Ch. 36

3.6K 97 49
                                    

Super unedited!

"Nasabihan mo na ba si Florrence?" Pangatlong ulit ko ng tanong iyon sa taong-lobo na nakatalagang magbantay sa bahay ni Tyrone.

"Naabisuhan na po si Alpha Tyrone." Sagot naman ng lobo sa akin. Napangisi ako bigla. Parang may lahing robot itong kausap ko. Wala ng ibang maisagot kundi iyon.

"Mag-iisang oras na kami rito." giit ko. "Saang lupalop ba ng Baron nagpunta sina Florrence? Baka naman nagcross country vacation na ang dalawa at umabot na pala sila ng Uganda."

"Nasa kagubatan ng Baron ang Luna at ang Alpha, kung maari'y maghintay na lamang po kayo sa loob ng bahay." magalang niyang sagot sa akin. Nayamot ako bigla. Paanong naisip ni Florrence mamasyal sa kagubatan ngayong nagdadalang-tao siya?

It worries the hell out of me. Maliban sa delikado na ang sitwasyon niya, hindi ko pa alan kung ano ang talagang mangyayari sa oras na manganak siya. Bumaling ulit ako sa lobong kausap ko, kinalabit ko siya bago nagtanong.

"Hindi ba alam ni Tyrone na delikado para kay Florrence ang magpunta sa gubat?"

"Alam mo?" I can sense Gaizer's presence ngunit hindi ko siya nilingon. Napaisip ako bigla. How can I explain to him how dangerous Florrence's situation is without him freaking out? Well, kapatid siya ni Tyrone. Luna niya si Florrence. Buhay ng pamangkin niya ang nakasalalay. Hindi naman siguro magiging OA ang reaksyon niya, hindi ba?

Hahahaha. Sino ba ang niloloko ko?

Pumihit ako paharap at binigyan nang matamis na ngiti si Gaizer. "Ang alin?" pangmamaang-maangan ko. "May dapat ba akong malaman?"

"You know something, Dianne. I can sense it too." tugon niya.

I lighten up my face and turn towards Gaizer. "Masyado kang OA." sagot ko bago naglakad patungo sa loob ng bahay.

"Dianne." bigla ay nasa harapan ko na si Gaizer. Nakatunghay siya sa akin at pilit na hinuhuli ang mata ko. "Tell me what I need to know."

"Tell you what? Dude, you're hovering all over me. I swear, Angelu will not be liking it." Pagbabanta ko sa kanya.

"Alpha Angelu is with Victor right now." Rason niya. "So tell me." he demanded.

"Really, there's nothing you need to know. Masyado ka lang paranoid, Gaizer. There's too much caffeine in your system. Kinakabahan ka na ng walang dahilan." sagot ko sa kanya. Kinindatan ko pa si Gaizer bago hinawi ang katawan niya sa daraanan ko.

"I know something is up, Dianne. I know when you're lying, remember that." aniya bago nawala sa paningin ko.

Kinabahan ako bigla na hindi ko mawari. Siguro kailangan ko rin sabihin kay Gaizer ang lahat. But I know he will react. Violently. Tapos malalaman ni Tyrone. Malalaman din ni Florrence. Tapos pipiliin ni Florrence ang buhay ng bata kaysa sa buhay niya. That will leave me with a dead bestfriend and a goddaughter without a mother. No. My original plan is to have my bestfriend alive together with her daughter.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang may sumulpot na taong-lobo sa harapan ko. Ngiting-ngiti ang kanyang mga labi na para bang naaaliw siya sa hindi malaman na dahilan. "Miss Montreal, kailangan po kayo sa loob. Nagkakainitan na naman si Alpha Angelu at Gaizer."

Napapalatak ako. Wala ng magandang nangyari sa dalawang 'yan. Can't they act like grown adults just this time?

Bigla akong napasunod sa taong-lobo papasok sa bahay. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang bulyawan ng dalawa. I know the next few moments will be interesting.

Hindi nga ako nagkamali ng inakala. Nagsusukatan na ng tingin ang dalawa nang mabungaran ko.

"Think twice before saying anything. Nakakalimutan mo na yata kung sino ang kausap mo." banta ni Angelu kay Gaizer habang hawak nito ang leeg ng isa.

"I was just asking, as a form of control measure, why is Dianne hiding from you? Why does she needed to land in Mystica undetected? Something's up." Mahinahon ngunit may diin ang tanong ni Gaizer kay Angelu. "Don't you think you have things to explain since we are breaching security controls here? You came to this country undetected too." dagdag paratang ni Gaizer kay Angelu.

I can see Angelu turning into a beast. Shit! Those golden eyes are evident now. Loud applause to Gaizer, alam niya talaga kung paano galitin si Angelu. Double shit!

Pero bago pa lumala ang lahat at magkasiraan ng gamit sa hindi namin sariling bahay, papagitna na naman ako. Ang hirap ng nasa gitna lagi. Maiipit ako sa muscles nila. Shocks!

Linapitan ko ang dalawang naggigirian. Mahina kong tinapik sa balikat si Angelu bago tiningnan ng masama si Gaizer. Kung may balak soyang magpakamatay, huwag sa kamay ni Angelu. Magiging madugo 'yon, alam ko sa sarili ko. "Let it go, Angelu. Tandaan mo tayo ang nakikibisita dito." paalala ko sa kanya.

"He is not a fucking Alpha to tell me what to say or do." kamuntik na akong makairap sa sagot ni Angelu. Matigas din ang bungo ng isang 'to. Kailangan ko pa yata ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

"Still, we breach security protocols. Tama naman si-"

"So, ako ang mali?" that question caught me offguard.

I can't say yes.  Maipapahiya ko si Angelu sa harapan ni Gaizer.

But if I answer no, mas lalala ang away nila dahil magrereact din si Gaizer at ipo-point out niya ang mali ni Angelu.

Lupa, bumuka ka na please. Lamunin mo na ako.

"Consortum elicon."

Napasinghap ako nang biglang lumipad si Gaizer patungo sa...kay Liliana?

"Masyado kayong maingay. May sinasabi pa si Victor sa akin." ani Liliana.

Napamulagat ako sa inasta ng walanghiyang  mangkukulam na 'to, pero nagpapasalamat na rin ako. Pero... hindi talaga siya natakot makialam sa awayan ni Angelu at Gaizer?

"Who the fuck-"

"Si."

Namangha ako. Ulit. Damn that word. Biglang naglaho si Liliana at sumulpot sa likuran ni Angelu.

Naging matingkad na lila ang mga mata ni Liliana. May sinasambit siyang mga salita na hindi ko mawari habang nakatayo siya sa likuran ni Angelu. Ang bilis ng kibot ng bibig niya na para bang nag-oorasyo- wait!

"Anong ginagawa mo?!" sita ko kay Liliana ngunit hindi siya nakinig sa akin, bagkus ay  patuloy siya sa pagsasalita ng mga sakitang hindi ko maintindihan na labis kong ikinabahala.

Bwesit na mangkukulam! Kapag may nangyaring masam kay Angelu mananagot talaga siya!

"Isa, dala-" susugurin ko na sana si Liliana nang biglang itinaas ni Angelu ang kanyang kaliwang kamay.

"Stop." mahinang sambit ni Angelu. 

Unti-unti siyang tumingin sa akin at nakita kong nag-iba na naman ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi na iyon kulay ginto.

Bakit kakulay ng mata ni Liliana ang mga matang nakatingin ngayon sa akin? I feel weird about this.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon