Part 10

132 4 1
                                    


Pagdating sa event area tenext ko si sir na nandito na ako.Pero hindi siya nag rereply.Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko.Kanina pa nagsimula ang kasayahan pero hindi ko magawang mag enjoy.Malalim na ang gabi pero ni anino ni sir hindi ko pa nakikita.Tumayo ako at naglakad palabas ng function hall.Nag pasya akong umuwi na lang.Naiiyak ako sa disappointment, paasa si sir!

Nasa may parking area na ako ng mapansin ang pamilyar na bulto ng isang lalaki.Lalapitan ko na sana ng mapansin ang babaeng kasama niya para silang nagtatalong dalawa.
Humarap ang babae sa dereksyon ko.Napatakip ako sa bibig ng makilala ang babae.Siya yung nasa tag photo ni sir.

Malakas akong napasinghap ng kabigin ni sir ang batok ng babae at hinalikan.Natuod ako sa gulat.
Nakatitig lang ako sa dalawa ng may mga kamay na tumakip sa mata ko.Pamilyar ang amoy ng pabango ng taong nasa likod ko.Nagpa-ubaya ako ng hilahin niya ako paalis sa lugar.

Dinala niya ako sa garden ng school.Nakaupo kami sa bench sa silong ng mayabong na puno ng narra.

Kanina pa kami doon at walang magtangkang magbukas ng usapan.

Tahimik lang akong lumuluha.Naawa ako sa sarili ko.Umasa ako eh,ang sakit pala.

Lumakas ang hikbi ko ng kabigin niya ako at pinaloob sa mga bisig niya. Hindi siya nagsasalita, hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Sa sobrang pag iyak hindi na ako makahinga. I grab the collar of his suit and I blow my nose.

"What the heck!" napalayo siya sa akin dahil doon.

"Its so gross!" hiyaw pa niya.

Napahalakhak tuloy ako.

"Really!after what I've done?" nanlalaki pa ang mga mata nito.

"After I lend you my shoulder to cry on you have the guts to..." hindi niya maituloy ang mga susunod na salita.Tila diring diri siya.

Ngumuso ako.

"Sorry na wala kasi akong panyo ,saka hindi na kasi ako makahinga kailangan nang mailabas"

Napahalakhak pa ulit ako.

"Aaahhh!!!" naiinis na tinanggal nito ang suot na suit.Naiwan sa katawan nito ang panloob na puting long sleeves.Umiiling na nirolyo nito ang manggas hanggang siko saka binuksan ang ilang butones.Nasilip ko tuloy ang malapad niyang dibdib.

The Him Who Loves Her (Completed)Where stories live. Discover now