CHAPTER 8 BARKADA NIGHTS

2.8K 176 63
                                    

Dalawang buwan ang nakalipas at naging maayos na ang papamasukan ni Brixel bilang secretary ni Rustian.

Madali niyang nagampanan ang mga obligasyon niya sa trabaho.

Sa maikling panahon ay nakapag adjust na siya sa kaniyang posisyon at obligasyon bilang secretary.

Iginagalang at kinikilalang maimpluwensyang tao sa loob ng DataMax building.

Gayun pa man ay nanatili ang kaniyang pagpapakumbaba.

Dumami ang kaniyang kakilala at mga naging kaibigan sa trabaho at itinuring niyang malalapit na kaibigan sina Ate Cors at Emy na kasabayan niya noon sa simula.

Sina Emy at Ate Corz ang namumukod tanging nilalapitan niya kung may problemang hindi niya kaya o alam.

Isang Araw habang nagkakape silang tatlo sa loob ng opisina.

*****

***Brixel***

"Ano ba Brix, may starbucks na dito pero yung kape mo 3 in 1 pa rin? "

Punang natatawa sa akin ni Ate Corz.

"Ate Corz,kahit ka-rubbing elbow ni Brix si Sir Rustian hindi mo mapipilit magkape yan dito.Makunat yan ha ha ha!"

Pagtatanggol naman sa akin ni Emy.

"Dito lang ako nasasarapan ate, at alam nyo bang paborito ito ni boss."

Depensa ko.

"Talaga? Paborito nya yan? Nainom si sir ng 3 in 1?"

Si Emy.

"Dinukot ko nga lang ito sa supply niya sa taas ha ha ha.
Ang dami kaya doon."

Nagkatinginan pa ang dalawa na halatang di makapaniwala na nainom si boss ng Great taste white caramel.

"Alam nyo si boss,kahit sobrang yaman e down to earth yun.
Kaya nga lang, yung Earth niya parang di natin earth.
I mean,ang dali niyang mag-adjust, pagtrip niya?
Pero pag ayaw niya?
Ayaw niya.
Ang nalakatuwa lang, mula ng mapunta ako sa taas (sa top floor) parang nag-iba yung kwento sa akin ni Ms.Fidel na moody si Boss."

"Moody? Bakit, nasigawan ka na ni Sir? Napagalitan ka na niya?"

"Naku hindi pa.
Ewan ko ba dun.
Iba ang style ni boss pagnagagalit- Pabulong yung approach."

Sa hitsura ni ate Corz at Emy parang ayaw nilang maniwala na ganoon si Boss Rustian.

"Naku Brix,ang dami naming nalalaman kay Sir Rustian from you! Nakakabilib naman sir,parang ang dami niyang good traits."

Ayaw ko mang kiligin pero totoo na maraming good traits si Boss na gusto kong ikwento.

Ngunit ayaw ko.

Iwas akong magkwento ng mga bagay na nakita ko sa personalidad ni Boss Rustian at baka maging tampulan iyon ng tsismis sa loob mg Kumpanya.

Hindi pa alam ng dalawa kong kaibigan na bisexual ko.

Isa pa,hindi kailangang sabihin sa madla kung ano ang sexual orientation mo para tangapin ka.
Hindi kailangang sabihin sa kanila na lalaki din ang type ko (Malaking secret na si Boss yun.)

Hindi identification card ang homosexuality para makilala ka. Dinadala yan ng natural,ng ugali ng pakikisama,ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Hindi kailangang magpapansin o maging katangitangi sa lahat dahil yung kakaiba ang mas napupulaan.

BOSSYWhere stories live. Discover now