Chapter 4: Gusto kitang makilala

390 14 16
                                    

Xy's POV

"Bro! Nakita mo na ba yung transferee sa school natin?" paunang tanong ni Matthew pagkapasok namin sa tambayan namin

"Bro! Ang Ganda Niya!" Dagdag pa niya.

"Uy bro nakikinig ka ba?" pangungulit ni Matthew, isa pa at makakatikim na ito sa akin

"Oo." Yun lang nasagot ko

"Oo?! Yun lang sagot mo sa mga sinabi ko sayo?!" gulat na tanong ni Matthew sa akin, eh sa yun lang ang gusto kong sabihin eh

"Oo nga sabi! Nakita ko na siya, classmate pa nga natin siya diba?" sagot ko ng matahimik na siya

"Talaga bro?!" nakangiting aso niyang sabi

Mali pa yata ang pagsagot ko sa kanya ah? Iintrigahin lang ako ng lalaking ito. Daig pa chismosa sa sobrang daldal eh.

"Oo nga ang kulit. Unli? Unli?" Inis kong sabi.

"Astig! So ano? Ginamitan mo na ba ng Charm of Xyrus mo? Hahahahahaha." mapang-asar na sabi niya

Abnoy talaga 'tong mokong na to. Basta babae ang usapan ayun! Daig pa ang flash ng camera sa bilis! Palibhasa kasi chickboy. Haha!

"Hindi pa---" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit

" Huwaaaaaaaaat?! Anong hindi pa?? Wag mo sabihing naduduwag ka?" panloloko niya sakin

"Pwe---" sige isa pa talaga Matthew

"At isa pa Bro! Hindi yata ganyan ang pagkakakilala ko kay John Xyrus the Great!" nakangisi ang loko

"TUMIGIL KA NGAAAAA!" inis na sigaw ko sa kanya, ayun tumahimik naman

Nakakabwisit na kasi. Ayaw ako patapusin magsalita. Kaya kung anu-ano ang sinasabi dahil hindi niya pa muna ako pinapatapos eh. Kukutusan ko na ang isang ito mamaya.

"Nakilala ko na siya. Okay? Katabi ko pa nga eh!" nakapahalumbaba kong sabi na nagpangisi naman ng todo sa kanya

"Oh yun naman pala---" pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil ang hilig niyang sumingit

"Patapusin mo muna kasi ako! So ayun nga, nakilala ko na siya. Sh*t ang ganda Bro!" pag-amin ko, totoo naman kasi na maganda si Lexa. Ayaw ko lang aminin dahil ni minsan wala pa akong sinasabihan ng maganda sa tanang buhay ko. Kung mayroon man pili lang.

"Ano bro?! Ikaw ba yan? Are you sick? Ipapadala na ba kita sa doktor?" hindi makapaniwalang sabi ni Matthew

"Ano ba problema mo?" walang emosyon kong sabi

"Problema ko? HAHAHAHA!" biglang tawa naman ng mokong

"Ano ba?!" inis na sabi ko naman

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, tinawanan lang niya ako. Siya yata ang kailangan ng dalhin sa doktor at hindi ako eh. Lakas ng tama nito. Kung hindi ko lang 'to kilala at bestfriend baka nasabihan ko na ito ng baliw. Tsk!

At saka isa pa, totoo naman kasi na maganda si Lexa. Anong masam doon di ba?

"Alam mo kasi bro HAHAHA! nakakagulat ka kasi! HAHAHAHA! Ikaw na isang JOHN XYRUS THE GREAT eh nabighani sa isang Baguhan! HAHAHAHA" halos tawa niya lang ang narinig ko sa mga sinabi niya.

"Hay naku! Oo na! Buset eh! Kaurat ka kamo! Yung totoo? Bestfriend ba talaga kita?" nakabusangot ang mukha ko habang sinasabi ko iyon.

"HAHAHA! Oo naman bro! BESTFRIEND tayo! Mahal nga natin ang isa't isa di ba?" ngiting aso na naman siya, yung totoo? Pinaglihi ba ang isang ito sa aso?

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon