Kabanata 8

83 15 0
                                    

Kabanata 8

Bumilis ang naging paglipas ng mga araw, linggo at buwan. We are now both in fourth year college. Parang kahapon lang ay nag aadjust pa lang kami sa buhay college ngayon ay matatapos na. Proud ako sa sarili ko na nakaya ko 'yon at na lagpasan kahit madaming naging sagabal. Syempre pati kay Vio ay proud din ako dahil mula noong nangyari ang sa pagitan namin nila Abby ay hindi na talaga siya nambabae, slight lang. Minsan malandi pa din siya ng slight pero seryoso na talaga siya sa pag-aaral at hindi na niya tinutulugan ang mga prof with honor din siya sa mga nakalipas na taon.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" sabi ni Harvy the puppy.

Last year ay nakabalik na siya sa school. Kaya pala siya nawala ay dahil nag karoon siya ng shoot sa America pagkatapos noon ay sumabay din ang pag panaw ng kaniyang lola kaya minabuti ng kanilang pamilya na doon na mag stay para na rin may kasama ang kaniyang lolo. Last year din ay sumunod na ang kaniyang lolo kaya naman napag pasiyahan na nilang umuwi. Noong panahon na kababalik niya lang ay madalas kaming mag away dahil hindi kami laging nagkaka sundo dahil para siyang si Vio sa sobrang kakulitan. Speaking of Vio nalaman ko din na mag pinsan pala sila kaya may pagkakahawig sila, hindi ko pa malalaman kung hindi ko nakakwentuhan si Tita Clarisse.

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya habang nilalantakan ang grahams.

"Kasi.... invited kami?" pabalang niyang sagot.

"Seryoso ako, hindi ka ba nag eenjoy sa party?"

Ngayon ang 15th birthday ni Audrey at sa bahay lang ginanap ang kaniyang party. Kaya naman napakaraming tao sa bahay at dahil hindi naman ako mahilig makipag sosyalan sa mga bisita ay sa kusina na lang ako tumambay lalo na't marami ditong pagkain.

"Hindi ako mahilig makisalamuha sa tao," sabi niya na mabilis kong ikinatawa.

"Ganoon? Pero model ka, kaya pala," sabi ko at na tawa na rin siya.

"Hoy anong ginagawa niyo diyan?!"

Napahinto kami ng marinig ang boses ni Vio habang papasok sa kusina ang gwapo nitong tignan sa suot nitong formal attire, akala mo ay CEO sa isang sikat na kumpanya.

"Marga babe, sabi ko sayo 'wag kang nag lalapit diyan kay harvey may rabies yan," sabi nito ng makalapit, humatak ng upuan at tumabi sa'kin hinila pa ako papalapit sa kaniya.

Na sabi ko na ba sa inyo na kahit mag pinsan sila ay hindi sila mag kasundo? Kaya hindi ko rin napansin na mag pinsan sila dahil hindi naman sila nag papansinang dalawa.

"Tsk! Isip bata," bulong ni Harvey habang nakikihati sa grahams ko.

"Sino'ng isip bata? gago ka ah!" sigaw ni Vio at tumayo kaya naman hinila ko siya pa-upo at binatukan.

"Umupo ka nga, yung bunganga mo abot hanggang gate!" saway ko sa kaniya.

"Babe, pinagtatanggol mo ba siya? Mas mahal mo na siya kaysa sa'kin? E ang pangit naman niyan e hanggang—" Hindi ko na siya pinatapos at agad siyang sinubuan. Parang bakla talaga sa sobrang kadaldalan. Masasayangan ka na lang talaga sa outfit niya kapag nagsimula na siyang mag salita.

Bumaling ako ng tingin kay Harvey at pabulong na nanghingi ng paumanhin sa pinag sasabi ng sarili niyang pinsan. Mabait naman si Harvey e mas matino pa nga siya kay Vio sa kung tutuusin.

"Nandito pala ang mga papsi at si madam!"

Nalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Charls kasama si Asenna. Tumayo ako at bumeso sa kanilang dalawa.

"Wala ka sa party doon sa labas kaya tinanong ko si Tita Nadia at sabi nandito ka daw at lumalamon," kwento niya bago naupo sa tabi ni Harvey sa tabi naman niya ay si Asenna.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon