Kabanata 33

95 11 1
                                    

Kabanata 33

"Hiyang ka ngayon ah?"

Inirapan ko si Doc Bria at nagpatuloy sa paglalakad, tumabi siya sa'kin at sumunod.

"Asus, ang sungit. Tignan mo nga 'yang mukha mo oh! Iba ang dating e! Parang...."

Tumigil ako at hinarap siya. "Parang?"

Nagsalubong ang kilay niya at saka mas lumapit pa sa 'kin.  Suminghot-singhot siya na parang aso sa harapan ko bago nilagay ang hintuturo sa sintido na para bang nag-iisip.

"Amoy kang bagong dilig—"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig niya. "Ano ka ba!"

Inalis niya ang kamay ko at saka ako pabirong tinulak sa balikat. "Ikaw ha! Kanino ka nag pa dil—"

"Doc Bria!" singhal ko.

"Oo na!" umismid siya at naglakad paalis. Nakakailang hakbang pa lang siya ng muli niya akong lingunin.

"Hindi mo na kailangan sabihin kung sino, alam ko naman," sabi niya at saka kumindat.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Napailing na lang ako ng mawala siya sa paningin ko. Lumingon-lingon ako sa gilid bago naglakad papunta sa office ni Vio. Kumatok ako ng dalawang beses at saka pinihit 'yon pabukas. Napasimangot ako ng hindi siya makita don.

"Nasaan kaya 'yon?" tanong ko sa sarili at nag umpisang maglakad.

Napangiwi ako ng makitang makakasalubong ko nanaman si Doc Bria, mabilis akong umiwas ng daan dahil ayokong makita siya. Ang bunganga talaga ng babaeng 'yon walang kupas!

"Ang pogi ni Doc 'no?"

"Lumiliwanag siya sa paningin ko!"

"Sira! Anong lumiliwanag? Baka may problema lang 'yang salamin mo!"

"Gaga! Basta ang guwapo niya! Lalo na kapag ganiyan ang suot, ang sarap sa mata! Ang kinis-kinis ang puti-puti!"

Natigilan ako ng makita ang nagkukumpulang mga nurse sa bintana ng patient room. Kinain ako ng kuryosidad kaya naman naglakad ako papalapit at nakisilip. Mula sa bintana ay pasyenteng lalaki lang ang nakikita ko. Lumayo ako tinignan ang mga nurse na hanggang ngayon ay busy pa din sa pag-silip. Napailing ako at muling naki-usyoso, nagliwanag ang mukha ko ng makita sa loob si Vio.

Hindi rin nag tagal 'yon ng maalala ang pinagsasabi ng mga nurse sa harapan ko. So si Vio ang kanina pa nilang pinag tsi-tsismisan? Lumayo ako sa kanila, para hindi halatang katulad nila ay nakiki-silip din ako.

Nang makuntento sa layo ay sumeryoso ako at tumikhim 'yong siguradong maririnig nila. Ilang saglit lang ay natataranta silang humarap at umayos ng tayo. Nag taas ako ng kilay.

"Wala ba kayong trabaho?" kunwaring iritado kong tanong

"Meron po—"

Pinutol ko siya "Kasama ba sa trabaho niyo ang pag-silip diyan?"

Sabay silang umiling na dalawa. "Ano pa'ng hinihintay niyo?"

Sabay silang yumuko, nag papaumanhin. Bago nagmamadaling umalis sa harapan ko, napasimangot pa ako ng makitang nagsisisihan sila habang naglalakad palayo. Muli kong nilingon ang bintana bago nag lakad. Napahinto ako ng makitang bukas ang pintuan ng pasyente ni Vio. Lumapit ako doon para isara ng marinig ko ang mga boses sa loob.

"Ayoko nga 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?!"

Natigilan ako at sumilip sa loob, nakita ko ang pasyenteng lalaki na sinisigawan si Vio. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon