Epilogue

201 7 5
                                    

"August!" malakas na sigaw ko habang hawak ko ang may kalakihan ko ng tiyan.Kabuwanan ko na at naisipan kong pag tripan ang asawa ko.Nasa sala ako ng bahay namin habang nasa kwarto naman siya.

Muntikan na akong mapabulalas ng tawa nang makita siyang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nasa huling baitang na siya ng matalisod,napatutop ako sa bibig ko.Kitang kita ko ang pagkawala niya ng panimbang at ang pagpipilit na kumapit sa hamba ng hagdan,pero bago pa man siya makakapit dumulas ang isa niyang paa at tuluyan na siyang nag-dive sa sahig.

Napapikit ako dahil sa nangyari,maliit kong minulat ang isa kong mata. Nakaupo na siya tila hindi naman nito ininda ang sakit,hinaplos lang nito ang nasaktang dibdib saka mabilis itong tumayo at nag-aalalang nilapitan ako.

"Mal,anong nangyari?"

"Okay ka lang ba?"

"May masakit ba sayo? saan ang masakit? tell me!" sunod sunod na tanong sa akin ni August,tarantang taranta talaga.

Tinitigan ko muna siya bago ako nagsalita.Hindi pa ito nakaligo, gulo-gulo ang buhok pero fresh pa rin itong tignan.Napanguso ako,ang pogi talaga ng damuho,kainis!

"Wala naman,nagpapraktis lang akong sumigaw" kibit-balikat na sagot ko.

"Tinignan ko lang ang magiging reaksiyon mo sakaling manganganak na ako" sabi ko pa at kumagat sa hawak kong mansanas at matunog ko iyong nginuya.

Malakas siyang bumuntung-hininga.
Tila tinubuan ako ng pakpak kung titigan niya ako itsurang hindi ito makapaniwala sa ginawa ko.

"Are you serious!?" tila nauubusan ng pasensiyang sabi niya sa akin.

Hindi ako umimik.I pouted my lips then I smiled sweetly at him.

Nagpakawala siya ng marahas na hininga.Ginulo pa nito ang buhok na tila doon ibinuntun ang naramdamang pagka-inis sa akin. Matalim pa niya akong tinignan bago tumalikod at bubulong-bulong na muli siyang umakyat sa taas.Napahinto siya sa puno ng hagdan nang malakas akong tumawa.Galit ang mga matang nilingon niya ako.

"Peace" nakangiting sabi ko sa kanya.Pero ang lolo denedma ako. Mabibigat ang hakbang na muli siyang umakyat sa silid namin,mula noong isang buwan pa siya naka-work from home.Ayaw daw niyang mamiss ang araw na ilalabas ko na ang bunga ng pagmamahalan namin.Hindi nga alam ni August na nag pa-ultrasound akong mag isa,sabi ko kasi dati sa kanya gusto kong surprise ang gender ng baby namin pero hindi rin ako nakatiis.

Sinamantala ko ang araw na nasa
opisina siya at nag punta sa clinic ng obgyne ko.And till now hindi pa rin niya alam.I can't wait to see his reaction kapag lumabas na ang anak namin.

Nangingiting hinaplos ko ang tiyan ko.

"Hang in there my little ones papa and mama can't wait to see you!"

Natatawa pa ako sa tuwing nai-imagine ko ang magiging reaksyon ni Agust.Natatawa pa talaga ako habang umaakyat ng hagdan, kukulitin ko nga ang magaling na lalaki nabobore na ako.

Walang tao sa silid namin pag pasok ko.Bukas ang ginagamit nitong laptop,napa smile ako nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Naka isip ako ng kapilyahan.

"Aha, its show time!" natatawang sabi ko.

Nakatatlong beses akong nagpraktis kung pano ang tamang pagtili pero syempre silent scream lang muna. Wala pa man ay natatawa na ako. Saktong namatay ang shower sa banyo,huminga ako ng malalim saka tumili nang malakas.

"August! manganganak na ako,ang sakit na ng tiyan ko!"

Pabaklas na bumukas ang pinto ng banyo, nakatapis lang siya ng tuwalya habang humahangos na lumabas doon.Muntikan na akong matawa nang madulas pa siya sa pinto,lihim akong napa aray nang tumama ang puwetan nito sa basang sahig.Mabilis itong tumayo pero sa paghakbang nito ay naapakan niya ang itinapon kong baby oil sa sahig, muntikan na naman itong madulas kung hindi ito nakahawak sa hamba ng pinto.

The Him Who Loves Her (Completed)Where stories live. Discover now