Part 14

144 4 1
                                    

"Lets go?" nakangiting tanong niya sa akin.Bilang sagot ikinawit ko ang kamay sa braso niya katatapos lang ng graduation namin.

Magcecelebrate daw kaming dalawa. Kanina ko pa nga siya kinukulit kung saan kami pupunta pero ayaw niyang sabihin.Secret daw muna para surprise.

"May problema ba?" tanong ko ng huminto kami sa paglalakad.

"I forgot something pwedeng mauna ka na sa kotse." he handed me his car key.

"Babalikan ko lang saglit ,antayin mo na lang ako doon. Mabilis lang ako promise"

I point my finger on him.

Siguraduhin mo lang ,within ten minutes at wala kapa,iiwan kita bahala kang magcelebrate mag isa." pananakot ko.

" Yes,maam" sumaludo pa siya sa akin saka mabilis na tumakbo.

Nangingiting naglakad ako papunta sa parking area ng school.Napahinto ako sa paglalakad ng mamataan si sir na papalapit sa gawi ko.

Nakatitig lang ako sa mukha niya ng huminto siya sa harap ko.

"Congrats!" nakangiting bati niya sa akin.Pero walang kislap ang kanyang mga mata.

"Salamat" bulong ko sapat lang para marinig niya.Tumango siya siya sa akin.Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.

" I'll go first" sabi niya.

Tila wala sa sariling tumango ako ng magpaalam siya.

Nakatayo lang ako doon habang pinapanuod siyang naglalakad palayo.Natagpuan ko na lang ang sariling tinatawag siya.

"Sir!" sigaw ko pero hindi siya lumingon.

"Sir wait!" mas malakas na sigaw ko lakad takbo na ang ginawa ko para lang maabutan siya. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa parking area ng school.

Nataranta ako ng makita kong papasakay na siya sa kotse niya.

"Sir sandali!" sigaw ko muli.

Natigil siya sa pagpasok sa kotse,gulat ang anyo ng mukha na lumingon siya sa akin.

Mabilis ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap.Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Niyakap niya din ako pabalik. Ramdan ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"I'm sorry" pagkasabi niya ng mga salitang iyon bumuhos ang mga luha ko.Humihikbing lumayo ako ng konti sa kanya sapat para makita ko ng maigi ang mukha niya.

"Im happy for you" he said while staring intently at me.Pinunasan pa niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Im happy too" naiiyak at natatawang sagot ko.

Matagal kaming nakatitig sa isat isa. Hindi na kailangan pa ng maraming salita.Puso na namin ang nag usap.

"Na-miss kita sir"

"And I miss you too"

" What the ----" napabitaw kami sa pagkakayakap.Lumingon ako napalunok ako ng masalubong ko ang nang uusig niyang mga mata.

Hurt,anger and betrayal are evident on his handsome face.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang pumpon ng kulay dilaw na bulaklak ng daisy.

Bumuka ang bibig ko para magpaliwanag pero mabilis siyang tumalikod.Basta na lang niyang tinapon ang bulaklak.

Susundan ko na sana siya ng pigilan ako ni sir.Umiling siya sa akin.

"Pabayaan mo muna siya"

Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayong bulto niya.Mapait akong ngumiti.Masakit pero alam kung maiintindihan niya rin sa huli.

Tumingin ako kay sir saka mabagal na tumango.

09-28-2020

to be continue...

The Him Who Loves Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon