Chapter 5 -- Punishment

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa ka lang, bwisit ka. May araw ka din sakin Brylle Lauren Samaniego.



Halos isang oras at kalahati din akong nakatayo sa may pintuan. Nangangawit na'ko. Ano ba 'to? SURVIVOR? PHILIPPINE EDITION? Endurance challenge? IMMUNITY? Tss!



Halos lahat ng estudyanteng napapadaan do'n tinatawanan at inaasar ako. Hindi ko na lang sila pinapansin. Better ignore them at baka bugahan ko pa sila ng apoy kapag naubos ang pasensya ko.



Ti-tingin-tingin pa sakin ang Brylle na 'yon na nakangisi. Halatang inaasar talaga ako. Nagtatawanan pa sila ng mga barkada niya. Mukha namang mga baliw. Tss!



Haaayyy... finally tapos na rin ang klase ni Miss Silva. Maipapahinga ko na rin ang kamay kong ngawit na ngawit na. Leche flan kasi talaga ang mga kaklase ko na 'yon, ako pa pinag bintangan ng mga ungas. May araw din kayo akala niyo.



"Miss Madriaga, Im glad you survived standing there, now I want to see you in detention. Follow me." Mataray na sabi ni Miss Silva at nakataas pa ang mga kilay nito. Tsaka na siya naglakad papalayo.



Napa buntong hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang sumunod. Baka ibagsak niya pa ako sa kanyang subject pag hindi ko siya sinundan. Paalis na sana ako nang harangin ako ng grupo ng devil na si Brylle. Nakangisi na naman ito sa'kin. "Pang asar talaga." Bulong ko.



"Kumusta naman ang pagtayo mo diyan ng ilang oras? Masaya ba?" Pang iinis na tanong ng devil.



Inirapan ko na lang siya at hindi sinagot. Ayokong makipag away sa kanya ngayon. Lalo kasi akong nawala sa mood dahil sa mga nangyari. Para lalo siyang maasar ay hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko na. Sabi nga sa kanta ng Paramore, Ignorance is your new best friend.



"Hoy, maldita, huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita." Sigaw na sabi niya sa'kin.



Dahil sa inis ko hinarap ko siya at pabagsak na binato sa paa niya ang dalawang makakapal na libro na hawak ko.


"Araaaaaaayyy!"



"Ayan, kausapin mo yang mga libro. Bwisit ka talaga!" Tsaka na'ko lumayo sa kanila. Narinig ko pang nagsabi-sabi siya at nagtatawanan naman ang dalawa niyang kasama. Pakialam ko sa kanila?



END OF HELAENA'S POV




PAGKATAPOS ng ilang oras na pananatili sa detention center ay kailangan namang magtungo ni Helaena sa gym. Ang last punishment niya? Linisin ang buong gym ng magisa. Ang saya diba? Ang laki-laki ng buong gym tas siya lang magisa maglilinis.




Kinuha ni Helaena ang floor mop at ang timbang may lamang tubig tsaka na siya nagpunta sa gym. Swerte niya walang tao dun. Kaso napanganga siya ng makita kung gaano kalaki ang gymnassium.



Nilapag niya sa floor ang timba. "Lilinisin ko 'to ng magisa? Seriously? Are they fucking kidding me?" Iginala niya ang kanyang mata sa buong gym. "Oh my gulay! Ang laki ng gym, pano ko 'to lilinising mag isa? lechugas naman o!"



Naglakad siya sa gilid ng gym. "Kasalanan 'to ng mga bwisit na kaklase ko na 'yon. Mga pahamak ang mga loko." Nanggigigil siya sa inis. "Humanda talaga sila sa'kin.



Nagsimula na niyang linisin ang gym. Tagaktak na ang pawis niya, 'ni hindi pa nga niya nakakalahating linisin ang gym. Pero kailangan niya itong gawin. Hindi siya pwedeng magpatalo sa kahit na sino. Ang inspirasyon niya? Ang kanyang PAMILYA. Gusto niyang maging proud ang mga 'to sa kanya. Kaya kahit anong pagsubok ang pagdaanan niya dito sa Duncanville kakayanin niya. Yun ang tinatak niya sa kanyang puso at isipan.



My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon