Part 4

189 5 1
                                    

Tutok na tutok ang atensyon ko kay sir.Kahit saang anggulo tignan ang pogi talaga nito.

"See you next meeting" aniya sabay tiklop ng laptop nito.Nagsilabasan na ang mga classmates ko kami na lang ang naiwan sa loob ng room.Sinadya ko talagang magpahuli.

Napatayo ako ng makitang palabas na si sir.

"Sir wait!" tawag ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin nakakunot pa ang noo.Kinabahan tuloy ako.

" Stop biting your lips and speak"

Napaayos ako ng tayo.Nahihiyang inabot ko sa kanya ang paper bag.

"I don't accept gifts from my students" matigas ang boses na sabi niya.

"Eh,sir hindi naman po ito gift.Token of gratitude ko po sa inyo sa paghatid niyo sa akin last time" nakayukong paliwanag ko.

" What is that?" istriktong tanong niya sa akin.

"Home made cookies."

Matagal na nakatitig si sir sa akin.Tila binabasa nito ang reaksyon ng mukha ko.

Umiwas ako ng tingin.

Kinuha niya ang hawak kong paper bag.

"Thanks and I hope this will be the last na magbibigay ka sa akin ng ganito.
Gusto ko lang malaman mo na hindi lang ikaw ang estudyanteng pinasakay ko sa kotse ko at inihatid sa bahay nila.Ginagawa ko talaga yun pag nakikita kong nasa alangin ang sitwasyon ,because I value them as my students."

Binigyang diin pa nito ang huling salita.

Naiwan akong mag isang nakatayo sa gitna ng classroom.Parang napahiya ako sa sarili ko sa mga sinabi ni sir.Huminga ako ng malalim saka linisan ang silid na may bigat sa dibdib.

Dumaan ako saglit sa library para ibalik yung aklat na hiniram ko.Malapit na ako sa hagdan ng mapansin yung naka angat na takip ng trashbin sa may sulok.Hindi yun ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang bagay nasa loob,hindi maayos ang pagkakatapon kaya kitang kita ko.

Natulos ako sa kinatatayuan.Hindi ko alam kung ilang minutong nakatitig ako doon.Nahawakan ko ang pisngi ko ng malasahan ang maalat na likido.
Hindi ko na itinuloy ang pagbaba sa halip mabilis kong tinungo ang comfort room sa dulong bahagi ng library.

Dumeritso ako sa sink at naghilamos ng mukha.

"Bakit ang sakit?" tanong ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin.

The Him Who Loves Her (Completed)Where stories live. Discover now