Kabanata 40

132 9 0
                                    

Hi, Aseeners! This is Damn Good Friends' Last Chapter! I hope you had fun reading and you learned a lot from them. Thank you for supporting my first story!

Kabanata 40

"Taray, ganda ng porma!"

Ngumiti ako kay Charls saka umikot-ikot pinapakita ang kabuuan ko. "Okay lang ba?"

"Oo, akala ko nga ikakasal ka na e!" sabi ni Charls saka malakas na tumawa.

Napasimangot naman ako, nilapitan ko siya saka binatukan. "Grabe ka! Maganda naman ah?"

"Kaloka, saan ang maganda?" sinenyas niya ang kabuuan ko. "Para kang naka wedding gown!"

I rolled my eyes. "Sabi ni Vio ito ang isuot ko!"

Umiling-iling siya. "Hindi pa kayo kasal, kaya 'wag mo muna siyang sundin!" tumayo siya saka nagpunta sa closet ko.

Bumuga na lang ako ng hangin saka umupo sa may sofa sa kwarto ko, hinayaan ko si Charls na gawin ang gusto niya. Hindi rin naman siya magpapapigil.

Wala ako sa hospital ngayon, dahil naka maternity leave ako simula ngayong araw. Suggest na rin ni Vio, actually puwede pa naman akong magtrabaho, hindi na nga lang kasing tagal ng oras na ginugugol ko noon.
Pero walang pumayag, kahit sino hindi pumayag sa gusto ko. Ang kauna-unahang tumutol don ay si Vio.

"Eto girl!"

Huminga ako ng malalim bago binalingan si Charls, ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang dress na hawak niya. "Charls! Ano 'yan?"

Nangunot ang noo niya saka tinignan ang dress na hawak niya bago muling tumingin sa 'kin. "Ha? Edi dress..."

Tumayo ako saka siya nilapitan. "I mean bakit ganiyan, masyadong maikli. Saka bakit may ganiyan sa closet ko?"

"Gaga! Eto yung dress na binigay ko sayo noong college!" ibinigay niya sa akin ang dress. "Oh eto isuot mo!"

"Pero charls—"

"Wala ng arte, isuot mo 'yan! Hay kaloka!" maarte na sabi niya, umarte pa siyang parang stress na stress, saka siya naupo sa may sofa.

Bumuga ako ng hangin saka tinignan ang hawak ko, napailing na lang ako saka naglakad papuntang restroom. Bago pumasok ay nilingon ko siya, saka ako ngumisi "Ewan ko talaga sa'yo Doc Bria!"

Nanlaki ang mga mata niya saka maarteng pumadyak, nandidiri. "Jusmeyo! Nakakasuka, 'wag mo nga akong inisin sa impokrita na 'yon!"

Malakas akong tumawa nang makapasok sa loob ng restroom, rinig ko pa din ang tili niya sa labas.

"Hay nako, patay ako kay Vio kapag sinuot ko 'to," usal ko nang makita ang reflection ko sa salamin.

Plano kasi naming lumabas ngayong araw, naka off siya ngayon at gusto niya daw mag bonding kaming tatlo nila baby. Ewan ko ba sa kaniya dahil masyado siyang advance mag-isip. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil susunduin niya ako, at ngayon din namin balak sabihin sa parents ko ang pagbubuntis ko. Ano kaya ang magiging reaction nila? Magagalit kaya sila? Sana naman hindi.

"What the hell! Babe ano 'yan?!"

Umakto akong inosente at pumito-pito, hindi pinapansin ang reaction niya. Sa loob-loob ko ay gusto ko ng sakalin si charls sa pagpapasuot niya sa'kin nito.

Naglakad ako pababa ng hagdan kung saan nandoon si Vio. Habang pababa ako ay masama ang tingin niya sa suot ko. Naka dress akong yellow na hapit na hapit sa katawan ko, hindi pa masyadong halata ang tiyan ko kaya naman bumagay sakin 'to. I styled my hair with curls in the end and black clips on the side. I only applied liptint for my make-up. Harapan ko pa lang ang nakikita niya pero ganoon na ang reklamo niya, paano pa kaya sa likod? Hay nako charls!

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon