Kapitulo 25: The Battle Between

518 19 9
                                    

I dedicate this to silentcrazy_28. Thanks po sa nakakainspired na message mo. I'll treasure it. Lovelots.

•••

I don't even know what to say. I couldn't find the right word to describe the emotion I felt the moment I mouthed my deceased sister's name.

Unti-unting para akong naparalisa sa aking kinatatayuan. Hindi ko mahagilap ang aking ulirat. Hindi ko malaman kung ako ba'y masisiyahan o magagalit dahil baka ito'y impostor lamang upang sa ganoo'y makuha niya ang kaniyang kagustuhan.

"Yes. Indeed," aniya na may bahid ng lungkot sa boses nito na pawang kumurot sa aking dibdib.

"Magus… Magus? I-ikaw ba talaga 'yan? 'Di ba't-" hindi ko alam kung ano ang tamang salita para sabihin ito sa kaniya. The incident was still fresh in my memory and it never failed to torment me every night in my sleep.

"-Hindi ba't kasabay noon ng pagkatupok sa apoy ng ating tahanan ang inyong pagpanaw?" hirap kong tugon dito. Narinig kong bumuntong hininga ito at muli na namang tinawid ang aming distansya. Though, I cannot see her face because of the darkness.

But before she could answer me, someone broke the tension started to heat up.

"Don't you dare touch that woman," a cold commanding voice said. I shivered in his coldness. Ngunit hindi naman umimik ang huli. My eyes widened as the voice fully sank into my head.

"Dux Cielo! What the hell are you doing here?! It isn't safe here!" bulyaw ko dito. He just clucked his tongue as a response.

"Idiot," I heard him mumbled after a while.

"Who are you?" untag ng nagpakilalang kapatid ko kay Levinth. Hindi ko siya tinawag sa totoo niyang pangalan dahil baka maging dahilan lang upang masapanganib ang buhay ng lalake. Isa pa'y hindi ko pa nadidinig ang parte ni Prior Daemon, baka mayroon itong plano at ayokong masira ko ito.

Levinth didn't answer and just shrugged. I could only see his silhouette from a far.

"How did you get here, bastard?" the stranger asked again but this time, I sensed her anger towards Levinth.

"I'll ask you the same question. Who are you and how did you get in?" his voice became colder and there was a warning in his tone.

Sinubukan kong gumalaw, subalit ngayon ko napansin na may bagay na nakapalibot na pala sa aking mga paa hanggang sa aking beywang.

Drat it! I can't move my body.

Biglang may lumiliyab na bughaw na apoy ang sumindi sa nakakabulag na kadiliman. Binasag nito ang dilim na pasilyo. Ngayon ay malinaw ko nang naaninag, ngunit bago ko pa man masilayan ang babaeng estranghero'y bigla na lamang itong nawala kasabay nang pag-iwan nito ng isang babalang dadalhin ko hanggang sa hinaharap.

"Magpalakas ka, Aking Kapatid. Magtutuos tayong muli. At sa pagdating ng panahong iyon, ako mismo ang kikitil sa 'yo," mariing sambit nito na nag echo sa paligid.

Napamaang na lamang ako.

Naramdaman ko na lamang na may mga luhang bumabadyang bumagsak mula sa aking mga mata.

Isang malakas na pagbasag sa nakaharang na mga tipak ng bato ang nagbalik sa aking diwa. Tuluyan na palang natunaw ang mga yelo na kanina'y tumakip sa kabilang pasilyo.

"Binibini!" Nakita kong humahangos na tawag sa akin ni Ginoong Jean. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang maamong mukha. Tinatanggal nito ang iba pang bato sa espasyo bago lumapit sa aking kinatatayuan. Doon ko nakita na may mga yelo palang nakabalot sa akin kaya hindi ako makagalaw.

Chosen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon