul, I tried to find who it was but I ended up pacing down on nothing.

I have the urge who it might be, but I doubted that I will never be able to seek whoever he is.

Because, I knew all along, that familiar presence has gone for a long time..

"Inay.. ." I utterly cried. Puro liwanag lamang ang nakikita ko sa aking paligid, halos masilaw ako. Suddenly, my eyes watered as I saw the two figures from the distance I could see. Kahit malayo pa'y alam ko na, ang dalawang taong napaka-importante sa buhay ko. I hardly breathed, then, I swallowed all the mixed-emotions before I call them and blurted it all –the reason to crack my voice, "I-INAY! ITAAYY!" Pero, bago pa ako makatakbo upang yakapin sila'y nawala ang mga ito, na tila animo'y mga usok na unti-unting niyakap ng hangin.

A dream again –wish I was living in that dream, so I could be able to turn the impossible to possible.. Unfair world..

Nagising ako sa mainit na pagdampi ng hangin sa tainga ko, "It's time to wake up, ally," someone said with a tone of sarcasm. Napamulat ako agad ng aking mga mata, I eventually know to whom it belongs, "Blaze!" I irritably muttered his infamous name. Agad kong iginalaw ang ulo ko upang sa gayo'y makita ko nang lubusan ang pagmumukha ng taong umistorbo sa aking pagtulog.

"A-aa-aahh!" napaurong ako dahil sa pagkabigla sa kawalan ng distansya sa aming mga mukha. Naging dahilan rin ito upang magmadali akong mapatayo at nahulog sa aking kinauupuan. Kasalukuyan kasi itong nakaupo habang nakapatong sa ibabaw ng mesa, kung saan ako nakatulog, nakalapit ang mukha nito na para bagang sinusuri ang mukha ko habang natutulog. Huh?! Sinasabi ko bang pinagmasdan niya ako kanina, habang wala akong kamuwang-muwang na pinanonood ako ng lalaking ito matulog? I blinked twice before I came back from the mischievous thoughts got playing on my mind.

Bigla akong napatakip sa aking katawan habang ang isa ko pang kamay ay hinihilot ang balakang kong nasaktan dahil sa aking pagkatihulog. "A-aray.." ngiwi ko. "Tss.. A clumsy and also a stupid.. whatever," bulong pa nito na sapat naman para marinig ko.

"Get your ass off the ground, the train fin'lly came to its destination," he added. "Eh? Huwag mo sabihing nasa—" he cut me off, "The Artemirgo."

Napatayo ako agad mula sa aking pagkakaupo sa sahig, agad kong sinilip ang labas kung totoo nga ang sinasabi ni Levinth. Bigla akong sinakop ng kaba, ito na ang paglilitis para sa aming mga manunubok. Alam kong pagkatapos nito'y mas malaki ang mga pagsubok na kakaharapin namin.

As I looked beyond the clear glass window, my eyes widened –surprisingly to what I have seen.

Mga sundalo na nakahanay sa IV MCB o ang IV Military Corps Brigade, karamihan ay nasa Division ng Voltigeur Troops –ang defense battalion ng IV MCB. Nakapila ang mga ito bilang isang mga pulutong, mukhang sila ang susundo sa amin upang igiya kami sa sinasabing Imperial Court. Madilim na rin at dahil nakatulog ako sa gitna ng mahabang biyahe, hindi ko na napansin ang paglipas ng oras. Isang istasyon ang makikita sa labas at para itong napakalaking stadium na nababalutan ng napakaraming mga ilaw. Maraming mga tao, subalit hindi ko malaman kung ang iba ba sa mga ito'y kasapi sa Cavalry Tribes.

Napakapa ako sa aking katawan, subalit tila ako'y naistatwa sa aking napansin. Napalingon ako sa gawi kung saan ako kanina nahulog, doon ko nakita ang cloak na nakalatay at wala na ngayon sa aking hubad na katawan. Pakiramdam ko'y nagliliyab na sa init ang aking pagmumukha dahil sa labis na kahihiyan, lalo't na't lumapit pa rito ang lalake at dinampot ng telang pagmamay-ari niya.

Nakita kong ngumisi ang huli, na nag-udyok sa akin upang tumili ng pagkalakas-lakas.

"BLAAAAAAAZZZZEE!"

I guess, this will going to be a long weary night.

**

Kasalukuyan kaming nasa silid ni Prior Sintaker, upang kumuha ng aking pansaplot at pati na rin mapag-usapan na ang kakailanganin naming hakbang para maitago ang most wanted Great Thief mula sa mga nakakataas sa Luthinburg. Ngunit kahit gayon, ayaw ko pa ring magtiwala sa taong katabi ko ngayon.

"Just be aware around you while we are in this place, everything here is at the Imperial's watch. If you are thinking to do something foolish, I'm telling you, you're just putting yourself into your own grave. If they sensed any suspicious movement within their reach, they won't mind to kill no mercy," the prior warned. Nakita kong napalunok si Ginoong Jean sa narinig, kahit ako'y 'di maiwasang manginig sa anumang pwedeng mangyari ngayon. Mas nakakatakot pala ang mga taong makapangyarihan sa lugar.

Tumayo na ang lahat, pinangunahan ng prior ang paglisan, at siya ang unang lumabas sa silid bago kami. Sa kabilang banda'y naiwan si Levinth roon at babalikan na lamang namin siya gaya ng napagkasunduan.

Ramdam ko ang tensyon at presyur na unti-unting namumuo sa paligid naming mga natitirang mga manunubok, habang humahakbang palabas ng tren.

"Eeehh.. Ano bang nangyayari sa inyo? Wala naman sigurong kakain sa atin sa lugar na 'to. Kung mayroon man," si Cybele na pinutol ang nakakabinging katahimikan, "Hindi ako magdadalawang isip na lumaban," she bravely said sounded like encouraging us. "Sabi mo, eh," pagsang-ayon ni Ginoong Jean na nasa likod ko lamang.

"Let's go," kalmadong utos ng prior, at lahat kami ay nagsimula nang tumungo.

**

Tama nga ang hinala kong ang mga sundalo na aking nakita, ay ang mga mangunguna sa aming pagtungo sa Artemirgo. Pinaayos muna kami ng hanay bago lumisan sa istasyon. Pumasok kami sa isang malaki ang nagtataasang mga pader, kumpara sa normal na wall, mas matibay at kakaiba ang pagkakagawa nito. Tila ba may napakahalaga nitong pinoprotektahan sa loob mula sa labas, kunsabagay, ay mga importanteng tao ang nilalaman ng lugar na nilalakaran namin ngayon.

"RELEASE THE GATE OF MARY!" sigaw ng isang merchant guard na nagbabantay sa pinakaitaas na tower na nakatayo sa gilid ng sobrang laking itim na gate. "RECEIVED!" sigaw muli ng kung sino. Biglang kumalembang ang kampana mula sa loob ng lugar at nagsimulang nagkiskisan ang mga bakal ng napakalaking gate, halos 30 feet ang taas ng gate at isang kilometro ang haba nito, base sa aking pagkakalkyula. Natupi ang gate sa tatlo mula sa pagkakahati sa dalawa hanggang sa tuluyan na ngang sumalubong sa amin ang isang downtown. Maraming weaponries at mga min-crafts na itini-trade mula sa mga merchants at hunters na dumadayo sa lugar. Nakakamangha..

"Welcome to MarrionelleTown," paanyaya ng taong ngayon ko lang napansin na nasa pinakaharap ng mga nakapilang Voltigeur Troops soldiers. Itim ang buhok nito at mukhang bata pa, kung tititigan ay parang kasing-edad ko lamang ang lalaking nagsisilbing guidance namin. Matikas ang pangangatawan nito base pa lamang sa hubog ng imahe nito mula sa pagkakatalikod. Unti-unting humarap ito, gayon na lamang ang gulat ko at pagkabog ng aking dibdib –sana tama ako ng hinala at hindi ako nag-iilusyon lamang.

Makimi itong yumukod sa aming harapan, napako ang tingin nito sa akin. Ako lamang ba ito o ano.. pero ngumiti ito ng napakatamis sa akin na ikinatingin ng mga kasamahan ko.

"Nasasayang ang oras, humayo na tayo sa loob," boses ng prior na pumutol sa eksena ng aking pag-iisip.

But what the guidance mouthed captured all my senses before turning his back.. .

Napanganga ako at kusang lumandas ang mga luha ko, kaya patago ko itong pinunasan

"Good to see you.. again, Fate.."

You don't even know how overwhelmed with happiness I am today to see you at this stake..

Tenant..

**

Salamat po sa patuloy na bumabasa kahit na slow update palagi. J free to vote if you like this part, comment if you wanna share your thoughts, minna-san. Love to read your comments. Thank you.. thanks din po sa mga nag-add nito sa reading lists nila at nagfollow, Godbless you all.

-MagicalMindBLower   

Chosen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon