Chapter 22: Oo na!

222 8 3
                                    

Lexa's POV 

Letse talagang Xyrus na 'to! Ano akala niya sakin? Laruan para paglaruan? Aba sinuswerte siya! Makikita niya kung anong hinahanap niya. Kaya pala ganun siya makitungo sakin, kasi may kalandian siyang iba? Naku naku! Makakatikim talaga siya sakin ng isa.

"Ms. Buenaventura!"

"Ms. Buenaventura!"

"ALEXA!"

"Aray! Ano ba?" angal ko dahil sinigawan na ako sa tainga ng tumatawag sakin

"Well, it looks like wala ka sa sarili mo? Am I right?" uh-oh si Ms. Clemente

"Ah ano po. I-I'm sorry Ma'am I'm just thinking of something important. That's why..."

"Wanna share what is it?" pagputol niya sa sasabihin ko

"Ahm... Ahm... About the U.. United Nations Ma'am! Y-yes about it." putspa talaga. Si Xy ang may kasalanan nito eh.

"Ohh.. That's good. Speaking of our United Nations, you will have your rehearsals later at our gymnasium. So better bring your extra clothes and some snacks. And most importantly, bring your partners with you. Understood?" why on earth is this happening to me? Mommyyyy! Huhu

"Yes Ma'am." sabay na sabi namin ni Xy. Ugh!

"So back to our discussion. The main purpose of the sentence---ASDFGHJKLXCVBNM." wala akong maintindihan! Sumasakit ulo ko lalo dahil sa dini-discuss ni Ma'am.

*Toink* *Toink*

Paglingon ko mukha ng magaling kong bestfriend ang bumulaga sa akin. Gusto yata ako nitong ma-highblood e.

"Ano iniisip mo bakit ka nakatulala? Ah alam ko na! Si X--ASDFGH." tinakpan ko nga ang bibig, daldal eh.

"Wag ka ngang maingay mamaya palabasin tayo ni Ma'am eh!" bulong ko sa kanya

"Oo na. Oo na. Quiet na nga eh. Basta magkuwento ka sakin ah." saka sya umakto na isi-zip ang bibig niya na parang zipper

Humalumbaba na lang ako habang nakikinig kunwari kay Ma'am. To be honest, ang boring ng tinuturo niya ngayong araw. Pero hindi naman nakaka-bored ang lecture niya. Sadya lang talaga siguro akong nabobored ngayong araw. Bakit ba? Ano ba meron sa araw na ito?

Well, aside sa may nakita ka lang naman na naglalandian ng sobrang aga sa may hallway, eh talaga namang mayayamot ka dahil katabi ko yung may kalandian kanina. Ugh!

*Toink*

Ano ba meron sa akin at parang minamalas ako? Sinamaan ko nga ng tingin yung nagbato ng papel sa akin. At kahit magpatay malisya pa siya, alam kong siya na yun dahil lahat ng mga classmate ko eh attentive na nakikinig kay Ma'am.

Nag-vibrate ko phone ko kaya agad ko itong kinuha. May nagtext pala. Sino kaya to?

Message from: +63935143**** 
Usap tayo mamaya before rehearsal. At makinig ka kay Ma'am Clemente, wag mo ko masyadong isipin. Okay?

Aba talaga naman! Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa lalaking to e! Di talaga nagbabago ang kahanginan niya. Kahit unknown number yung nagtext alam kong si Xyrus yun. Siya lang naman ang partner ko sa rehearsal e.

"Class dismissed."

Himala yata ang aga magpa-dismissed ni Ma'am Clemente ngayon. It is a miracle!

"Oh and Ms. Buenaventura and Mr. Chua don't forget the rehearsals later at 3pm okay?" tumango na lang kami bilang sagot kay Ma'am. Ayaw kong umimik dahil nahahanginan parin ako kay Xy. Jusme! Kulang na lang tangayin ako ng hangin sa sobrang kayabangan e.

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now