Chapter 12: Nevermind...

221 16 2
                                    

Lexa's POV


Nakatulog pala ako? Paano nangyari 'yun? Ang naaalala ko may kabangayan akong lalaki tapos kinuha niya 'yung phone ko tapos.. tapos.. may tumawag? Sino naman kaya 'tong nasa harap ko na lalaki, iba siya doon sa nakaharap ko nung una eh.

"Hoy lalaking mukhang bakulaw! Pakawalan mo na nga ako!" sigaw ko sa lalaking mukha naman talagang bakulaw dahil sa hitsura nito -__- imagine-nin niyo na lang ang isang kidnapper kuno ay nakasuot ng isang itim na bonnet pero abot hanggang sa leeg nito at ang may butas lang ay ang sa dalawang mata at ilong nito. May suot-suot pa itong shorts na itim na hindi ganoon kaikli, at ang sapatos niya ay parang katulad ng sa mga naglalakbay sa isang gubat o kung saang lupalop man ng mundo. Nakasuot pa ito ng isang vest na kulay brown na halata naman na hindi bagay sa kanya. Kaya mukha tuloy siyang unggoy na reporter na manggugubat na ewan.

"Tumahimik ka!" tanging naisagot sa akin ng mukhang ewan na lalaking ito

"Tseee! Tatahimik ako kung kailan ko gusto kaya tumigil ka din dyan Manong gurang!"

"Kung hindi ka tatahimik re-rape-in kita!" pagbabanta niya sa'kin, akala yata nito matitinag niya ako ah!

"Ha! Para namang kaya mo 'yun!" matapang 'kong sagot sa kanya

Uh-oh! Wrong move Lexa. Unti-unti ay may lumalapit na unggoy, ay este tao pala sa harapan ko. Bahagya naman akong napaatras kahit na alam kong walang silbi iyon dahil nakatali ako sa isang upuan at kapag umatras ako ay paniguradong mahuhulog ako.

"A-ah anong gagawin mo?"nanginginig kong tanong sa kanya

Ngunit sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay lumapit ito ng sobrang lapit sa akin at bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas kaya naman napakunot ako ng noo.

"Baliw.." bulong ko sa sarili ko para hindi niya marinig pero dahil sa may mala-ewan nga itong kaharap ko ay nadinig niya pa din iyon kahit na sobrang hina lang ng pagkakasabi ko

"Anong sabi mo?"

"Ah. Ano naiihi ako! Oo naiihi ako!" *Lightbulb!* Ting! *insert evil laugh here* Iisahan ko ang isang ito para makatakas. Mukha naman kasi siyang mahina ang pick-up kaya sasamantalahin ko na

"Edi umihi ka!" may halong inis ang pagsigaw niya nun sa'kin

"Aba! Ako ba eh niloloko mo, ha? Paano ako iihi eh nakatali ako at nasa harapan ko ang tulad mo?!"

"Bwahaha! Edi ayos, diyan ka na umihi, gusto mo mag-model ka pa diyan eh" eh? Pervert!

"Puh-leaaaase?" pagmamakaawa ko sa kanya. Yuck! Hindi siya karapat-dapat na hingan ng awa. Geez! Pero no choice ako eh. And take note with matching puppy eyes pa yan!

At viola! Effective! Mwahahaha! Humanda ka sakin koyang churvalu.

"O sige na basta bilisan mo lang!" shoot! pumayag hahaha.

Hay ang sakit ng kamay ko dahil sa paggapos ng mga bakulaw na 'yon ah! Humanda sila sakin.

"Aaaah! Aaaah!" ungol ko ng makarating ako sa loob ng isang comfort room, but seriously? Comfort room ba talaga 'to? Mukhang haunted eh. Creepy!

 "Ahhhh. Ang sa-kit! Tulong!" sigaw ko muli at narinig ko ang pagkatok ng banty ko. Mwahaha! Okay gumagana na ang plano ko.

**Knock!**

**Knock!**

"Anong nangyari sayo!? Buksan mo yung pinto!" utos niya sakin

"Ayoko nga!" sigaw ko sa kanya

Does True Love Exist?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora