Ch. 6

2.6K 109 33
                                    

Dinala niya ako patungo sa gitna ng mga taong magkapareha na nagsasayaw na rin sa gilid ng pool ni Derek.

I can clearly see the smug look in his face as he leads the way. Kumikinang din ang ear piercing niya sa kaliwang tainga kapag natatamaan ng ilaw.

Everything about him makes me crazy. Baliw na nga ako, mas nababaliw pa akong lalo.

The set-up is too romantic. Bwesit talaga si Derek! Hindi ako makapagconcentrate lalo e!

Isa ko pang issue ang tuxedo ni Angelu na bumagay talaga sa kanya! Bakit ang gwapo niya ngayong gabi?!

"Your hand is getting cold, lady." Narinig kong sabi ni Angelu nang sa wakas ay napalibutan na kami ng mga nagsasayaw na magkaparehas. Hawak-hawak niya pa rin ang isang kamay ko na ngayon ay itinaas niya sa kanyang balikat.

"Lamigin talaga ang kamay ko." Kahit hindi naman talaga. Napanguso ako at binaling sa paanan ko ang aking tingin.

Ang ganda pala ng sapatos ko. Ngayon ko lang napansin.

"Why can't you look at me? May problema ba sa mukha ko?" Hindi ka naman kasi ganyan e! You are the funny one! Why do you act like a gentleman now?

Tumingala na lang ako para tignan siya, para wala ng maraming tanong. I am not in my senses now, I might blab senseless words that I may regret tomorrow.

Mahirap na nga sa akin na ganito kami kalapit sa isa't-isa. I need to take it all in my system. His closeness, his smell, his very presence.

"Thanks for coming to his party." Akala ko ba hindi ka dadalo? Bakit ka nandito? Hindi ako prepared, Angelu! Anak ng teteng talaga, babe. May kailangan pa kasi akong gawin e.

"You are too formal. Loosen up, ako lang 'to. Don't act like that. I am not your Alpha." Aniya saka ngumiti sa akin. He is trying to make me comfortable, I get it. But how can I?

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang kanang kamay sa aking beywang dahilan para mas mapalapit ako sa kanya.

Bigwasan kaya kita, Angelu?

Wala na talaga! Tatakbo na ba ako palayo sa kanya?

"A-angelu...kasi-"

"Gelu. Call me Gelu, Dianne." kaswal niyang sabi. Kaswal. Napanatag ako kahit konti, he doesn't know that I am his mate...paano ko kaya ipapaliwanag sa kanya ang lahat kung oras na para mag-aminan kami?

Epektibo nga ang langis ni Madame Jin. Speaking of, tiningnan ko ang mesa na kinaroroonan ni Madame Jin. Ang laki ng ngisi niya! Naka-thumbs up sign pa! Nakakakilabot talaga siyang ngumiti!

Minsan lang ito, Dianne. Hindi naman alam ni Angelu, hindi ba? So bakit ka apektado masyado? Enjoy the moment, girl!

Nagpagawa nga ako ng potion kay Madame Jin para masilayan kahit pilikmata lang ni Angelu, ngayon na kaharap ko na siya at safe naman ang sekreto ko, bakit pa ako mag-iinarte?

"Sabi mo ha? Kapag pinatay ako rito dahil Gelu lang ang tawag ko sa iyo, dapat ipalibing mo talaga ako. Gusto ko pa naman ng maraming pink na balloons sa lamay ko." Sukat sa sinabi ko ay napatawa si Angelu.

Gosh! Music to my ears. Eargasm. Eargasm.

"Crazy." Mahina niyang sabi bago ako tiningnan sa mga mata, iyong nakakabaliw na titig ba. "As if I'd let that happen." Dagdag niya sa kanyang sinabi dahilan para magcartwheel ang puso ko mula ulo hanggang paa.

"Bolero." Tanging nasambit ko. Nawawalan ako ng sasabihin sa lalaking ito. Hindi na ako magugulat kung kasunod na ang ulirat ko na mawala.

"Seriously, why I didn't see you before? I am frequent here, but I can't remember anything about meeting you." Aniya habang nagsasayaw kami.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon