••• DOS •••

491 46 9
                                        

“Oh pa’no, Daze? Una na kami ah. Kitakits nalang sa Monday!”  paalam ni Dew.

Niyakap din ako ni Mity.  “Bye, bibi. Happy birthday ulit.”

“Thank you, bibi. Ingat ka sa pag-uwi ah,”  bilin ko.

Tumango siya.  “Sasama nalang ako kay Dew. Ang alam kasi nina mama siya ang kasama ko pauwi.”

Tumango ako.  “Uy, Dew! Ingatan mo ’to ah! Iuwi mo sa bahay nila. Huwag mong i-deretso sa kung saan tsaka hinay-hinay lang sa pagmamaneho. Kapag kayo nabangga, babalian kita ng buto!”

“Oo na! Grabe sa sermon, dinaig pa mama ko,”  reklamo ni Dew.

“Naninigurado lang. Oh, paano? Ingat ah!”

“Una na ’ko, trops. Tumawag na si mama eh. Hinahanap na ako sa bahay. Alam niyo naman, ang gwapong tulad ko hindi pwedeng pagala-gala sa daan mahirap na baka pagkaguluhan ng paparazzi.”  Umiiral na naman ang pagiging- GGSS ni Sef.

“Shuta? Gwapo ka na niyan? Hina mo naman. Seminar ka muna, trop! Huwag kang mag- alala, mura lang talent fee ko,”  sabat ni Clov. Isa pa ’tong mahangin.

Napasapo nalang ako sa noo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung paano nabuo ang tropa namin at kung bakit naman ako minalas na mapabilang dito.

“Oh, Daze, huwag masyadong ma-stress. Hindi ka pa nga naii-stress mukha ka nang nanay, kaya dahan- dahan lang. Chill, okay?”

Kapal ng mukha! Parang hindi nakikain sa birthday ko ah?!

“Tigil-tigilan mo ’ko sa pang-aasar mo, Clov. Baka iniisip mong nakalimutan ko na ang katarantaduhan ni’yo kanina? Mamamatay akong bitbit ang sama ng loob sa inyo! Pasalamat ka malakas ka kay Papa kaya hindi kita mapauwi,”  sermon ko sa kaniya.

“Hindi nga ako napauwi, pinagkaitan mo naman akong kumain ng shanghai. Eh ’di wala rin. Ang damot mo! ’Pag ako nag- birthday, di kita iimbitahin!”  todong reklamo nito.  “Alam mo namang dati lumpia lang ang paborito ko pero ngayon, pati ikaw na rin.”  Bulong pa nito.

Aba!? Gumaganti?

Oo, tinabi ko kanina ang shanghai, ’di ko siya binigyan. Tapos sina Mity, Dew at Sef naman isa-isa lang ang binigay ko. Manigas sila! Ako pa talaga ang hinamon nila ah. Parusa ko sa kanila ’yon!

“Eh ’di ’wag! Hindi naman talaga ako pupunta! Sino ba ang may sabing pupunta ako? Dzuh,”  pagtataray ko sa kaniya.

“Ayan na naman! Ayan na naman sila! Away na naman. Hay nako, bahala kayo riyan. Basta mauuna na ako. Kanina pa ako hinihintay ni mama eh. Bye, trops!”  paalam ni Sef saka pinaharurot ang kaniyang motor.

May kaniya-kaniya kasi kaming motor. Si Dew, Sef at Clov at ako. Samantalang nakiki-angkas naman si Mity kay Dew kasi magkalapit lang naman ang bahay nila. Mayro’n din akong motor kaya madalas kaming magroadtrip. Si Mity lang talaga ang wala pa, kasi hindi siya pinapayagan ng papa niya na magmaneho ng motor. Hinahatid din siya sa school ng driver nila kasi wala pa siyang lisensya.

“Bibi, una na din kami ah. Masyado na rin kasing late eh, baka mapagalitan ako sa bahay,”  paalam ni Mity.

Tumango ako saka kumaway sa kanila.  “Ingat!”

Binalingan ni Dew si Clov.  “Pre, una na kami. Uwi ka na rin. Malalagot ka sa lola mo,”  pananakot ni Dew at tumawa na parang timang.

Tumango si Clov.  “Sige, uuwi na rin ako,”  sagot niya saka naglakad papunta sa motor niyang naka-park sa harap ng gate namin.

Pinaandar na ni Dew ang kaniyang motor saka bumusina bago sila tuluyang umalis. Tinanaw ko sila habang papalayo at nang tuluyan silang mawala sa aking paningin ay tumalikod na ako at maglalakad na sana pabalik ng bahay pero nagulat ako nang bigla akong mabunggo.

THE PORTAL  [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя