Ch. 9

2.7K 106 38
                                    

Dianne

Nakapangalumbaba ako sa tabi ng kama ni Florrence. Pangatlong araw na niya itong natutulog.

Mabuti pa 'tong isang ito, patulog-tulog lang, hindi naiistorbo ang kagandahan. Samantalang ako, nagpapayaman na ng eyebags sa mata dahil kay Angelu.

Napatingin ako ulit sa silid kung saan naroon si Florrence. Kwarto nila ito ni Alpha Tyrone. Infairness, tatlong kwarto ko ang magkakasya sa silid na ito sa sobrang laki niyon.

Nasa silid din si Aba, ang pack doctor ng Baron, at binabantayan ang kalagayan ni Florrence. Minsan ay tumataas ang temperatura ng katawan ni Florrence kaya beinte-kwatro oras kaming nakabantay sa kaibigan ko. Minsan ay umuungol pa nga si Florrence na parang nasasaktan o binabangungot.

Nagpresinta na akong magbantay kay Florrence tuwing umuuwi si Aba sa bahay nito, kaysa hayaan si Alpha Tyrone ang magbantay kay Florrence. Jusko! Umungol lang kaunti si Florrence, nagagalit na si Alpha Tyrone. Pinapabalik agad si Aba sa bahay niya.

Ano ba ang akala niya kay Aba? Nakabaterya lang? Hindi nalo-lowbat? Maya-maya pa kung magtanong si Alpha Tyrone sa kung ano na ang kalagayan ni Florrence.

Ano ba ang inaasahan niya? Pare-parehas lang kaming nagbabantay rito kaya. Kung wala siyang alam, mas lalo akong walang alam! Orakulo lang ako, depektibo pa.

Kagaya kanina, narito si Alpha Tyrone, nagtanong na naman sa kalagayan ni Florrence. Nagwala nga nung malaman na tumaas na naman ang temperatura ng katawan ni Florrence. Pinalayas na nga namin siya sa kwarto dahil baka may masira na naman siya, salamat na rin kay Angelu na kinumbinse si Alpha Tyrone na hayaan na lang si Aba na mag-alaga kay Florrence.

Tatlong araw na ring naririto si Angelu. Hindi pa raw siya uuwi hangga't hindi pa ako umuuwi. Buntot lang ang peg, ganoon yata kapag maganda. Pero biro lang, infairness, gusto ko rin iyong naaalibadbaran ang aking mga mata ng abs niya kapag sinisilipan ko siya sa kwarto niya.

Napailing-iling na lang ako sa aking sarili. Ano ba 'tong pinag-iisip ko.

"Aba, ano ba kadalasan ang nangyayari sa mga lobong pinapatulog sa kasagsagan ng Heat?" Tanong ko kay Aba habang tinitingnan siyang nagtuturok nang kung anong likido sa IV tube ni Florrence.

"Wet dreams." Sagot sa akin ng babae. "Pero madalang lamang itong mangyari, Dianne. Sobrang dalang na ngayon ko lang ito nagawang muling sa loob ng limang dekada."

Napatango-tango ako. Kahit sa akin naman mangyari 'yon. Nagpamarka na ako at lahat-lahat, bakit hindi ko pa ituloy-tuloy hindi ba?

Kaya nga ayaw mo pang magpamarka, 'diba? Narinig kong sambit ng aking lobo sa aking isipan.

Hindi ko pinansin ang aking lobo. Ngayon pa talaga siya may gana na kausapin ko? For four effin' years, hind niya ako kinabo. Silent treatment kung silent treatment ang peg niya.

I want to see our mate, Dianne.

Ay! Manigas ka riyan! Huwag kang lalandi-landi!

Natawagan ko na si Madame Jin kanina para sabihan siyang ipagpaliban muna namin ang pagpunta ng Catharna. Pagkagising na pagkagising ni Florrence ay aalis na ako ng Avinia.

Nasasaid ko na yata ang pasensya ni Madame Jin. Baka sa susunod naming pagkikita ay ihagis na niya ako sa kawa.

Tapos bigla pang umeksena si Angelu.
Naipilig ko ang aking ulo nang biglang maaalala ang naging usapan namin ni Angelu kahapon.

Napabuga ako ng hangin nang maalala ang alinlangang nabasa ko sa kanyang mga mata kahapon.

"Awat na sa pagyakap." Saway ko kay Angelu at unti-unti siyang itinulak palayo kahit na ayaw kong mawalay sa kanyang mga bisig.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon