Ika-Walong Kabanata

63 17 4
                                    

~ M I N W O O ~

"ANONG tingin niyo doon kay Luna? Mabait naman siya tingnan, hindi ba?" Bigla kaming napatigil sa aming ginagawa at bahagyang napalingon sa kinaroroonan ni Hyunsik. Kasalukuyan kaming nandito sa silid-aklatan at pawang ginagawa ang aming aralin. Malapit na ang aming pagsusulit kung kaya't todo aral kami ngayon.

"Oo, mukha naman. Kung tutuusin, gusto ko siya." Ngiting sambit ni Eun. Siya ang ika-labing dalawang prinsipe, na kung saan ang kaniyang ina ay nagmula sa Hae Jung Clan, isang kilalang angkan sa buong Eleuthyia na kung saan ay mayroon itong malakas na puwersa at maraming koneksyon.

Sabihin na lamang natin na kaming lima ay kapatid lamang sa ama na kung saan may kaniya-kaniya kaming inang kinikilala.

Kasunduang kasal

Isa lamang iyan sa mga bagay na kailangang gawin ng isang hari upang mapalakas ang kaniyang kapangyarihan at impluwensya. Kailangan niyang gumawa ng kasunduan mula sa isang kilalang pamilya o angkan na s'yang makakatulong na mapaangat at mapalakas ang kaniyang impluwensya at kapangyarihan. At ang kasunduang iyon naman ay papakasalan niya ang kahit sinong babaeng membro ng pamilya. Kunsakali man na papayag sila sa bagay na iyon ay maaaring makilala pa lalo ang kanilang pamilya at mapalakas pa lalo ang kanilang impluwensya. At posibleng magkakaroon pa sila ng mataas na position sa pamahalaan.

Kung tutuusin, marami na ang naging asawa ni Ama at marami na rin siyang naging anak. Kung bibilangan, siguro nasa higit labing lima kaming lahat. Pero anim lamang kami ang tanging nakatira dito sa loob ng palasyo dahil iyong iba ay  ginustong tumira sa labas.

Ina naming dalawa ni Hyeok ang kasalukuyang reyna na si Reynang Soomin. Si Hyeok ang ika-tatlong prinsipe habang ako naman ay ang ika-anim. Sa aming magkakapatid, siya iyong pinakamatalino at maraming alam. Parati kasing libro ang kaniyang hawak at halos buong araw rin s'yang nasa silid-aklatan upang magbasa at mag-aral ng kung ano-ano.

Gayunpaman, napakatahimik rin niyang tao at maikli lamang kung magsalita. Siya rin iyong tipong tao na hindi dapat babanggain ng kung sino-sino. Dahil sa oras na may bumangga o kumalaban sa kaniya ay mas mabuti pang magpakalayo-layo na lamang ito, nang sa ganoon ay hindi makaharap nito ang kamatayan. Kakaiba siya kung magalit... siya iyong tipong papatayin kung sino man ang kaniyang makita. Kaya kung minsan, iyong mga tagasilbi namin ay takot sa kaniya at ni halos ayaw siyang lapitan ng mga ito.

"Pero alam niyo? May napansin akong kakaiba sa kaniya..." Lahat kami ay napatingin sa direksyon ni Hyunsik at pawang inaabangan ang susunod niyang sasabihin. "... parang nakakabighani ang kaniyang ganda." Ngiti niyang dugtong na siyang ikawala ng aking ekspresyon sa mukha. Ano pa ba ang ang aasahan ko sa kaniya? E, lahat naman talaga ng babaeng nakikita niya ay pawang maganda sa kaniyang mga mata.

Kung tutuusin, sa aming lima, siya iyong lapitin ng mga babae at minsan ng napagkamalan na babaero sa daming babaeng lumalapit sa kaniya. Kung makipag-usap kasi siya sa mga ito ay dinadaan niya ang lahat sa mga matatamis na salita kaya naman nakukuha niya kaagad ang loob ng mga ito. Magaling rin siyang gumuhit ng mga larawan at dahil sa talento niyang iyon ay marami siyang napahangang kababaihan at mas lalo pang dumami ang nagkadarapa sa kaniya.

"Huwag kayong magpapadala sa ganoong mukha. Sa panahon ngayon, uso na ang pagbabalat-kayo." Biglang singit ni Hyeok na siyang aming ikinatigil. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniyang direksyon at bahagya siyang tinignan na may halong pagtatakang makikita sa aming mga mukha. Subalit hindi man lamang niya kami nagawang lingunin, sa halip ay sa librong hawak niya tinuon ang kaniyang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin, Hyeokcchi?" Tanong ni Eun.

May pagkakataon na malalim magsalita si Hyeok at kung minsan ay hindi namin matukoy kung ano ang kaniyang ibig na pinapahiwatig dahil masyadong malalim ang kaniyang mga salita para aming maintindihan. Kaya kung minsan ay nabibigyan namin ito ng ibang kahulugan na siyang humantong sa maling akala. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay nagkaroon ako ng katuturan na may pinupunto siya sa katauhan ni Luna... parang ang kaniyang salitang 'pagbabalat-kayo' ay tumutukoy sa ibang katauhan o tunay na intensyon na meron si Luna.

Imperial ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon