CHAPTER 11 TRAPPED

2.8K 193 93
                                    

Laking gulat ni Brixel ng makita niya kung sino ang lulan ng magarang sports car, si Rustian.

Hindi siya makaimik dahil sa isang pagbabago sa plano ang maaring mangyaring pag bisita kay Donya Consuelo.

Agad siyang sumakay ng kotse upang umiwas sa mga maaring itanong ng tiyahin sa kaniya o sa kasamang amo.

Wala pa ring alam ang tiyahin kung sino ang laging kasama ni Brixel...


*****

***BRIXEL***

Nanlaki talaga ang mga mata ko ng biglang sumulpot si Boss sa aming harapan.

Hindi na ako makapagsalita at alam kong uusisain na naman ako ng Tiya Mitos kung sino talaga si Boss Rustian.

Nakalusot na nga ako kagabi sa sermon niya tungkol sa pagtulog niya sa kwarto ko nung isang gabi.

Natigil lang ang panenermon ng tiyang ng mag-abot ako ng sampung libong hulog ko sa utang namin.

Dahil may biyaya siyang natanggap sa regular na sahod ko ay masaya pa siyang binitbit ang bag ko at ihatid sa labas ng bahay.

Mga ilang araw rin sigurong matatahimik ang tiyang na pag-initan ako.

Iba talaga siya kapag nasayaran ang palad ng ganoong halaga sa isang araw.

Paniguradong labas-masok na naman sila ni Maricar sa mall ngayong maghapon.

Okay na yun basta masaya sila,masaya na rin ako.

Obligasyon ko rin naman na abutan ang tiyang sa mga utang namin.

At isa pa masaya din ako dahil makakakasama ko si boss sa pagbisita sa kaniyang mama.

"Ang ganda ng kotse mo boss?
Sa iyo ba ito?"

Hindi ko siya madirektang tanungin kung bakit siya sumama kaya lihis ko muna sa magara niyang sports car.

"Of course it's mine? Itong yaman kong ito, tingin mo ba manghihiram ako?"

Tugon niya ng nakangiti ng walang tinginan.

Walang halong kayabangan ang dating sa akin ng mga sinabi niya.

Sa ilang linggo ko na siyang nakasama, kabisado ko na agad ang tunay niyang character.

May karapatan naman talaga siyang i-express ang kaniyang buhay mayaman.

Totoo lang siya sa sarili dahil iyon ang normal niyang buhay.

Di gaya ng kilala kong mag-ina na magyayaman-yamanan mamaya sa mall.

"Di ka nga nanghihiram ng kotse,yung sando ko naman di mo pa sinasauli."

"Sasauli pa ba yung sando? Palitan mo na lang at nasuot ko na yun."

"Ay, ang galing. Kotse nakakabili pero sando hindi maisauli."

Biro ko.

Hindi na siya nakaimik dahil paliko na kami sa main road.

Nablanko na naman ako sa itatanong.

Balik tayo sa kotse.

"Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kotse...grabe ang gara. Feeling ko ang pogi ko sa kotseng ito ha ha ha!"

Tingin lang sa akin ang kaniyang ginagawa.

Inabala ko muna ang sarili ko sa pagtetext para kay Ms.Fidel tungkol sa maiiwan kong trabaho at gagawin sa pagbabalik ko. Humingi din ako ng pasensya at biglaan talaga ang pag day off ko. Naunawaan naman niya na ang mama ng boss namin ang dahilan.

BOSSYWhere stories live. Discover now