Ang Dalaw

29 5 9
                                    

Taong 1987, Nobyembre

Isang araw, ginising ng maaga ni Lola Rosa si Nalu.

“Apo, gising na. Pasensya na at ginising kita ng maaga. May pupuntahan tayo. ” sabi ni Lola Rosa.

Bumangon sa higaan si Nalu, kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata.

“Saan po tayo pupunta, Lola Rosa? ” tanong ni Nalu habang nagkukuyos ng mata.

“Malalaman mo rin mamaya. ”

Napaisip bigla ang batang si Nalu kung saan siya dadalhin ng kanyang Lola Rosa.

“Kumain na muna tayo ng agahan, kakaluto ko lang. ”

“Sige po.”

Pagkatapos kumain ay agad na gumayak si Nalu.

“Apo, yung isusuot mo nakasampay roon, naunat ko na iyan kanina.” sabi ni Lola Rosa.

Pagkatapos gumayak ni Nalu ay agad na silang lumabas ng bahay upang maghanap ng sasakyang traysikel.

“Mukhang malayo po ang pupuntahan natin Lola Rosa. Kasi po sasakay po tayo ng traysikel. ” sabi ni Nalu.

“Oo apo, baka hindi tayo makarating sa pupuntahan natin kung hindi tayo sasakay. ” nakatawang sabi ni Lola Rosa.

Napansin ni Nalu na may dala-dalang bulaklak na nakalagay sa isang maliit na paso si Lola Rosa.

“Bakit po tayo may dalang bulaklak? ” pagtatanong ni Nalu.

“May pagbibigyan tayo nitong magagandang bulaklak na ito. ” ang sabi ni Lola Rosa habang dinadama ang amoy ng mga sariwang bulaklak na tanim sa kanyang bakuran.

“Para po! Para po Manong! ” hiyaw ni Nalu sa nagdaang traysikel.

Nang nakasakay na sila ay tila ba hindi mapakali si Nalu sa kanyang kinauupuan, dahil ang kanilang dinadaanan ay bago pa lamang sa kanyang paningin.

“Hindi naman po tayo pupunta sa bayan, kasi po sa kabila po yung daan, eh lumiko po tayo. Hindi rin naman po sa eskwelahan, dahil po kanina pa po natin nalagpasan iyon. Saan po ba talaga tayo pupunta Lola? ” pagtatanong ni Nalu.

“Hay nako apo. Napakamatanunging bata mo talaga. Sabi ko sa iyo kanina, malalaman mo rin kung saan. ” nakangiting pagpapaliwanag ni Lola Rosa.

Napakamot na lamang sa ulo si Nalu. Habang binabagtas nila ang isang malubak na daan ay napapansin ni Nalu na biglang kumakapal ang bilang ng mga taong nagdaraan. Dumarami na rin ang mga nakakasalubong nilang traysikel.

“Nandito na po tayo. Bale, kwarenta po lahat. ” ang sabi ni manong nagtatraysikel.

Nagbayad na si Lola Rosa at bumaba sa traysikel. Nang tuluyan na ring nakababa si Nalu ay bigla niyang tiningnan ang lugar.

“Ano pong gagawin natin dito sa tabi ng kalsada na marami pong tao? ” tanong ni Nalu.

“Hindi talaga rito ang punta natin. Dito lang tayo bumaba. Doon talaga ang punta natin. ” ang sabi ni Lola Rosa sabay turo sa itaas ng bundok kung saan sila bumaba.

“Paano po tayo...” naputol na sabi ni Nalu ng bigla siyang tinawag ng kanyang Lola Rosa na noon ay umaakyat na sa isang hagdan patungo sa itaas ng bundok.

“Halika na Nalu, baka mawala ka pa. Maraming tao, baka makuha ka diyan, bahala ka. ” sabi ni Lola Rosa.

Tumakbo si Nalu patungo sa kinaroroonan ni Lola Rosa. Marami rin silang kasabay na umaakyat patungo sa itaas ng bundok. Pagkatapos ng ilan pang mga saglit ay narating na nila ang itaas nito. Namangha si Nalu dahil sa kanyang nakita.

Nang Pumatak Ang UlanWhere stories live. Discover now