CHAPTER 5 SIBLING RIVALRY

3.4K 215 88
                                    

***DONYA CONSUELO***

Masaya ako at pinaunlakan ni Rustian ang aking imbitasyon na samahan niya ako sa aking kaarawan.

Bihira ang ganitong pagkakataon na makasama siya muli.

Kasalanan ko rin kung bakit malayo ang damdamin niya sa akin.

Hindi ko siya nasamahan noong nagdadalamhati kami sa pagkamatay ng bunso kong anak.

Dahil unica ija,paborito siya ng kanilang papa.

Nagbago ang lahat ng mamatay ito.

Kahit hindi sabihin ni Rustian,alam kong sinisisi niya ang kaniyang sarili. Nalulungkot ako para sa mga anak ko.

Sama-sama nga kami sa iisang bubong pero hiwahiwalay naman ang mga damdamin.

Nawala ang pagtitinginan at pagmamahalan sa isa't isa.

Sinisi rin ni Arnian si Rustian kaya lalong naukil sa utak niya na siya ang dahilan ng pagakamatay ng bunso nilang kapatid.

Nahati ako sa kanilang dalawa.

Dahil nagbago rin si Arnian.

Natakot kami na gusto na rin niyang mamatay dahil sa kalungkutan.

Sa sobrang lungkot niya ay naging mainitin ang ulo.
May mga pagkakataon pa na sinasaktan niya ang sarili kung may bagay na hindi niya nakukuha.

Lahat ay ginawa namin upang matanggap niya na wala na nga ang kaniyang kapatid.

Natakot ako na baka mawala rin sa akin si Arnian kaya napabayaan ko si Rustian.

Nagkulang man ako,pero hindi ako nakalimot na paalalahanan siya.
Na mahal na mahal ko siya.
Ngunit tuluyan na nga lumayo ang kalooban niya sa akin dahil sa mga nangyari.

Nasubayabayan ko ang kanilang pagbabanggaan.

Hindi lumalaban si Rustian sa kaniyang kuya at tanging pagkukulong sa kwarto ang kaniyang ginagawa.

Lumaki siyang walang permanenteng kaibigan.
Wala nga akong matandaan na classmate o barkadang kasama niya noon.

Hanggang sa mamatay ang kanilang papa at tuluyan na nga kaming magbukod-bukod ng bahay.

Hindi na sila naasa sa akin dahil sa kanilang namana.

Sa manila napatira ang bunso kong lalaki dahil napalago niya ang kaniyang negosyo.

Sobra ang kasiyahan ko dahil sa murang edad ay multi-billion na ang kaniyang asset.

Doon ako nag-alala.

Dahil sa natatamasang tagumpay ni Rustian,lalong naglayo ang kalooban nilang magkapatid.

Lalo akong nahirapang pag-ayusin sila.
Masyado ng malalim ang nagawa ng nakaraan.
Nagkulang ako dahil sa takot na baka mawalan na naman ako ng isa pang anak.

Hindi lang si Rustian ang sinisi ng asawa ko,maging ako ay nakatilim din ng sumbat na pagiging pabaya.

Kaya na sentro ang pagtingin ko kay Arnian dahil sa pagtatangka niyang magpakamatay.

At napabayaan ko na si Rustian...

Hindi pa huli ang lahat at dalangin ko na sa araw na ito ay magkaayos na silang dalawa.

Tahimik ang dalawa ng maupo sa kanilang pwesto sa mahabang mesa. Sa komedor ng lamesa ako nakaupo,magkatabi si Rustian at ang kaniyang bisitang si Brixel.

Sa katapat na bahagi naman ay ang kuya Arnian niya.

Tahimik silang tatlo habang nakain maliban sa ilang tawag na sinasagot ni Brixel. Mga tawag mula sa opisina ng DataMax kaya nauunawaan ko.

BOSSYWhere stories live. Discover now