Ika-Labing Dalawang Kabanata

19 2 0
                                    

~ J I H W A N ~

TAHIMIK akong nakaupo sa upuan at palihim na pinagmamasdan si Ryeo sa kaniyang direksyon na kung saan ay wala siyang tigil na kinakausap ni Eun na s'yang tangi niya lamang pinapakinggan.

Kasulukuyan kaming nandito sa silid na kung saan ginaganap ang pagpupulong ng mga ministro at opisyal. Malaki at malawak ang kabuohan ng silid at unang pasok pa lamang ay makikita kaagad ang mahabang mesa sa gitna na mayroong labing limang upuan. Sa dulo nito ako nakaupo, habang sa kabilang dulo naman ay si Ryeo. Sa kaliwang bahagi naman niya nakaupo si Eun, habang katabi ni Eun si Sol na tahimik na nagsusulat. Si Hyeok naman ay nasa kabilang mesa malapit sa estante ng mga aklat. Tahimik itong nagbabasa ng libro at tila may sariling mundo. Samantalang si Hyunsik naman ay nakatayo sa may bintana at pawang pinagmamasdan ang mga halamang nakasabit doon. Wala si Minwoo sapagkat masama umano ang kaniyang pakiramdam. Pero alam kong pagdadahilan niya lamang iyon. Bagama't alam kong lango iyon sa alak kagabi at hindi pa nakakawala sa (hangover).

Gayunpaman, ang dahilan kung bakit kami nandito sa silid na ito ay dahil nais kaming makausap ni Ama. May mahalaga umano siyang sasabihin.

Habang hinihintay siya ay may kaniya-kaniya namang ginagawa ang lahat. Maliban na lamang sa akin na kanina pa tinitigan si Ryeo. Bumabagabag sa aking isipan ang biglaan niyang pagdating. Wala kasing nabanggit si Ama tungkol dito... hindi niya sinabi na dadating pala ngayong araw si Ryeo sa palasyo.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Ryeo ay ang unang prinsipe na s'yang nakatakda sanang maging sunod na hari pero dahil sa kaniyang katauhan na hindi maaaring ilantad ay binawi ang kaniyang karapatang iyon. Sabihin na lamang natin na siya ay may dugong Loowen at ang bagay na iyon ang s'yang rason kung bakit hindi siya maaaring nasa pwesto bilang sunod na hari. Kung tutuusin, tinago lamang sa lahat ang tunay na pagkatao ni Ryeo at mahigpit na pinagbabawal ni Ama na kumalat ang bagay na iyon sapagkat siya'y nababahala na baka magkaroon ng malaking usap-usapan at magkataon na makarating iyon sa ibang kaharian na s'yang aming kaalyansa at baka ano pa ang kanilang isipin.

Gayunpaman, hindi naman mawawala sa kaniya ang karapatan na magkaroon ng eunwan na s'yang kaniyang panghahawakan.

Prince Imperial Daechang

Iyon ang kaniyang eunwan na mayroong malalim na kahulugan. Ito ay 'ang dakilang prinsipe na s'yang magbibigay ng ilaw sa madilim na kaharian'. Nabasa ko ito sa talaarawan ni Ama na s'yang mahigpit niyang tinatago. Minsan ko siyang nakitang nagsusulat sa talaarawang iyon at 'di sinasadyang mabasa ang nakapaloob. Nakasaad doon na ang eunwan na meron si Ryeo ay ang dating eunwan na pinanghahawakan noon ng dating hari na si Haring Seong-gye noong siya pa ay isang prinsipe pa lamang. Sabihin na lamang natin na si Haring Seong-gye ay ang aming kalolololohan at tinuring siyang dakilang hari sapagkat nagawa niyang palayain noon ang mga Eleuthyian sa kamay ng mga Morphean.

Ang kasaysayan ng Eleuthyia ay isa sa mga pinakatanyag at nagsisilbing pamantayan ng bawat mamamayan dahil sa dami ng pinagdaanan at dumating na pagsubok rito. Ang kahariang ito ay hindi katulad ng ibang kaharian na masagana at matiwasay.
Kung tutuusin, ang Eleuthyia noon ay ang pangalawa sa pinakamaliit na kaharian na kung saan ay nakitaan ito ng interes ng mga malalaking kaharian at binalak na sakupin at angkinin, at isa na doon ang Morphea. Ninais nito na angkinin ang Eleuthyia na s'yang 'di sinang-ayunan ni Haring Dongmyeong, ang unang hari ng Eleuthyia. Alam niya na maaaring malagay sa alanganin ang kaniyang mga nasasakopan kapag nasa ilalim sila sa pamumuno ng mga Morphean.

Ngunit, nangingibabaw ang kagustuhan ng hari ng Morphea na mapasakamay ang Eleuthyia, kung kaya't dinaan niya ang lahat sa madahas na bagay na kung saan ay nagtalaga siya ng digmaan... isang madugong digmaan. Hindi pa gaano karami ang hukbo ng Eleuthyia at wala rin itong kaalyansa na maaaring tumulong. Kung kaya't sa bagay na iyon ay natalo ang Eleuthyia at matagumpay itong nasakop at naangkin ng Morphea.

Imperial ThroneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant