Chapter 1: New Chapter

788 24 21
                                    

May mga bagay talaga na sa simula lang masaya.

The more kasi na pinu-push natin ang mga bagay na hindi naman dapat i-push, the more naman tayo na nasasaktan.

Minsan naiisip ko bakit hindi nalang "Happy ever after" ang lahat?

Bakit ginagawa pa na kumplikado ang mga bagay-bagay?

Bakit walang FOREVER?

Bakit hindi nalang nag-eexist ang "Happy ever after" at "Forever"?

Para HAPPY-HAPPY nalang tayong lahat. At wala ng tao ang nasasaktan.

Hindi ba't mas masaya kapag ganoon nalang tayong lahat? Yung tipong masaya, walang iniisip na kahit anong problema. Hindi na kailangan pa na magmukmok sa isang tabi. Para lang umiyak sa isang pangyayari.

Hin--

"Aray!" napatigil lang ako bigla sa pagmumuni-muni ng may tumama na kung ano sa likod ko

"Hahara-hara kasi sa daan!" aba! walang modo na 'to?

"Hooy! Lalaking walang modo! Bakit mo 'ko binato?" sigaw ko kahit na pinagtitinginan na ako dito sa may gate ng eskwelahan na papasukan ko.

Napaka-walang modo ng lalaking 'to! Sino ba siya sa akala niya? At isa pa, kailan pa naging playground ang eskwelahan para dito siya mag-skateboard?! Tsk!

"Hindi na rin naman masama 'tong school na nilipatan ko." nasambit ko habang papasok sa loob ng building ng Trinity Academy

Haay. Kung hindi lang siguro dahil sa nangyari sa dati kong school hindi ako lilipat. At isa pa hindi lang din naman yun ang dahilan. Medyo tanga ka din kasi Lexa eh! >__< 

**Toink**

=__=

Sumpa na ata sa akin 'to eh. Kahit noon pa palagi na akong nadadapa. Siguro isang way na din 'to para matauhan ako sa katangahan ko.

"Haaay! Ang malas-malas ko naman ngayong araw na 'to!" bulalas ko sa sarili ko

"Malas! Malas! Malas!" ang dami pa naman ng nakakita =__=

"Huy tignan niyo yun oh! Nababaliw na ata?"

"Sino? Yun ba? (sabay turo sakin)"

"Shhh! 'wag kang maingay saka 'wag mong ituro baka makita tayo! "

"Ayy sorry! Oo nga 'no sayang ang ganda pa naman niya"

Okay? So anong akala nila hindi ko sila naririnig? Mga bulag ba sila, eh ang lapit-lapit lang nila sakin. Umalis din naman sila, tignan ko ba naman ng masama eh bwahahaha! Mga tsismosa -_-

Ang hapdi. Nasugatan kasi yung tuhod ko dahil sa kalampahan ko. Sana katulad lang ng sugat na natamo ko yung sugat na iniwan niya sakin para naman madaling maghilom. Ang sakit eh. Ang sakit sakit!

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now