Chapter 16: Meningococcal

174 13 2
                                    

Lexa's POV

 "I'll be back for you! Don't go anywhere." Oh geez. The butterflies is starting to fly inside my tummy

Ano ba Xy tama na please? Puro paru-paro na ang nasa loob ng tiyan ko.

"Ayyyyyie! Bff ano 'yun ha? May pa-I'll be back I'll be back pa siyang nalalaman ha?" pagbibiro ni Trish

"Tseee! Tumigil ka nga diyan bff. Arte lang niya 'yun 'no!" pagtanggi ko naman. Tama arte lang niya yun kasi pinagtripan ko siya kaya sinasakyan niya lang

"Pffftt-- Pffftt-- Hahaha! Kung hindi ko lang bestfriend si Xy baka napagkamalan ko na siyang baliw." pigil tawa namang sabi ni Matthew, umirap naman si Trish kaya napakunot ako ng noo. Anong mayroon sa dalawang ito?

"Hoy bff! Siya ba 'yun?" sabay nguso ko ng maalala ko ang prince charming niya na hindi niya pa kilala.

"Shhhh! Later na bff. Hindi pa nga nagiging kami eh ang harot-harot na" pabulong niyang sabi sabay irap ulit kay Matthew na tawa ng tawa, nahanginan siguro ang isang ito.

"You know bff you're so bagay talagang dalawa ni Xy, bakit hindi niyo na lang totohanin ang pagiging mag-boyfriend/girlfriend niyo?" pag-iiba ni Julie ng topic

"Oo nga Lexa. Tutal naman dead na dead na sa'yo--"

Natigil sa pagsasalita si Matthew ng biglang bumukas ang pinto na kulang na lang eh masira ito dahil sa pagkakabukas ng malakas. Si Xy lang pala. Nakatitig kaming tatlo sa kanya habang siya eh matiim na nakatingin kay Matthew na parang isang pagbabanta. Naalala ko tuloy 'yung sasabihin ni Matthew na naputol.

"Ah Matthew, ano nga 'yung sasabihin mo ulit?" pagtatanong ko.

"Ah ang sabi ko--"

"Kumain ka muna." singit naman ni Xy habang nagsasalita sa harap ko si Matthew. Weirdo talaga nitong isang ito.

"Ah thanks?" pasasalamat ko

"Yow dude what's up?" nakangising sabi ni Matthew, may kung ano talaga sa tingin nilang dalawa eh

"Hindi mo ba talaga ako maalala?" pagbaling ni Xy sa'kin

 Tumingin naman ako kay Trish at binigyan niya na naman ako ng DON'T-YOU-DARE-TO-TELL-HIM look. So ibig niyang sabihin itatanggi ko muna? For what?

"Ahh.. I.. I don't remember you. Ano ba kita?" inosente kong tanong

"Sht!" narinig kong bulong niya

Si Matthew naman tawa ng tawa na parang baliw. Siniko naman siya ni Trish at sinamaan ng tingin. Nababaliw na itong Matthew na ito.

Nagsalita naman si Trish pero walang boses. Sabi niya "Paaminin mo muna siya".

"Im.. your.. uhm.. boyfriend?" sabi niya habang nagba-blush. He's so cute when he's blushing.

"Ah? Well, do you love me?" nakataas ang isang kilay kong tanong

Namula na naman siya. Haha! Huli ka na Xy.

"Yeah. I think?" sagot niya naman pero may sinabi siya sa huli na di ko narinig dahil parang bulong lang ang pagkakasabi niyang iyon.

"Hahahaha! Yow ma men! You're so gay dude." mapanglokong tawa ang binitawan ni Matthew, nakatanggap naman siya ng malakas na batok mula kay Trish kaya napa-aray ito.

Hindi ko na mapigil ang tawa ko dahil sa hitsura ni Xy habang nagko-confess. He looks like a kid telling to a girl that he like her. So damn cute!

"Pffft-- Pfft-- Hahaha! Okay Xy enough. I'm gonna burst in laughing. You're so adorable." pag-amin ko naman sa kalokohang ginagawa ko

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon