Kapitulo 19: The Prince Of Theives

1K 38 8
                                    

"P-paano nangyaring nasa k-kaniya s-si F-fenrir?" sa tono pa lamang nito'y malalaman mo ang pagkagulat. Naririnig ko lamang ang mga nasa aking paligid, subalit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa sobrang napakaliwanag na nagmumula sa akin. 'Di ko maintindihan.

Bakit tinawag ng hari na late queen si Lola?

Napayakap ako sa aking sarili at napasigaw na halos ikapatid na ng aking litid.

"A-asagi.." hirap na tawag ko sa pangalan ng shikigami na ngayo'y na sa akin nang tabi. Nakatingin lamang sa akin ang kumikinang nitong mga mata, na katulad ng mga mata ng mga shinigaming nakita ko na, pawang puno ng mga bituin. Napakagandang titigan ng mga ito, tila ako'y nasa ibang daigdig.

"Magister.." dinig ko ang isang pamilyar na boses nito. Luminga-linga ako, upang makita kung kaninong magandang boses iyon, subalit wala akong makita. Puro liwanag na ang aking nasa paligid, at si Asagi na lamang ang nasa aking harapan. Napuno ng pagtatakha ang aking mukha.

"Voca me iterum dominus," wika muli nito na pawang tinig sa isang malalim na panaginip. It feels like, she wants me to call her name.

"Asagi.." I muttered softly like  I know her since before and her history. So it was her for all this time.

She winced and moved her antlers sideward as her hooves scratched the surface lightly.

I smiled because of the simple gestures she did, felt, it was a good retort.

"You're beautiful," I said with amusement. With her golden fur and beaming body, she looks elegant and magestic.

Tinangka ko siya hawakan, subalit pagkadapo pa lamang ng aking daliri sa kan'yang gintong katawan, isang larawan ang nakita ko..

Isang alaala --ang alaala ni lola..

Isang old picture, isang importanteng alaala niya.

Nakita ko ang tingin kong medyo bata-bata pa si Lola Margaret. She was walking gracefully in a lawn. The picture looked serene and surreal. Nakangiti ito habang nakatingin sa batang lalaking hawak niya ang kamay na masayang naglalakad kasama niya habang patalon-talon ang lakad nito at isini-swing ang kamay nilang magkadaop. Mula sa aking nakikita, ay nakatalikod sila sa akin.

Ngunit, para akong nauntog sa pader, nagimbal ako nang makita ko ang mukha nito..

From the boy's jett black hair, and deep blue eyes. With those almost perfect features of his face, I can't be wrong! B-but.. H-how come?

I-it was the boy I saw on one of the paintings in the palace. A-and he looks e-exactly like--

I didn't even finish to utter the boy's name when I felt a sudden vertigo. My sight went blurry, afterwards, everything turned black.

~*~


Nagising na lamang ako, nakahiga na ako sa isang malambot na pulang matress. Ikinusot ko ang aking mata, at napabalikwas ng bangon.

"Nasaan ako?" tanong ko sa kawalan nang mapansin kong hindi ito pamilyar sa aking paningin.

Umupo ako sa gilid ng kama at napayakap ako sa aking sarili, nang maramdaman ko ang marahang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Nakita kong nakabukas ang bintana na umaabot hanggang ceilings. May mahaba itong puting kurtinang sumasayaw sa saliw ng hangin, na maya't maya'y sumasayad sa muwebles na sahig.

Chosen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon