CHAPTER 1

4 1 0
                                        


NAKAUPO ako sa sofa kasama ang mga kaibigan kong loko-loko na galing pang america para lang asarin ako

"ano rain? Kamusta naman ang buhay nang pinas? Umulan ba?" ani ni cloud na kumakain nang piatos

"dapat nga tol pinaulan mo na!" tawang-tawa na ani naman ni sky.

Hindi ako umimik at tumahimik nalang kaya natahimik na din sila

"seryoso tol, bakit ka ba umalis sa america? Sayang naman ang banda natin" sabi ni storm.

Sila ang mga kabanda ko sa america na may pangalan na "THE SEASON!" dahil lahat kami ay puro pang season ang pangalan

"i don't know but my parents need me here"

"tol alam namin na hindi lang yan ang dahilan mo"

Hindi ako umimik dahil tama sila. May ibang dahilan pa nga kaya ako umuwi nang pilipinas

"ano na palang nangyari sa kapatid mo?" tanong ni cloud na ngayon ay seryoso na

"si sunny?"

"oo. Nakita ko mga post non sa facebook eh. Kala mo ngayon lang nakatungtong ng pinas"

"don't mind her" sabi ko dito dahil alam ko namang number 1 stalker ito ng kapatid ko.

"ano nang plano mo rain?"

"nothing"

"ha? Nothing! Umuwi ka ng pilipinas na walang kaplano plano?"

Hindi ko sila pinansin at hindi ko na din pinakinggan ang mga rants nila tungkol sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko at iidlip na sana nang lumagabag ang pinto at nakacross arm si sunny nang idilat ko ang mga mata ko

"ginoo kong kambal! Pinapatawag ka ni daddy"

"why?"

"i don't know" sabi nito at nagkibit-balikat

Tumayo ako at suminyas sa mga kaibigan ko na tutungo muna sa parents ko

Paglabas ko ay tiningnan ko si sunny na nakasimangot

"bakit?"

"ha?"

"bakit nakasimangot ka?"

"paano naman kasi kuya! Si kuya timothy! Nakabuntot pa rin sa akin! Pati sa social media accounts ko nanggugulo"

"alam ba nila daddy yan?"

"ofcourse! Daddy even said that i must give that man a chance"

"then give him"

Ngumiwi ito at nagflip ng hair

"in his dreams! If he wants! Magsama sila ni luna!"

Tukoy nito sa anak ni tita donna.

Natawa nalang ako nang magwalk ito nang nagdadabog

Sunny is a nice woman, she's also sweet, caring and kind. May isang tao lang talaga na kaya siyang bwesitin ng sobra at iyon ay ang ampon nina tito nathan at tita beatrice na si kuya timothy james grey. Simula pagkabata ay gustong gusto na nito si sunny kahit na batid naming magpipinsan na tinatangi siya ni hell na pinsang bou namin.

Nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito

"hello?"

[son where are you?] sabi ni daddy kaya sumagot na ako baka magalit

"im on my way dad" hindi ko na hinintay pa ang sagot ni daddy basta pinatay ko na ang tawag at pumasok sa study room niya

Nakita ko itong stress na stress sa mga papers na nakatambak sa lamesa niya

THIS SEASON 1 [RAIN RODRIGUEZ]TAMING HERStories to obsess over. Discover now