Part 9

137 3 1
                                    

"Aattend ka talaga ng ball, seryoso?"

"Oo nga sabi ,kulit naman!"

"Sigurado akong wala kang ka-date kaya para hindi ka naman mag mukhang kawawa.Ako na ang escort mo kaya dapat magpasalamat ka sa akin"

Tumawa ako ng malakas.

"Grabe ang hangin,hoy para sa kaalaman mo lalaking so sure of himself  I already have a date" pagmamalaki ko.

Siya naman ang tumawa.

"Maniwala sayo, gising oy!"

Imbis na mainis ngumiti lang ako sa kanya.Dinikit ko sa noo niya ang isang card.

Agad naman niyang kinuha at binasa.

Biglang nag iba ang anyo ng mukha niya.

"Ditch him" seryoso niyang sabi.

"Baliw ka ba? sino ka para utusan ako"

"Ditched him and be my date instead"

"Seryoso?" takang tanong ko sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatitig sa akin.
Tila hindi nga ito nagbibiro sa sinabi.

Binatukan ko nga.

"Ouch!" daing niya.

"Hoy lalaki,wag mo nga akong binibiro hindi nakakatawa!"

"Tssk ikaw na nga ang inaalok ikaw pa ang tumatanggi, ganda ka?"

Aba buset talaga ang lalaking to.

"Talagang tatanggihan kita,
alangan namang ipag palit ko si sir sayo".

N. E. V. E. R! ini-spelled out ko pa yung word para damang dama niya.

"In your dreams baka pwede pa"

"Mas gwapo naman ako dun!"

Tumaas ang kilay ko.

"Saan banda?"

Pinanlisikan niya ako ng mata.

"Umalis ka dito,iniistorbo mo ako.Humanap ka dun ng iba.Sure akong maraming may gusto"

"Marami nga ayaw ko naman" sagot niya.

"Choosy ka pa"

"May iba nga kasi akong gusto"

Kumunot ang noo ko.

"Edi,siya ang yayain mo problema ba yun"

" She's taken already" hurt is evident on his voice.

At ewan ko ba parang nasaktan ako sa sinabi niya.

Hindi kaya yung babae sa picture ang tinutukoy niya.I guess he really love the girl.Parang kumirot ang dibdib ko sa naisip.

"Ang ganda ganda mo girl,baka ma-in love sayo yung escort mo niyan" biro ng mga kasama ko.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanila.

"Salamat" sabi ko.

"Maliit na bagay,o sige maiwan ka na namin at may pupuntahan pa kaming group study."

Tumango lang ako sa kanila saka muling nag thank you.Nagpatulong kasi ako sa kanila sa pag-aayos.

Tumingin ako sa salamin.Parang ibang tao ang nasa repleksyon.Light make up lang ang ginawa nila dahil maputi naman daw ako.Ang mahaba kong buhok ay maayos na naka braid ng patagilid.Nag iwan din sila ng manipis na curls sa magkabilang gilid ng pisngi ko.

I smiled on my own reflection.

This is it.No turning back.

Mabilis kong kinuha sa loob ng purse ang cellphone ko ng tumunog ang message tone nito.

Can't fetch you. Something came up. Im sorry. I'll see you at the ball.

Nalungkot ako matapos kong mabasa ang message ni Sir.

I typed Okay, sir saka sinend.

Tumingin ako sa wall clock.Eksaktong alas otso na ng gabi.

Pag labas ko ng gate ng boarding nagtama agad ang paningin namin ng lalakeng prenteng nakasandal sa saradong pinto ng itim na kotse.

Gwapong gwapo ito sa suot na kulay abong americana.Bagong gupit din ito at masasabi kong bumagay dito ang bagong hairstyle.

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi siya sumagot.Hinagod niya ako ng tingin.May nababasa akong kislap ng paghanga sa mga mata niya.

Tumikhim ito.

"Ano kasi---kwan"

"Ano nga?bakit andito ka?"

"Napadaan lang ,paalis na ako ng makita kita"

"Ah,kala ko pa naman ini-stalk mo ako"

Bigla na lang hinithit ng ubo ang lalaki.

"Anyari sayo?"

Umiling lang ito,namumula pa ang mukha.

"Halika ka na,isasabay na kita." alok niya.

Aabutin ko na sana ang door handle ng kotse ng maunahan niya ako.

Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kanyang kotse.

May pagka gentleman din minsan ang damuho.Naisip ko.

" Hoy,mag pokus ka nga sa pagmamaneho.Tingin ka ng tingin eh napaghahalata ka"

"Napaghahalatang ano?"

"Halatang nagagandahan ka sa akin"

Ang lakas ng tawa nito sa sinabi ko.

"Nagmukha ka lang tao sa ayos mo nagyayabang kana"

Hindi ko nalang pinatulan.Ayaw kong masira ang gabi ko.

"Thank you,ang gwapo mo din eh"

"Thanks" ngiting ngiti pa ito.

Umismid lang ako...buset!

09-24-2020
to be continue...

The Him Who Loves Her (Completed)Where stories live. Discover now