Ch. 1

4.6K 128 48
                                    

Aouta, Avinia

Dianne

"Wala tayong mapapala kung ganyan mo sila pakikitunguhan, Dianne. Una, nagdala ka ng mortal sa Avi—"

Tinakpan ko na ang bibig ni Derek bago pa man siya makabuwelo at bungangaan ako buong araw.

"She belongs here, Derek. Hindi ko lang alam kung bakit, hindi pa kasi nasasabi sa akin ng maganda kong utak ang dahilan. Pero ang alam ko . . . may mga kaganapan sa hinaharap na may kaugnayan sa kanya." Tinapik ko na ang kanyang balikat pagkatapos ko siyang sabihan n'on.

Nakakainis din naman kasi paminsan-minsan ang aking napaka-ever reliable na kapangyarihan, note the sarcasm. Parati na lang akong huli sa balita, minsan huling-huli pa nga ako. Defective yata itong kapangyarihan chuchu na natanggap ko, kainis.

"Dianne-"

"Opps!" Awat ko kay Derek na akmang pagsasabihan na naman ako. "May pangitain . . . t-teka, malabo. Teka muna." Saka ako umalis at nilayasan siya.

Kasalukuyan kaming nasa Fortrun at nakikipagpulong sa feelingerong si Ahv, si Dav, at ang fafables na si Fin. Matutuwa na sana ako kasi akala ko requested ang presensya ko, iyon pala'y pagagalitan din ako nang bonggang-bongga.

Isama mo pa ang mga matatalim na sulyap ni Niel, tsk nakajackpot lang ako eh.

"Dianne, sandali." Napalingon ako sa aking pinanggalingan nang narinig ang pagtawag ni Yra, ang magandang taong-lobo na katulad ng kabiyak niya ay in-denial din sa totoong feelings niya. Oo, pati iyon ay alam ko.

"Ano na naman? Hindi pa kayo tapos sa seventy-eight pages na litanya ninyo sa akin, maghunusdili naman kayo at tigilan na ako. Nakakarindi na kayong-"

"Alam mo, hindi ba?" Bigla niyang tanong niya sa akin. "Alam mo ang papel na gagampanan ni Florrence sa Avinia." Napatigil ako sa kanyang sinabi at sumeryosong muli ang anyo ng aking mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya saka nameywang.

"Huwag mong kalimutan na kalahating orakulo ako, malakas ang pakiramdam ko. Alam kong may hindi magandang mangyayari sa Avinia kaya ngayon pa lang ay-"

"Excuse me, Yra. Sa pagkakaalam ko tagabantay ka lang," Wika ko na ikinatiim-bagang niya. "Pangalawa, sabi mo naman na kalahating orakulo ka, hindi ba? So alam mo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kaysa aksayahin mo ang oras ko sa mga paligoy-ligoy mo."

"Ayusin mo ang pananalita mo, Dianne. Alam ko ang mga sikretong tinatago mo."

"Mas may alam ako sa iyo, Yra. Mag-ingat ka sa mga pagbabanta mo sa akin kung ayaw mong magising ang natutulog na demo-"

"Yra? Dianne? Anong ginagawa ninyo rito?" Napalingon kaming dalawa kay Derek. Nakalabas na pala iyong isa. Akala ko pa naman babasahan pa siya ng one hundred pages na litanya ng unholy trinity.

"Nag-uusap lang." Sagot ni Yra kay Derek, ang mga mata niya ay nakatingin lang sa akin na wari'y sinusukat ako.

"Nag-uusap pa lang, baka may sequel pa ito." Sagot ko naman at malokong tiningnan si Yra. Nagsukatan kami ng tingin ni Yra hanggang sa nay humarang at pumagitna sa aming dalawa.

"May problema yata kayo?" Si Alpha Zeann. Tch. Isa pa ito, parang sa Auota na siya nakatira ah, palagi na lang nagpupunta rito para makipagpulong.

"Wala naman, Alpha. Nag-uusap lang kami." Sagot ko kay Alpha Zeann bago tiningnan si Yra na bahagyang nakatago sa likuran niya. "Nagkakaintindihan na ba tayo, Saphyra?"

"Dianne." Marahas na saway sa akin ni Alpha Zeann. Napairap na lang ako sa harapan ng dalawa bago naglakad patungo sa direksyon ni Derek na halatang naguguluhan sa pangyayari.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon