••• DOCE •••

148 24 0
                                        

Napalingon ako nang biglang may kumalabit sa ’kin. Nakita ko si Hlae na nakatayo sa likuran ko at may dala-dalang bulaklak na rosas. Ang rosas na siyang ibinigay sa kaniya ni Nexus kahapon.

“Bakit?”

Lumapit siya sa akin saka umupo sa upuan na nasa harap ko.

“Hindi ka ba naiinip dito sa bahay?” usisa niya.

Bumuntong-hininga ako.  “Ang totoo niyan, gusto ko ring mamasyal. Gusto kong makita ang mga nakatago pang ganda ng lugar na ito,”  pag-amin ko.

Ngumisi siya.  “Kung gano’n, gusto mong sumama?”

Bigla akong nabuhayan ng loob.  “Ha? Saan naman?”

“Kahit saan, ipapasyal kita.”

Nagulat ako dahil parang kahapon lang eh parang ayaw niyang nandito ako sa bahay nila pero ngayon siya na mismo ang nang-aaya sa akin para mamasyal.

“Sige ba! Gusto ko ’yan!”

Tumayo siya.   “Ano pang hinihintay mo? Tara na.”

Naglakad siya palabas ng bahay kaya naman sumunod ako. Pero agad ding napahinto nang bigla akong may maalala.

“Teka muna,”  pigil ko kay Hlae.

“Bakit?”

“Natatakot akong lumabas. Baka may makaalam na hindi ako kauri ninyo. Mapapahamak tayo, Hlae,”  pag-aalangan ko.

Ngumisi siya.  “Wala ka bang tiwala sakin?”

“H-Hindi naman sa ganoon.”

“’Yon naman pala. May taglay akong kapangyarihan at kahit hindi ko pa man lubos na nasasanay ang paggamit nito, kaya ko naman na itong kontrolin kahit papaano,”  pagmamalaki niya.

Kahit nagbago na ang pakikitungo ni Hlae sakin ay hindi pa rin ako kumbinsido. Parang may mali. Nagtataka ako kung bakit bigla ’ata siyang naging mabait.

Hindi kaya...

“Ano? Nagdududa ka?”

Binalingan ko siya.  “Ah, ano. Sige, sasama na ako sa ’yo.”

“Mabuti.”

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita ko siyang binuksan ang lagusan at lumabas doon. Sumunod din ako at nang makalabas ako ay agad niya naman itong sinarhan. Hindi ko malaman kung paano buksan ang isang lagusan, pero base sa nakikita ko ay kinakailangang haplusin ang katawan ng puno.

Susubukan ko mamaya, baka gumana. Siguro wala naman ng iba pang sasabihin na mahiwagang salita bago ito bumukas dahil kapag mayro’n man, tiyak na mahihirapan akong alamin kung ano man ’yon.

Naglalakad si Hlae sa unahan at nakasunod naman ako sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit wala akong nakikitang ibang engkanto na pagala-gala.

Hindi ba sila lumabalabas ng bahay?

Dumaan kami sa isang hardin na puno ng iba’t-ibang bulaklak. Pipitas sana ako ng isang bulaklak na natipuhan ko kaso nga lang ay bigla itong gumalaw! Kaya naman isinantabi ko nalang ang kagustuhan na makakuha niyon.

“Ito ang tinatawag naming ‘Hardin ng Esquizer’ ang hardin ng pag-asa at pag-ibig. Madalas na pumunta sa lugar na ito ang mga magkasintahan. Naniniwala kasi kami na pinagtitibay ng lugar na ito ang lahat ng uri ng mga relasyon,”  kwento ni Hlae.

Tumango ako.

Mabuti naman kung gano’n. Sana kung may ganito lang sa mundo namin, eh di sana walang mag-jowa na naghihiwalay. Kasi pupunta lang sila sa lugar na katulad nito at titibay na ulit ang relasyon nila.

Dumaan din kami ni Hlae sa isang mababaw na ilog. Sobrang linaw ng tubig! Nakakaakit na maligo. Kung may dala lang sana akong pamalit na damit ay hindi ako mag-aalangan na maligo dito.

“Ito naman ang tinatawag na ‘Ilog ng Esquizer’ sa ilog na ito nililinis ang mga makasalanan. Kapag nakagawa ka ng kasalanan at nais mong linisin ang sarili mo, dito ka pupunta at maliligo. Sa pag-ahon mo sa ilog na ito ay malinis na ulit ang iyong konsensya,”  kwento ni Hlae.

Muli akong napatango.

Kung may ganito sana sa ’min, hindi na kailangan pang ikulong ang mga tao para matuto. Maliligo lang sila sa ilog na ’to, malilinis na ulit sila. Mapapatawad sila sa kanilang mga kasalanan at maiiwasan na ulit ang gumawa pa ng pagkakamali. Sana ay tahimik ang buong mundo at walang mga krimen na nangyayari.

Sunod kaming dumaan sa taniman ng mga palay at gulay. Ang daming tanim! Sobrang lapad din ng mga lupain. Kay gandang pagmasdan ng ganitong tanawin.

“Ito naman ang ‘Sakahan ng Esquizer’ dito kami kumukuha ng mga sangkap at gulay pati na rin ng mga prutas para may makain kami sa pang-araw-araw. Kahit sino ay pwedeng kumuha ng kaniyang pangangailangan sa lugar na ’to. Hindi ito nauubos dahil inaalagaan ito nang mabuti,”  kwento pa ni Hlae.

Muli na naman akong napa-isip.

Sana rin ay mayroong ganito sa mundo namin nang sa gayon ay walang sinuman ang magugutom. Lahat ay magkakaroon ng pang-araw-araw nilang pangangailangan. Hindi na nila kailangan pang kumayod at magkanda-kuba sa pagtatrabaho dahil may mapagkukunan na sila. Tiyak na walang mamamatay sa gutom.

Pagkatapos ay dumaan kaming muli sa isang masukal na kagubatan. Napalingon ako sa likuran. Malayo na rin pala ang nilakad namin. Kaya siguro medyo kumikirot na rin ang tuhod ko. May sugat pa naman ’to.

“Ah, Hlae? Pwede ba muna tayong magpahinga? Medyo nakakapagod kasi eh,”  tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako saka siya tumango.  “Pwede naman.”

“Hays, salamat.”

Umupo ako sa ugat ng punong-kahoy. Gano’n din siya. Kaso medyo malayo siya sa ’kin at nakatagilid kaya hindi ko kita ang mukha niya.

“Alam mo ba kung ano ang tawag ss lugar na ’to?”  tanong niya kapagdaka.

Inilibot ko ang aking paningin. Wala namang espesyal sa lugar na ’to. Puro lang punong-kahoy ang nandito.

“Hindi. Bakit? Anong ang tawag niyo sa lugar na ’to?”  tanong ko.

‘Ligaw na Gubat ng Esquizer’. Iyon ang pangalan ng lugar na ’to.”

“Bakit ‘Ligaw na Gubat ng Equizer’?”

“Dahil ang sinuman na dumarayo sa lugar na ’to, ay hindi na nakababalik pa,”  sabi niya saka tumayo at pinagpagan ang kaniyang damit.

Naiwan naman akong tulala at pilit na inintindi ang huli niyang sinabi. Ibig sabihin, kapag pumunta ka sa lugar na ’to, hindi ka na makakabalik pa?

Bumilos ang tibok ng puso ko. Paano kapag nawala ako rito? Paano ako makababalik? Hindi ko na ba talaga malalaman ang daan pabalik? Nako naman!

“Kung ganon, paano na? Maliligaw na ba tayo kasi nandito tayo sa loob ng kagubatan ng equistria?”  habol ko kay Hlae.

“Hindi, kapag may kasama kang esquizersian, kailanman ay hindi ka maliligaw. Maliban nalang kung dayo ka mula sa ibang mundo,”  paliwanag ni Hlae.

Tumango-tango ako.

Mabuti naman, ligtas naman pala ako kahit papaano kasi kasama ko si Hlae.

“Bakit may ganitong lugar dito sa mundo ni’yo?”

“Dahil ang lugar na ito ang nagsisilbing proteksiyon laban sa mga masasama ang loob na may balak maminsala sa aming kaharian. Kailangan ng proteksiyon ng ‘Kaharian ng Esquizer’.”

Napatigil si Hlae kaya naman napatigil din ako. Sinundan ko ang direksyon ng tinititigan niya. Napanganga ako sa labis na pagkamangha.

Totoo ba ’to? Nandito na ngayon sa harapan ko ang kahariang noon ay naririnig ko lamang sa kwento ni Lolo at Lola!

“Ang Kaharian ng Esquizer.”

THE PORTAL  [COMPLETED]Where stories live. Discover now