Chapter 15: I love you

172 13 2
                                    

Xy's POV

Sht! Hindi ko talaga mapapatawad ang may gawa nito kay Lexa. Ngayon nag-aagaw buhay siya dahil masama ang pagkakapalo sa kanya, akala ko sa likod siya napalo pero mali ako.. sa ulo siya natamaan.

Nakarating na agad kami sa pinakamalapit na ospital at diniretso na siya sa operating room. Pinigilan naman ako ng mga nurse dahil gagamutin pa daw nila ako. Noong una hindi pa ako pumapayag dahil gusto ko malaman kung ayos lang ba ang lagay ni Lexa hanggang sa dumating sila Matthew at Trish at sinabing magpagamot daw muna ako. Sinunod ko naman sila at pagkatapos na pagkatapos akong gamutin ay dumiretso ako sa tapat ng operating room.

"Bro okay ka lang? Bakit ka pumunta dito eh kakagamot lang sa mga sugat mo ah?" nag-aalalang tanong ni Matthew habang si Trish naman bakas din sa mukha ang pag-aalala

"Oo okay lang ako. Malayo 'to sa bituka ano ba kayo!" pabiro kong sabi

"Wala pa din balita kay Lexa. Hindi pa lumalabas 'yung doktor na gumagamot sa kanya. Sabi ko naman kasi sayo sasamahan na kita na pumasok 'di ba? Ang kulit mo naman kasi! Tignan mo napahamak pa tuloy kayong dalawa" galit na bulalas ni Matthew

Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot dahil ayaw kong makipagtalo kay Matthew ngayon. Maya-maya pa biglang may lumabas sa operating room kaya dali-dali kaming napatayo mula sa pagkakaupo.

"Sino dito ang parent or guardian ng pasyente?" tanong ng doktor pagkalapit namin

"Ah ako po! Boyfriend niya.." sagot ko na may halong hiya dahil nandito sila Trish at Matthew, sinilip ko naman ang mga reaksyon nila at nakita kong natatawa-tawa ang dalawa

"Oh.. so .. ang akala ko sa may bandang balikat siya natamaan pero yun pala sa may ulo kaya naging matagal ang operasyon.." pinutol sadya ng doktor ang sasabihin dahilan para kabahan ako

"Ano po nangyari kay Lexa?! H'wag naman na kayo mambitin oh! Mahal ko 'yung nasa loob ng letcheng operating room na 'yan eh!" inis na tugon ko

"Okay! Okay! Chill. Mabuti na lang at naidala siya kaagad dito kung hindi baka napahamak na siya. She's safe already. Ililipat na lang namin siya in a convenient room para madalaw niyo na siya" natatawang sabi naman ng doktor, na marahil ay dahil sa sinagot ko kanina sa kanya

Napatango naman ako at ganoon din sina Trish at Matthew. Naghintay kami sa labas at inilipat na nila si Lexa sa isa sa mga kwarto ng ospital. Habang kausap naman namin ang nurse sa may information desk at tinatanong kung saang room nila nilagay si Lexa ay napansin ko naman na nagpapa-cute siya kay Matthew? Wow! Haha! Napabaling naman ang tingin ko kay Trish na animo'y takore dahil sa usok na lumalabas sa ilong nito dahil sa galit? Nagseselos ba siya? In-love 'to sa bestfriend kong siraulo. Sinamahan niya kami papunta sa room ni Lexa dahilan para lalong magabago ang aura ni Trish. Siguro kung nakamamatay lang ang titig kanina pa namantay itong nurse sa harap namin ni Trish. Dahil ang posisyon namin, kaming dalawa ni Trish ang nasa likuran at si Matthew at ang nurse ang nauuna maglakad.

"Psh! Malandi! Grr!" narinig ko namang bulong  ni Trish kaya natawa ako, hindi niya naman iyon napansin kaya nagdiretso na kami sa paglakad

Tumigil ang nurse at si Matthew sa tapat ng isang room. Ito na siguro ang room ni Lexa. Anong meron bakit ako kinakabahan? Okay naman na siya hindi ba? Yun ang sabi ng doktor kaya 'yun ang panghahawakan ko.

Pagkapasok namin nakita namin siya na mahimbing na natutulog. Nagpasalamat kami sa nurse na malagkit maka-tingin kay Matthew kanina. May pahabol pa ito bago tuluyang umalis.

"Sir may girlfriend na po ba kayo? Pahingi naman po ng number niyo. Textmate tayo!" tuwang-tuwa niyang sambit na ikinainis naman ng todo nitong si Trish

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now