Ch. 4

2.6K 105 67
                                    

Dianne

Calora, Nealandra (City proper of Nealandra)

Nagpresinta ako kay Derek kanina na ako na ang personal na mag-aasikaso sa cake para sa kaarawan niya.

Paraan ko na rin iyon para makita ko si Madame Jin bago pa mag-usap ang matandang salamangkera at ang pinsan ko. Mahirap na at baka madulas si Madame Jin at mabanggit ang potion na ipinagawa ko sa kanya. Botong-boto pa naman iyon kay Angelu.

Noong minsan na mag-usap kami, hiniling ko kay Madame Jin na gawan ako ng potion para hindi ako makilala ni Angelu.

Gusto ko siyang makita. Kahit sulyap lang sa pilikmata niya, sapat na iyon sa akin. Pero hindi ko magawa iyon kung wala akong panangga laban sa matalas na ilong niya.

Malalaman at malalaman niya na ako iyon. Tapos aangkinin na niya ako. Iuuwi niya ako agad sa Mystica, gagawin niya akong Luna doon. Syempre mai-enjoy ko ang gagawin niya...so, paano na lang si Florrence?

Hay, kaya kailangan talaga ng pananggala laban kay Angelu. Hindi pa ready ang lahat. Kapag lang talaga natapos ko ang misyon ko kay Florrence, magha-honeymoon agad kami. Sunod na lang iyong kasal.

Napapailing ako sa mga kagagahang naiisip ko. Malapit na akong makarating sa Sylvia's, ang pastry shop na gumagawa ng cake ni Tyrone para sa kaarawan niya sa bukas.

Umibis na ako ng sasakyan nang maiayos ko na ang pagpark sa tapat ng shop.

Narinig ko agad ang bulong-bulungan ng mga lobong napapatingin sa akin. Mga gaga talaga! Nakalimutan yata nila na kalahating lobo ako, rinig na rinig ko kaya sila.

"Nagbalik na pala iyan? Bakit pa ba nagbalik ang babaeng iyan? Sakit lang 'yan sa ulo ni Winona." Bulong nung isang patpating lobo sa kasama niyang babaeng halos mamatay na sa choker na suot nito. Naglalabasan ang taba e.

"Alam mo ba, matalik na kaibigan daw ng Dianne na 'yan ang bagong Luna ng Baron. Ang swerte niya, huh? Luna pa talaga ng Baron." Bulong naman nung isang napadaan.

Luna din naman ako ah?! Hindi pa nga lang ngayon! Kapag talaga nagkita kami ni Angelu at naging Luna ng Mystica papadalhan ko talaga ang mga taong ito ng invitation card ng kasal namin. Tapos papipirmahan ko talaga iyong parte na may received from para damang-dama nila ang pagiging Luna ko rin. Kaasar!

Chill, Dianne. Wala silang alam sa pagiging Luna mo, kaya shut up na lang sila.

Nagtuloy na ako sa loob ng pastry shop at nagdire-diretso sa counter.

"Miss, ready na po ba ang birthday cake ni Derek?" Bungad na tanong ko sa babaeng nasa counter.

Napatingin ang babae sa akin at biglang namula. Anak ng teteng talaga nitong si Derek! Pinatos niya ba ang babaeng ito?

"Ahh...iyong cake po? Eh...ah...t-teka po ah." At nagkukumahog na ang babaeng umalis sa aking harapan.

Susko po, Derek! Tiradurin na talaga kita sa mata lalaki ka!

Alam ng buong Nealandra ang pagiging babaero ng pinsan ko. Happy-go-lucky si Derek, ngunit seryoso siya sa pagiging Alpha niya. Sa buong Avinia, ang Nealandra noon ang pinakamahina sa lahat ng pangkat na narito. Ngunit simula nang mamuno si Derek, unti-unting nabago ang tingin ng ibang pangkat sa Nealandra.

Maiku-kumpara na ang Nealandra sa mga pangkat tulad ng sa Baron at Eulophora. Malalakas na pangkat iyon na pinamumunuan ni Alpha Tyrone at Alpha Macon.

Ang Uganda naman, ibang usapan iyon. Malakas na iyon dati pa dahil na rin sa ama ni Alpha Zeann. Ang Mystica naman, hindi matatawaran din ang lakas ng pangkat ko- este ni Angelu.

Malakas silang lahat. Halos pantay-pantay lang. Ngunit may taglay talaga na kakaibang katangian ang bawat bansa.

Halimbawa sa Uganda, tanyag ang bansang iyon sa malalakas na mga fighter wolves at sa combat training ng mga lobo roon. Isama mo pa si Alpha Zeann na ugaling diktador. Ang Uganda ang pangkat ng mga lobong ni sa panaginip ay wala kang balak na awayin. Nakakatakot.

Sa Baron, tanyag ang bansang iyon dahil sa magkapatid na Tyrone at Gaizer. Parehas na mataba ang mga utak. Parehas na kinatatakutan sa digmaan. Those two are strategists, the best if I may add.

Ang Eulophora, tanyag dahil sa Alpha nilang si Macon. He is one ruthless Alpha. Ang motto ng bansang iyon ay, "Kill or get killed." Walang binubuhay na kaaway ang mga lobo galing sa Eulophora. Wala silang kulungan. Talagang patay kung patay.

Sa Mystica, tanyag iyon dahil kina Angelu at sa kapatid niyang Reaper na si Fraze. Maloko rin si Angelu tulad ni Derek, kaya siguro magkasundo ang dalawa. Ngunit pagdating sa labanan, taob ang lahat kay Angelu. Si Alpha Zeann lang ang nakakapigil sa kanya kapag nag-amok siya, not even Derek or Tyrone can stop a raging Angelu.

At ang Nealandra, tanyag ito dahil sa akin. Biro lang. Tanyag ang Nealandra dahil kay Derek. Yes, it is Derek. He is the only Alpha wolf whose parents are both with Alpha blood. Ibang lebel si Derek, magkatulad lang sila ni Alpha Zeann, likas kasi na maloko si Derek kaya hindi siya sineseryoso minsan. Ikalawa sa pinakamalakas ang pinsan ko kay Alpha Zeann. Well, Alpha Zeann is one fourth part demon, that's why.

Pinakadiverse ang angkan namin sa lahat ng mga naninirahan sa Avinia. May bampira kaming pinsan na hindi ko alam kung saang lupalop na ng daigdig napunta, may lobo, may salamangkera, at may orakulong tulad ko. Depektibo nga lang ang superpowers ko.

"M-maaari n'yo pong kunin ang cake bukas. Tatawag na lang po kami sa inyo kapag naihanda na namin." Ang maliit na boses ng babae kanina ang nagpabalik sa naglalakabay kong isipan.

"Okay. Pa-order na rin ako, miss." Sabi ko at hinablot ang menu na nasa gilid.

Pinasadahan ko ng tingin ang menu.

Hmmm...saan kaya pupunta si Angelu?

Ay, mali. Ano pala ang kakainin ko?

Magtatagal kaya siya?

Hay! Anong pakialam ko?! Makaorder na nga!

"Nachos with meat and one small pizza, pepperoni and olives ang toppings. Lemonade kiss for my drink and one black coffee, no sugar ha? Baka masapak ako ni Madame Jin kapag matamis ang kape niya. At saka choco mousse." Sabi ko sa babae na naglilista ng order ko.

Nang makapagbayad na ako ay dumiretso ako sa bakanteng mesa na pandalawahan, nakapwesto iyon sa gilid na bahagi ng pastry shop.

Itinext ko na si Madame Jin kung saan kami magkikita. Sinabi niyang nasundo na raw siya nung tauhan ni Derek at papunta na sa Sylvia's.

Napabaling ako sa tanawin sa labas. Kailangan ko kaya matatapos ang misyong ito? Makikita ko kaya ang mangkukulam na makakatulong kay Florrence?

May forever kaya kami ni Angelu?

Susme, hay, nakakabuang maghintay ng order pala. Dapat hindi na ako magpalipas ng gutom.

"Dianne." Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Madame Jin sa aking likuran.

"Madame Jin! Jusko! Huwag n'yo naman akong patayin sa gulat! Birhen pa po ako, ayaw ko pang mamatay." Pabiro kong sambit at nginitian ang nakasimangot na matanda. Sus! Kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya, hindi ko talaga pagtitiisan ang kagaspangan ng ugali niya.

"Ang potion." Umupo siya sabay abot ng isang maliit na bote.

Mabilis ko iyong hinablot mula kay Madame Jin at tiningnan ang boteng iyon.

"Epektibo po ba ito?" May pagtatakang tanong ko kay Madame Jin habang tinititigan ang maliit na bote.

"Isang daang porsyente, Dianne. Magpahid ka lang ng kaunti sa katawan mo. Labindalawang oras lamang ang bisa ng potion na iyan." Imporma ni Madame Jin sa akin sabay tanaw sa labas ng bintana. "Pagkatapos ng kaarawan ni Alpha Derek, tutulak na tayo patungong Catharna."

Ang seryoso niya talaga!

"Oo po. Pagkatapos po ng kaarawan ni Derek, aalis na tayo patungo ng Catharna."

"Mabuti na ang nagkakaintindihan, Dianne." Hay! Tiklop ang superpowers  ko kay Madame Jin talaga.

"Opo." Masakit sa loob na tugon ko sa kanya.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon