CHAPTER 24 BALANCING THE ACT

2K 143 50
                                    


______________________

Gabi ng Victory Party
______________________

***MARICAR***

Inanunsyo kanina na maaga kaming pauwiin para makapaghanda sa gaganaping party sa kalapit na hotel.

Hindi na kami umuwi ng mga naging kaibigan kong si Liezel at Nancy.

May shower area naman ang mga sleeping courters dito sa office na maari naming magamit para maligo at makapagbihis.

Hindi naman ako nahirapang bumili ng bagong damit mula sa nakuhang sahod sa training ko.
Bilin kasi na cocktail dress ang aming isusuot kaya napilitan na akong bumili na bago.

Napilitan dahil ayaw kong magsuot ng lumang binili ng mama sa ukay-ukay.

Mabuti na lang at sinunod ko ang instict ko at magmumukha akong tanga kung halatang luma ang isusuot ngayong gabi.

Pagkatapos mag-make up ay naghintay pa kami ng service van ng companya na susundo at maghahatid sa amin sa hotel.

Habang naghihintay ay binuksan ko ang usapin tungkol kay Nathan.

Hindi makapaniwala ang aking mga bagong kaibigan sa nalaman ko at nakaramdam din sila ng inis kay Brixel.

"Grabe naman yang pinsan mo kung ganoon?
Kaya siguro pinaalis kasi nadiskubre ni Nathan na may relasyon talaga sila ni Sir Corona."

Sabi ni Nancy.

"Matagal na rin ako dito,pero di ko naiisip na bading pala ang CEO. Nakakaloka pinatulan yung secretary...nakakapanghinayang naman yung kagwapuhan ni Sir Corona at sinayang lang sa isang lalake din.
Mawalan tuloy ako ng paghanga kay sir. Imagine ang yaman at ang gwapo tapos mapupunta sa ganoon lang?"

Pagsang-ayon ni Liezel.

"Kaya nga ako naiinis kasi pakana ni Brixel yung pagkakakulong ni Nathan. Iniisip ko na... na-manipulate ni Brixel si sir at yun ang nangyari. Kinakatakot ko,malayo ang loob ng pinsan ko sa akin at baka dahilan lang na ayaw ako paligawan. Kasi nga magpinsan kami at baka umasa ako sa special treatment."

Gulat na gulat sila sa mga iba pang bagay na ikinuwento ko.

Na nooy hatid sundo pa ang pinsan ko.

Na nakitulog na si sir Corona sa kwarto ni Brixel.

Ang ikinagulat pa nila lalo ay ang ibahay pa si Brixel at bigyan pa nila ang mama ko ng suhol para mapapayag lang.

Naramdaman nila ang pagkainis ko sa aking pinsan dahil maaring abusuhin niya ang kaniyang posisyon.

Na maaring konting salita lang niya ay pwede ng matanggal ang sino mang ayaw niyang makita sa office at pruweba na diyan si Nathan.

Kilala nila si Nathan na mabait at malambing sa mga katrabaho.

Maalalahanin at gentleman kayat walang grounds para siya ay sisantehin at ang masakit ay ang ipakulong pa.

"Eh abusado pala yang pinsan mo."

"Kaya mga may plano ako para maunahan natin siya na mapaalis dito. "

BOSSYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon