CHAPTER 26 TEST OF FAITH

1.5K 106 20
                                    

Dahil sa paglabas ng kontrobersya tungkol sa nangyari sa gabi ng victory party ay agad itong  na-headline sa mga dyaryo at humugong sa balita ng bawat estasyon sa tv.

Bagamat pribado at tago ang personalidad at pagkakakilanlan sa CEO ng DataMax, marami ang nagkainteres na malaman kung sino talaga ang batang business tycoon lalo na at kamakailan lang ay umugong ang pangalan tungkol sa hybrid voting machine at ngayon naman ay ang balitang pag-amin nito sa kaniyang kasarian at relasyon sa secretary.

Marami ang nagkainteres sa balita lalo pa ng kumalat sa social media ang kanilang mga larawan na magkasama.

Hati ang reaksyon ng madla,marami ang pumuri at natuwa sa kanila na para bang isang cinderella story na isang karaniwang empleyado ay makakatagpo ng isang mayamang binata.

Sa iba ay kahibangan dahil mayaman ang isa at hindi pa humanap ng kagaya niyang isang mayaman din.

Nakarating na kay Donya Consuelo ang balitang ito at nakausap si Rustian na pinakiusapang huwag ng magpatuloy sa kanilang relasyon na tinanggihan din naman ng binata.

Ngayon naman ay ang saloobin ng kaniyang kapatid na si Arnian ang ating alamin.

*****

Nasa provincial site sa Visayan region ngayon si Arnian at pinamamahalaan ang  mga pinapatayong kabahayan sa sariling subdivision.

Sa mga oras na ito ay hinahabol niya na matapos na ang ilang mga bahay na itinatayo.

At dahil sa balitang may paparating na bagyo ay  pansamanatalang pinapahinto ito ng local goverment bilang pag-iingat.

***ARNIAN***

"Sir,Nakatanggap tayo ng tawag mula sa munisipyo na itigil daw po muna natin ang mga operation sa site at  pauwiin po muna ang mga tao. Baka daw po maabutan ng bagyo ang trabahador natin bago pa sila makapaghanda."

Bungad ng architect ko sa akin.

Maaantala ang trabaho sa site kung pauuwiin ang trabahador lalo pa at malalayo ang mga uuwian ng ilan.

Delay na nga kami operation,tapos para sa isang bagyo lang pauuwiin pa sila.

Lumabas ako ng opisina kung saan katabi lang ng 20 ektaryang subdivision na aking  ipinapatayo.

Ipinahinto ko ang trabaho at ipinatawag ang mga construction worker upang sabihan sila tungkol sa utos ng munispyo.

Pansantalang kong ipapahinto ang trabaho para pauwian sila dahil sa paparating na bagyo.

Sinabi ko rin na nasa kanila din ang desisyon kung uuwi.
Ngunit kakasweldo palang nila dalawang araw ng nakakalipas kayat wala rin silang maaaring iuwi na sahod ngayon.

Mahigpit ako sa pagpapa-advance ng sweldo dahil kapos din ako sa mga bayarin at advance na binabayaran kong mga materyales.

Kalahati lang ang ibinigay ng mama sa nahingi ko.

Nagbigay ako ng option na pwede silang magpalipas ng bagyo sa site at hihintayin nilang humupa ito para makapagpatuloy ng trabaho pagkatapos ng unos ng hindi na sila maabalang pmagpabalikbalik pa.

Nag offer na lang ako na bibigyan ko ko lang sila ng groceries na pwede nilang ipadala sa kanilang mga pamilya pagkatapos ng bagyo.

No choice kaya mababawasan ko ang nahiram ko.

Alam naman natin na mabagal ang sistema dito sa probinsya lalo pa sa pagbibigay ng tulong.

Nasa 70 percent na ang mga naitatayong bahay kaya hindi maaaring itigil ito ng ganoon kadali.

BOSSYWhere stories live. Discover now