Imbis na mainis, ay mas natutuwa pa ako kapag sinesermunan niya 'ko. Kahit lagi siyang galit at madalas naiinis sa'kin ay hindi pa rin niya ako iniiwan.

"Kumain ka ng madami, ang payat mo para kang poste!"

Nangiti ako doon saka mas lalong ginanahan sa pagkain, nasa cafeteria kami at kaming dalawa lang ang nasa table. Mayroon akong iba pang mga kaibigan pero hindi ko sila madalas kasama, laging kaming dalawa lang. Ganoon rin naman siya, hindi ko siya kailanman nakitang nagkaroon ng kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam, feeling ko sapat na sa'min ang isa't isa.

"Ano ba kasing kinain mo?" Marga asked when she went beside me.

"Wala naman," I pouted, caressing my stomach.

"Masakit pa ba?" Marahang sabi n'ya at sumulyap. Hindi ko alam kung bakit ganito ako pagdating sa kaniya

"Medyo," I groaned. "S-Sobra pa pala, Marga. Dito oh, aray!" I pointed my stomach.

Dumating 'yung point na hindi ko na alam kung ano ba 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Nagsimula akong maguluhan, noong unang beses ko siyang makitang malapit sa ibang lalaki, bukod sa'kin. Hindi maaari, hindi kahit kanino, hindi sa pinsan ko.

Hindi naman talaga kami magkalayo ng loob ni Harvey, pero nagbago 'yon ng magsimula siyang dumikit-dikit kay Marga. Sobranf badtrip talaga ako noong makita ko silang dalawa, na sobrang lapit sa isa't isa.

"Stay away from her," malamig kong sabi, hindi niya ako sineryoso at mahina siyang natawa.

"Why? Hindi naman kayo 'di ba?" ngumisi siya ng nakakaloko, na mas lalong nakapag painit sa ulo ko.

Hindi ko na namalayan na nasapak ko siya. "Gago! ayusin mo ang desisyon mo sa buhay. 'Wag mong hayaan, na makalimutan kong pinsan kita!"

Ayon ang kauna-unahang beses na nanakit ako ng kamag-anak ko. Gulat din siya sa sa inasta ko, hindi naman kasi ako ganito. Napaka pasensiyoso ko sa lahat ng pagkakataon, pero ang daling maubos ng pasensiya ko kapag si Marga na ang usapan.

Hindi pa rin doon natapos ang init ng ulo ko, napakalaki kong gago na inaya ko siyang lumabas kasama namin ni Mina. Hindi naman talaga sana ako papayag sa gusto ni Mina, pero dahil sa tukso ng tropa at tampo ko kay Marga, kaya napasubo ako.

Nang makarating ako sa meeting place namin ni Mina, saka lang ako natauhan. Bakit ko ba ginagawa 'to? Hindi ako ganito, bakit ko siya sinasaktan. Kaya naman nag message ako sa kaniya, na 'wag na lang siyang pumunta. At pagkatapos namin ni Mina saka ako magsosorry sa kaniya. Pero hindi ganoon ang nangyari, pumunta pa rin siya.

Ganoon na lang ang gulat ko, nang makita siya sa labas ng resto, Nakatayo siya sa may puno habang may hawak na frappe. Ilang beses ko pa siyang kinulit na umuwi na lang, pero hindi siya pumayag. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya, kung hindi man ako diretsong nakatingin, sinisiguro kong makikita ko pa rin siya sa gilid ng mga mata.

Gusto kong murahin ang sarili ko nang atakihin siya ng migraine, buti na lang ay nakita siya agad ni Harvey. Dahil hindi agad ako nakalabas ng resto. Sa hospital ay panay sorry ko sa kaniya, hindi ko ginusto na mangyari 'yon sa kaniya. Fuck my self, dahil ako ang dahilan noon.

"Sabi mo layuan ko siya, pero ano 'yang ginagawa mo? Pinapahamak mo siya!"

Hindi ako nakasagot kay Harvey, alam ko ang mali ko. Nararapat lang na pagsabihan niya ako.

"You know, noong unang beses ko siyang nakita. Sinabi ko sa isip ko, iba siya. Kakaiba siya, unang beses pa lang, alam ko na hindi siya katulad ng iba," lumapit siya sa akin saka ako kinuwelyuhan.

"Kaya umayos ka, kung ayaw mong agawin ko siya—"

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko siyang tinulak, isinandal ko siya sa may pader saka ako ang kumwelyo sa kaniya. "Gago! Hindi siya laruan para agawin mo," nangigigil na sabi ko.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum