Ch. 26

2K 94 51
                                    

"H'wag kang titig sa kanya, Dianne. Ayaw ni Liliana na tinititigan siya. Tumingin ka sa kanya ngunit siguraduhin mong sandali lamang. Sumulyap ka ngunit h'wag mong ipahalata na siya ang parati mong tinitingnan." ito na yata ang ikawalong beses ni Corina na pagpapaalala sa akin tungkol sa hindi pagtitig sa bisita namin mamaya. "Ikaw rin, Damon. H'wag kang tumitig sa kanya. Kahit na matukso ka'y h'wag mo siyang titigan." baling naman ni Corina sa katabi kong si Damon.

Kasalukuyan kaming nanonood ni Damon habang hinahanda nina Cornelia at Corina ang hapag-kainan. Si Madame Jin ay umalis kanina para sunduin si Liliana sa bahay nito.

"Maganda ba siya, Luna?" pabulong na tanong ni Damon sa akin. Napatingin ako kay Damon na kunot ang noo habang nakatingin din sa akin.

"Sino?" takang tanong ko s kanya.

"Si Liliana." paglilinaw niya.

"Mas maganda ako sa kanya." nakabusangot kong sagot sa tanong ni Damon.

Maganda talaga si Liliana, aaminin ko, pero nakakatakot iyong ganda niya. Iyong gandang nakakamatay ba. Iyong ganda na isang titig mo pa lang, paniguradong bangkay ka na kinabukasan.

May kakaiba talaga sa babaeng 'yon.

Ikaw ba naman ang pumatay sa sarili mong ina, tingnan ko lang kung hindi ka katakutan ng mga tao.

"Nagtataka lang ako kung bakit ayaw niyang titigan siya ng mga tao. May malaking balat ba siya sa mukha, Luna? O kaya ay bulag siya?" ayaw pa rin paawat ni Damon sa kakatanong niya sa akin.

Bumaling ako sa kanya at tiningnan siya habang nakataas ang isang kilay ko. "Ang katanungan mo'y katanungan ko rin. Manahimik muna tayo ha? Parehas lang tayong mga walang alam dito."

"Tch. Ang sungit talaga, porke't wala si Alpha." pabulong niyang sabi.

"May sinasabi ka, huh, Damon?" kahit na rinig na rinig ko naman iyong huling mga katagang namutawi sa labi niya.

"Sabi ko po'y hintayin na lang natin iyong Liliana na tinutukoy mo." malapad ang ngisi sa labi niya nang bumaling sa akin.

"Hindi. May sinasabi ka-"

"Magandang gabi sa inyo." napabaling kaming lahat sa may pinto. Nakatingin kaming lahat kay Madame Jin na nakatayo na roon. Kailan pa siya dumating? Hindi ko yata naramdaman ang presensiya niya.

"Magandang gabi rin, Madame Jin!" masigla kong bati sa kanya saka naglakad patungo sa may pintuan. "Kasama n'yo po ba-" napigil ko ang aking hininga at naitikom ang aking bibig nang mula sa likuran ni Madame Jin ay lumitaw ang isang mukha na naging laman ng aking mga pangitain.

Si Liliana.

"Ang ganda n'ya pala, Luna!" marahas na bulong ni Damon na nasa aking tabi na. Hindi ko pinansin si Damon sa tabi ko, bagkus ay mas itinuon ko ang aking atensyon sa babaeng nakatingin sa amin suot ang seryosong mukha niya.

"Luna, bawal raw titigan." paalala ni Damon sa akin. Tch. Ang ingay niya talaga. "Pero ang ganda niya talaga, Luna, ngunit mas naniniwala akong maganda ka. Pero...pero ang ganda niya talaga, Luna."

Totoo naman. Maganda naman talaga si Liliana. Malayo siya sa salamangkerang laman ng aking pangitain.

Sa mga pangitain ko, halata sa mga mata ni Liliana ang matinding takot, kaba, at pagdadalawang-isip. Ngunit ngayo'y napakablangkong tingnan ng ekspresyo ng kanyang magandang mukha. Misteryoso, iyon siguro ang mailalarawan ko sa kanya ngayon.

"Luna." nagbawi ako ng tingin bago hinarap si Damon. Hinawakan niya ang balikat ko at iginiya palapit kina Cornelia.

"Maupo na tayo, Dianne." ani Cornelia at pinaghila ako ng upuan gamit ang kanyang mahika. Tamad din na babae. Napangiti ako kay Cornelia bago tumango bilang pasasalamat.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon