Ang Noche Buena (Pagpapatuloy)

23 4 0
                                    

Bigla silang napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang boses na iyon.

“Maligayang Pasko sa inyong lahat! ” sigaw ulit ng nasa labas.

“Saglit lang, tingnan ko lang muna kung sino iyon. Baka nangangaroling lang iyon. Bibigyan ko na lang ng pagkain.” ang sabi ni Lola Rosa at tumayo mula sa lamesa at naglakad papuntang pinto.

Sumigaw si Lola Rosa mula sa pinto ng kanya itong buksan, kaya hindi na nag-atubiling siya ay puntahan nila Nalu, Karen at Lola Celia.

“Rhea! ” sigaw ni Lola Rosa, sabay yakap nito.

“Apo kong si Palu! Kumusta na kayo? Tara pasok! ” dagdag pa nito.

Nanlaki ang mga mata ni Nalu sa kanyang nakikita. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasisilayan. Nandoon ang kanyang nanay at ang nakatatandang kapatid na si Palu. Bigla niya itong sinuggaban ng isang mahigpit na yakap.

“Nanay! Kuya! ” ang sabi ni Nalu sa kanyang nanay at kuya habang nakayakap.

“Oo Nalu, nandito kami ng kapatid mo ngayon. ” sabi ni Rhea kay Nalu.

“Miss na miss ko po kayo ni Palu. ” naluluhang sabi ni Nalu habang nakayakap pa rin sa kanyang nanay at kuya.

“Si tatay po? ” tanong ni Nalu.

“At ito na nga, nandito na kami ni nanay.” singit na sabi naman ni Palu.

“Napakagandang pangyayari naman itong nasasaksihan natin Karen” naluluhang sabi ni Lola Celia habang pinanonood ang mag-iina.

“Diyan na lang ba kayo sa pinto? O baka gusto niyong tumuloy at kumain ng Noche Buena. Marami akong inihanda. ” singit ni Lola Rosa.

Pinakawalan ni Nalu mula sa isang mahigpit na yakap sina Rhea at Nalu. Pinunasan naman ni Nalu ang luha niya gamit ang sarili niyang damit.

“Tara na po nanay at kuya. Masarap po ang luto ni Lola Rosa. May Kaldereta po tapos may Shanghai pa po at marami pa pong iba. ” nakangiting sabi ni Nalu.

Habang binibigyan ng plato ni Lola Rosa sina Rhea at Palu ay nakikita niya si Nalu na nagkukwento sa kanyang Nanay Rhea at Kuyang si Palu sa lahat ng mga nangyari sa kanya mula noong unang araw niyang pagtuloy sa bahay ng kanyang Lola Rosa.

“Alam niyo po ba, sa eskwelahan po, marami po akong kaibigan, pero may isa po akong matalik na kaibigan po roon, si Pepe po. Pareho po kasi kaming magulo at maharot paminsan-minsan. ” tumatawang sabi ni Nalu.

“Alam niyo rin po ba noon pong nakaraang Agosto po, nagdiwang po kami ng kauna-unahang araw ng mga lolo at lola po. At isa po ako sa nagtanghal po. Kasama ko po si Pepe. Kumanta po kami at saka po nagpamigay po kami ng rosas po sa lahat po ng lolo at lola po na naroroon po noong araw po na iyon. At syempre po ang huli ko pong binigyan ng rosas po, si Lola Rosa po. Espesyal po kasi siya para sa akin. ” dagdag pa ni Nalu.

Masiglang-masigla si Nalu ng gabi na iyon. Hindi maalis sa mukha niya ang ngiti at tawa.

“Paano ba iyan Mareng Rosa, mauna na muna kami ni Karen. Maraming salamat sa pagkain. Wala ka paring kupas kung magluto. Ang sasarap. Asikasuhin mo muna iyang anak at apo mo. Maligayang Pasko sa iyo mare! ” pagpapaalam ni Lola Celia.

“Nako, walang anuman Mare! Maraming salamat din sa pagpunta! Maligayang araw ng Pasko rin sa inyo! Salamat! Balik lang kayo rito, marami pang pagkain. ” ang sabi ni Lola Rosa kay Lola Celia.

“Maraming salamat po Lola Rosa! Sa uulitin po. ” nakatawang sabi ni Karen.

Nang nakaalis na sina Karen at Lola Rosa ay napunta naman ang atensyon niya sa kanyang apo na si Palu, habang nag-uusap sina Nalu at Rhea.

“Palu. Kumusta ka naman na? Ayos ka lang ba? Tumaba ka ata.” pagtatanong ni Lola Rosa.

“Nako, Lola Rosa, ayos na ayos lang naman po ako roon po kila Lola Luzvi po. Pumapasok din naman po ako sa eskwelahan kahit papaano. Tumaba po ako kasi po puro po pagkain ang naroroon.” nakatawang sabi ni Palu.

“Kayo po Lola? Kumusta naman po kayo rito, kasama ang makulit kong kapatid na si Nalu? ” pagtatanong ni Palu.

“Ano ka ba, hindi naman makulit iyang kapatid mo. Sobrang bait nga, kagaya mo noong maliit pa. Mahilig tumulong din iyan sa gawaing bahay. ” sabi ni Lola Rosa.

“Kuya! Kuya! Tara may ipapakita ako sa iyo, ginawa ko sa eskwelahan noong nakaraang linggo lang. ” pagtawag ni Nalu kay Palu.

“Lola, saglit lang po. Puntahan ko lang po Nalu. Alam niyo naman po, ngayon lang po ulit kami nagkita makalipas ang ilang buwan. ” sabi ni Palu.

“Sige lang apo. Sulitin niyo ang oras nang magkasama kayo. ”

Habang nag-uusap sina Nalu at Palu ay kinausap naman ni Lola Rosa si Rhea.

“Rhea, anak. Nasabi mo na ba kay Nalu?” pagtatanong ni Lola Rosa kay Rhea.

“Nay, araw ng Pasko ngayon. Ayokong sirain ang araw na ito, ang araw ni Nalu. Sa susunod ko na lang po sasabihin. Nabasa niyo rin naman po yung sulat na pinadala ko po sa inyo diba? ” sabi ni Rhea kay Lola Rosa.

“Nabasa ko naman na. Pero...”

“Nay, huwag muna ngayon. ” singit na sabi ni Rhea.

“Si Palu na alam na ang lahat ng ito? ”

“Pagkatapos mangyari iyon, sinabi ko agad sa kanya. At unti-unti naman niya itong natanggap kahit papaano. Umaayos na rin naman kahit papano ang sitwasyon. ” sabi ni Rhea.

“Gusto ko lang pong idagdag, maraming salamat po sa pag-aalaga niyo po kay Nalu. Hindi ko po alam kung paano po kayo mapapasalamatan. Hindi ko nga po alam kung sapat ba itong regalo na ito para pasalamatan kayo. ” sabay abot ni Rhea ng regalo.

“Hindi mo kailangang magpasalamat anak. Ang simpleng pagsurpresa mo lang sa akin, sa amin ni Nalu ay isa ng napakalaking regalo para sa akin, lalo na kay Nalu. Hindi mo alam kung gaano mo napasaya ang anak mo. Hindi mo lang alam. ” ang sabi ni Lola Rosa.

Niyakap ng mahigpit ni Lola Rosa si Rhea na para bang wala ng bukas pang darating.

“Maraming salamat po Nanay! ” naluluhang sabi ni Rhea.

“Huwag ka namang mag-paiyak diyan, Rhea. Pasko ngayon oh, dapat masaya lang tayo. ”

“O siya tawagin muna natin ang mga bata para magbukas ng regalo. Mabuti na lang may nabili rin akong regalo para sa inyo. Hindi man ako umaasa na darating kayo, pero bumili pa rin ako, nagbabakasakali. At iyan na nga, nandito na kayo. Kaya tara, magbukas na tayo ng regalo. ” sabi ni Lola Rosa.

Tinawag ni Lola Rosa sina Nalu at Palu para magbukas ng mga regalo. Ang natanggap ni Nalu mula kina Karen At Lola Celia ay bagong damit na nakaburda mismo ang pangalan niya na may kasamang dalawang pares na medyas na kakulay ng damit. Mula naman sa kanyang nanay, ang nakuha niya ay isang bagong laruan na tren na may riles na kasama. At ang panghuli, ang regalo na natanggap niya mula sa kanyang Lola Rosa ay isang bagong sapatos.

“Maraming salamat po sa inyo, nanay, kuya, at lalo na po sa inyo Lola Rosa. ” nakangiting sabi ni Nalu.

“Pero, may isa pa po akong regalo na nakuha at natupad ko po ngayon. Iyon ay ang makasama ko po kayo ngayon. Idinalangin ko lang po sa bituin iyong hiling ko po na iyon ilang oras bago po kayo dumating at natupad naman po agad-agad. Tama nga po kayo Lola Rosa, matutupad po ang hiling ninyo kapag humiling kayo bago mag-Pasko. ” dagdag pa ni Nalu.

Habang nagbubukas pa ng regalo sina Rhea, Lola Rosa, at Palu ay sumaglit si Nalu sa labas upang tingnan ang bituin na tumupad sa kanyang kahilingan at muli siyang nagpasalamat dito.

“Salamat sa pagtupad sa aking kahilingan.”

Nang Pumatak Ang UlanWhere stories live. Discover now